CIM.12

762 30 9
                                    

CIM.12

Xenon,

I know minutes or hours after I gave this, you will read it. Kilala kita e, alam kong hindi ka mapapakali hangga't hindi mo to nababasa. I just want you to know some stuff.

First of all, I want to thank you for coming to my life. Mula nung dumating ka binago mo lahat, binigyan mo ako ng pag-asa at dahilan para mabuhay. And I love you for that. Ikaw rin yung nagbigay sakin ng kahulugan ng totoong pagmamahal, na kahit alam mo na iiwan rin kita hindi ka nag-hesitate na mahalin ako at sumugal sakin. And I love you more for that.

Xenon, you know that I love you, right? Kung iwan man kita at hindi ako manalo sa laban kong to, gusto ko na ipagpatuloy mo pa rin yung buhay mo, ibalik mo yung buhay mo nung hindi pa tayo magkakilala. Gusto ko kapag pinanood kita mula sa kung nasaan man ako dapat masaya ka. Wag mo na rin ako masyadong isipin sa mga oras na yun, okay? Gawin mo lahat ng makakapagpasaya sayo.

Habang sinusulat ko to, pinapanood mo ako. Alam mo ba na lalo akong nai-in love sayo? Ang ganda-ganda mo pala, ngayon ko lang napansin e. Ang ganda ng mga mata mo, ang sarap makipagtitigan sayo. Ang ganda rin ng lips mo, ano kayang pakiramdam ng halik mo? Let me try it one of these days haha. Na-in love kasi ako sayo nang hindi napapansin kung maganda ka ba o ano.

I love you. I love you. I wish for your happiness. I love you. I love you.

-Axon.

Natapos kong basahin yung sulat ni Axon nang humahagulgol. Lagi na lang niya akong pinapaiyak.

Pinagmasdan ko yung payapa niyang mukha habang natutulog sa tabi ko. Ang laki na ng pinagbago niya, sobrang payat na niya kumpara nung una kaming magkita.

Unti-unti dumilat yung mga mata niya. "Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala niyang tanong.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "You know that I love you, right?"

Naramdaman ko yung pagtango niya.

"Don't wish for my happiness, because you're my happiness."

"Pero hanggang kailan? Hindi habangbuhay ako yung happiness mo."

Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan yung magkabila niyang pisngi. "Habang buhay ako ikaw ang happiness ko."

Inilapit niya yung mukha niya sakin. "Alam ko nabasa mo na yung sulat ko para sayo." Mas nilapit pa niya yung mukha niya sakin. "And I know, you know about that kiss thing." Mas lumapit pa siya. Ilang inches na lang yung layo namin sa isa't-isa. "I think this is the perfect time to do that."

Lalong nag-init yung mukha ko sa huli niyang sinabi.

"Can I?"

Tumango lang ako. I also think that this is the perfect time to do that, and besides mahal ko siya, why not give him a kiss?

At tuluyan nang naglapit yung mga labi namin. Kakaiba yung pakiramdam, para akong nakalutang at ang bilis ng tibok ng puso ko. Mga ilang segundo ring magkadikit yung mga labi namin bago ito tuluyang maghiwalay.

"Tama nga ako." Sabi niya nung maghiwalay na yung mga labi namin.
"Huh? Tama ka na ano?"

"That you're a good kisser." Sagot niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Gago ka pa rin talaga e 'no!"

Tumawa siya ng mahina. "Axon Diaz is Axon Diaz, Sweety." At hinalikan niya ako muli sa labi.

"Tsk. Magnanakaw."

"I wanna do this more often in the future."

"Kaya magpagaling ka na, okay?"

"Paano kapag hindi na ako gumaling?" bumalik na naman kami sa malungkot at seryosong atmosphere.

"Gagaling ka, Axon. Kaya ka nga nagpapagamot diba?"

"Pero ginagawa ko lang naman to para sayo, kasi nangako ako na lalaban ko tong sakit na to."

"Axon... lumaban ka rin para sa sarili mo. Please wag kang mawalan ng pag-asa."

Ngumiti lang siya at pinikit na yung mga mata niya.

Kakatapos lang ng chemo ni Axon. Natutulog na siya ngayon. Dumalaw din sina Mama, Papa, Nickel, at Cobalt sa ospital.

"Kumusta na siya, Xenon?" Tanong ni Papa.

"Sa tingin ko po hindi ayos, Pa. Sobrang laki ng ipinayat niya, humina na rin yung katawan niya."

"Sa tingin mo ba gagaling pa siya?"

Napaiyak ako sa tanong ni Papa. Aaminin ko na sa lagay ngayon ni Axon, sobrang liit na lang ng tsansa na gagaling siya, pero hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. "Kailangan ko pong magtiwala, Pa... Para kay Axon..."

"Sa tingin mo hindi ba siya nahihirapan sa lagay niya ngayon?" Mahinahong tanong ulit ni Papa.

Napaisip na naman ako. "Hirap na hirap na po siya..." Naiimagine ko pa lang yung itsura ni Axon na hindi maayos yung lagay nanghihina na ako. Parang hindi ko kaya na makita siyang ganun.

Niyakap ako ni Papa. "Palayain mo na siya, anak. Hayaan mo na siyang magpahinga."

Tuluyan na akong humagulgol sa sinabi ni Papa. Hindi ko pa kaya. Ayoko pa.

"Anak, pagod na si Axon. Hayaan mo na siyang umalis."

"P-Pero Papa... gusto ko po siya makasama..."

"Baka hindi ito yung tamang lugar at pagkakataon para magkasama kayo."

"Papa..." patuloy pa rin ako sa paghagulgol. Yung thought kasi na mawawala na si Axon, sobrang sakit.

"Pag-isipan mo, anak. Timbangin mo yung mga bagay. Matuto kang magparaya at wag maging makasarili. Malaki ka na, matanda ka na, alam mo na yung dapat gawin." Kumalas sa pagkakayakap si Papa. "Sige na, maiwan na muna kita." At umalis na si Papa sa tabi ko, pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Naguguluhan ako ngayon. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, tama lahat ng sinabi ni Papa, pero parang hindi ko pa kaya na bitawan na si Axon, selfish na kung selfish pero hindi ko pa talaga kaya e.

Pumunta ako sa chapel ng ospital, siya yung pinakamabuting lapitan sa mga oras na 'to. Ipagpapasa-Diyos ko na lang lahat ng 'to. Lumuhod ako sa kneeler sa unahan, pumikit ako at umiyak nang umiyak habang inaalala lahat ng pinagsamahan namin ni Axon.

Oo, hindi ganun katagal yung pinagsamahan namin, hindi ganun karami yung mga oras na magkasama kami, pero sa sandaling panahon na yun napatunayan ko na hindi talaga sa tagal ng pinagsasamahan nasusukat yung mga bagay, kundi sa kung gaano katatag at kahigpit yung kapit nyo sa isa't-isa, kung gaano nyo pinagkakatiwalaan at inaasahan yung isa't-isa.

At iaasa ko na lang sa Diyos yung mga mangyayari sa susunod, kung anong gusto niyang mangyari hahayaan at tatanggapin ko na lang.

"Lord, ikaw na pong bahala kay Axon... Alam nyo po kung gaano ko siya gustong makasama kaya kahit mahirap... kahit masakit, patuloy pa rin akong umaasa na gagaling siya. Gusto ko pong mas maiparamdam pa sa kanya kung gaano ko siya kamahal... gusto ko pa po na gumawa ng maraming-maraming memories kasama siya, gusto ko pong gawin namin yung mga bagay na ginagawa ng normal na couple. Pero po... kung hindi po ito yung tamang panahon, lugar at pagkakataon para gawin yung mga bagay na yun, tatanggapin ko na po. Kung gusto nyo na pong kunin sakin si Axon, sige po binabalik ko na po siya sa inyo, hindi naman po talaga siya sakin. Nagtitiwala po ako sa inyo na sa kabila ng mga bagay na 'to, may maganda ka pong plano para sa amin... Diyos ko, mula sa oras na 'to sinusuko ko na po sa inyo si Axon..." Wala nang tigil sa pagpatak yung mga luha ko. Wala na. Isinuko ko na siya. Wala nang bawian.

Lumabas ako sa chapel nang nanlalambot. Masakit, pero kailangan kong tanggapin na wala ngang permanenteng bagay dito sa mundo, lahat ng tao aalis sa buhay mo.

Bye, Axon. I'm setting you free.

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon