CIM.5

1K 32 2
                                    

"Axon, uuwi talaga ako. Papagalitan ako ni Papa kapag hindi ako umuwi." pagpupumilit ko. Ang lakas na ng ulan sa labas pero kailangan ko talagang umuwi.

"Hindi kita hahayaang umuwi ng ganyan kalakas yung ulan, Xenon. Mamaya kung ano pang mangyari sayo dyan sa labas." nakahiga na si Axon sa kama niya.

"May mangyayari talaga sakin kapag hindi ako umuwi." panigurado nag-aalala na yun sila mama. Lowbat pa naman yung phone ko kaya hindi nila ako macontact.

"Edi ipagpapaalam na lang kita sa parents mo."

"Wag na! Lalong magagalit yung mga yun. Hindi ako uuwi ng bahay tapos lalaki pa yung kasama ko. Uuwi na kasi ako, kaya ko naman na umuwi."

"Ihahatid na kita."

"Hindi na. Umuulan, mamaya magkasakit ka pa."

"May sakit na nga ako diba? Sige na please. Ihahatid na kita."

"Okay. Sige na." feeling ko kasi hindi kami matatapos sa pagtatalo kapag hindi ako nagpatalo.

Na-stock kami sa may R.Papa dahil sa baha, tapos ang tagal pa ng usad ng mga sasakyan, at hindi pa rim tumitila yung ulan. Mga 30 minutes siguro kaming stock dun bago tuluyang nakausad. Tinuro ko kay Axon yung bahay namin, sa may kanto pa lang kami pero natatanaw ko na si Papa sa may gate. Ito na nga bang sinasabi ko, malamang sasabunin ako nito.

Bumaba ako sa kotse ni Axon ng nakapayong. "Pa!"

"Bakit ngayon ka lang?" madilim at hindi ko makita yung mukha ni papa pero alam ko na galit na siya. Naku lagot na talaga ako. "Kaninong kotse yan? Saan ka galing?" pag-uusisa ni Papa sa nakasakay sa loob ng kotse, at saktong lumabas si Axon ng walang payong.

"Hoy wag ka ngang magpaulan, Axon!" tumakbo ako papunta kay Axon at pinayungan siya. "Naghahanap ka yata ng ikakaaga ng pag-alis mo e. Tara na nga." hinila ko siya palapit kay Papa.

"Sino yan Xenon Quijano?" lalong nanggigil yung tono ng boses ni Papa idagdag pa ang pagbanggit niya sa buong pangalan ko. Lagot na talaga, galit na galit na si Papa.

"Ano po 'pa... Pasok muna po tayo baka kung anong mangyari dito sa kasama ko. Ipapaliwanag ko po lahat sa loob."

"Ayus-ayusin mo lang Xenon. Pumasok na kayo at baka magkasakit pa kayo." nauna nang naglakad si Papa, sumunod kami ni Axon.

"Nakita mo yun? Galit na galit na si Papa. Mas malala pa kung hindi ako umuwi." bulong ko kay Axon.

"It's a sign na nagaalala siya sayo. Buti ka nga may tatay at pamilya ka pa na inuuwian, so be thankful." matamlay yung tono niya.

Namimis na niya yung parents. Kawawa naman tong taong to. "Tara na nga." Pagpasok namin sa loob ng bahay, nakaabang ang buong pamilya ko. Si Mama, Papa, Cobalt, at Nickel.

"Ate bakit ngayon ka lang? Lagot ka kanina pa nagagalit sayo si Papa." sabi ni Cobalt, yung kapatid kong lalaki, kambal sila ni Nickel, pero si Nickel babae.

"Sino siya ate? Magpapakilala ka na ba ng boyfriend samin?" usisa ni Nickel.

"Huy ano ba kayo! Wag nga kayong ano dyan." nakakahiya kaya kay Axon.

"Bakit ginabi ka, Xenon? Hindi namin macontact yung phone mo, tapos hindi ka pa nagpaalam na gagabihin ka." sabi ni Mama.

"Sinamahan ko po kasi tong si Axon na magpa-check up. Si Axon nga po pala kaibigan ko. Axon, pamilya ko."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon