CIM.8

890 32 4
                                    

Xenon's POV

Pagdilat ng mata ko nandun na ako sa loob ng kotse ni Axon. Magkatabi kami sa backseat, nakasandal yung ulo niya sa balikat ko at tulog na tulog. Akala ko ba matutulog siya dun sa room kanina? Tapos biglang lumipat dito. Hindi pa ako ginising. Hinayaan ko na lang siyang matulog baka pagod nga talaga to. Dapat kasi hindi na to pumapasok sa school e, lalo lang napapasama yung kalusugan niya e.

"Iniisip mo ako 'no?" he said in his bedroom voice.

Nilingon ko si Axon. Nakatingin siya sakin. "Bakit mo alam?"

"Wild guess. Ang galing ko talaga! Bakit mo ako iniisip? Gusto mo na ako 'no?"

Gusto ko siyang batukan at hampasin, pero hindi ko ginawa. Mamaya kung ano pang mangyari dun sa tao. "Tigil-tigilan mo ako sa mga ilusyon mo Axon a!"

"Grabe ilusyon talaga? Sa gwapo kong to ako pa ang nagi-ilusyon sayo." Lumipat na siya sa driver's seat. "Lipat ka dito sa tabi ko, may pupuntahan tayo."

"Bakit kailangan ko pang lumipat? Tsaka saan tayo pupunta?"

"Lumipat ka dito para hindi ako magmukhang driver mo!"

"Arte naman nito." Lumipat na lang ako sa passenger's seat. "Saan ba tayo pupunta?"

"Kina Mom and Dad."

Ang alam ko patay na yung parents niya, so sa sementeryo kami pupunta? "Kailan mo ba sila huling binisita?" tanong ko.

"Last month. Pero dati halos araw-araw akong nasa puntod nila." 

Maya-maya lang huminto yung sasakyan niya sa isang private cemetery. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Woah. Anong meron? Bakit parang ang gentleman niya ngayon? Nung makababa na ako sa kotse, hinawakan niya yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng puntod ng parents niya. Magkatabi lang yung puntod nila.

"Mom, Dad, sorry ngayon lang po ulit ako nakadalaw... May kasama nga po pala ako, si Xenon po. Mag-hi ka sa kanila, Xenon."

"Hi po." at sinabayan ko ng pag-wave ng kamay.

Umupo siya sa tapat ng parents niya. "Tabihan mo ako."

Umupo na rin ako sa tabi niya. Ang tagal na walang nagsalita saming dalawa, pareho kaming nakatingin lang sa puntod ng parents niya.

"Mom, Dad, this girl beside me knows magic." he said randomly.

Hindi ko magets kung anong sinasabi niya. Ako lang naman yung katabi niya so ako lang yung tinutukoy niyang may magic. At paano naman ako nagka-magic? Ang weird talaga nito.

"She makes me strong even if I'm dying. She makes me smile even if I don't have reason to be happy. And she casts a spell that makes my heart skip a beat whenever I'm with her." seryosong-seryoso yung mukha niya pati yung tono ng pagsasalita niya. 

And my heart also skipped a beat when I heard what he said. What the. Ikaw yata tong nagca-cast sakin ng spell e. Those words, it's like a spell that ruins my system. Yung puso ko parang gustong kumawala sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok, nanlalamig at nagpapwis yung kamay ko, pero ang init ng mukha ko, nanginginig yung tuhod ko, at para rin akong napipi kasi walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko, kasi ang alam ko dapat sa mga oras na to tinatalakan ko na siya.

"She's my strength and hope. I want to live longer because of her. Okay lang naman po sa inyo na siya yung maging dahilan kung bakit lumalaban ako ngayon, diba?"

Hindi ko na alam. Lalong gumugulo yung isip ko sa mga sinasabi niya. "Hu-Huy ano bang pinagsasabi mo?"

Tsaka lang niya ako tiningnan. Diretso siyang nakatingin sa mata ko. "Naniniwala ka naman sa mga sinabi ko diba?"

"Hindi ko alam." hindi kasi talaga ako sigurado. Baka pinagtitripan niya lang ako.

Ngumiti siya. Naging heart-shaped yung bibig niya, meaning genuine yung smile niya. "Hindi kita pipilitin. Tara na may pupuntahan pa tayo." hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming tumayo. "Mom, Dad una na po kami."

Hanggang sa makasakay kami sa kotse niya magkahawak pa rin kami ng kamay.  Bumitaw lang siya nung nagsimula na siyang magdrive.

"Saan naman tayo pupunta?" na-awkward tuloy ako sa kanya bigla.

"Sa kapatid ko."

"May kapatid ka? Ngayon mo lang nabanggit sakin yun a."

"Dun siya nakatira ngayon sa Tita namin. Bata pa kasi siya tapos nag-aaral ako kaya hindi ko pa siya kayang alagaan." Nung makarating kami sa isang malaking bahay, may sumalubong sa kanyang batang babae na siguro mga 10 years old. Niyakap nila yung isa't isa.

"Namiss kita, kuya! Bakit ngayon ka lang pumunta ulit dito?"

"Busy si Kuya. Madaming exams tapos nagpapacheck up pa ako."

Bakas sa mukha nung kapatid ni Axon yung sobrang saya nung marinig yung sinabi nito. "Talaga kuya?! Nagpapacheck up ka na?! Thank God! Buti nagbago yung isip mo."

"It's because of her." sabi ni Axon sabay tingin sa direksyon ko. Tsaka lang ako napansin nung kapatid niya.

"Who is she?" tanong nung kapatid niya.

"She's Xenon. Xenon, meet my sister Auxin."

"Are you my brother's girlfriend?" tiningnan niya ako mula sa paa pataas sa mukha. Para namang ang arte ng batang to. Brat.

"No."

"Can we talk? In private." sabi sakin ni Auxin.

"Sure."

Nauna nang naglakad si Auxin at sumunod ako. Naknang ang bitch naman ng batang to ang sarap palamunin ng tsinelas.

"Auxin, be good to her. She's nice." narinig ko pang pahabol ni Axon habang sinusundan ko tong si Auxin papunta sa sinasabi niyang 'in private.'

Kakasunod ko sa kay Auxin narating namin yung kwarto niya yata.  Puro kasi pambabae at pambata yung gamit dun. "If you're not my brother's gf, then who are you?"

"I'm his witch."

"What?! Baliw ka ba?!" aba at sinigawan pa ako ng batang to.

Hinawakan ko ng mahigpit yung braso niya. "Hoy bata ka! Ang bitch mo a! Tandaan mo mas matanda pa rin ako sayo kaya konting respeto lang!"

Unti-unting namula yung mata niya, pabagsak na yung luha niya. Kaya nataranta ako at cinomfort ko siya para hindi na tuluyang umiyak. Naguilty ako bigla.

"Uy sorry kung nasigawan kita. Sorry."

Pinunasan niya yung luha sa mata niya na nagbabadyang tumulo kanina. "Sorry din po. Gusto ko lang naman pong makilala yung nag-aalaga kay kuya. Tsaka yung sinasabi niyang babaeng may magic na minamagic si Kuya ko."

"Wala akong magic a. Nababaliw lang yung si Axon."

"He might be sick, but he's not crazy. I can feel what my brother feels about you." kanina bitch, ngayon naman parang ang mature na niya. "Take care of him, okay? I know Love can heal my brother. Your love to be exact."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon