CIM.13

705 28 5
                                    

CIM.13

Pagbalik ko sa kwarto ni Axon tulog pa rin siya. Naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas tutal nandun naman sila Mama at Auxin para bantayan siya, kailangan ko huminga at mag-isip, kailangan kong mag-isa.

Habang naglalakad-lakad ako sa loob ng mall na hindi kalayuan sa ospital, may lalaking mabilis na tumatakbo ang nakabangga sakin. Halos matumba na nga ako sa sobrang lakas ng pagkakabangga niya, hinahabol rin siya ng mga guards ng mall. Baka shoplifter siya or what.

Pumunta ako sa cinema at pumili ng pelikulang papanoorin, hindi naman talaga ako manonood, kailangan ko lang ng madilim na lugar kung saan pwede akong umiyak nang walang nakakakita sakin. At nakita ko na lang yung sarili ko na nasa harap ng malaking screen at pinapanood sina Hazel Grace at Augustus Waters, wrong move kasi madadagdagan yung dahilan ng pag-iyak ko, una dahil sadyang nakakaiyak yung kwento, at pangalawa halos pareho kami ng pinagdadaanan ngayon ng mga character.

Sobra yung paghagulgol ko sa mga lines ni Augustus, tagos na tagos sakin lahat at isa pa naiimagine ko na sinabi sakin ni Axon yung mga yun. Kaya lumabas ako ng sinehan na namamaga yung mata at namumula yung ilong sa sobrang kakaiyak.

Naglalakad na muli ako palabas ng mall nang makasalubong ko ulit yung lalaking nakabangga sa akin kanina, at this time hawak na siya ng mga guard na humahabol sa kanya kanina.

"Siya po! Kasama ko po siyang magshoplift!" Sigaw nung lalaking hawak ng mga pulis habang nakaturo sa akin.

Ako?! Puta wala akong kinalaman a! Nakiusyoso lang ako! "Wala po akong alam dyan!" Depensa ko.

"Wag ka nang magdeny, Wendy!" Sigaw muli nung lalaki sa akin.

"Hindi ako si Wendy! Ano bang pinagsasabi mo?! Sir, hindi ko po talaga alam pinagsasabi ng lalaking yan."

"Sumama na kayong dalawa sa presinto. Doon na lang kayo magpaliwanag." Sabi nung isang guard sabay hila sa braso ko. Dinala nila kami parking lot at sinakay sa isang van papunta sa presinto.

"Sir, wala po talaga akong alam. Nakiusyoso lang po talaga ako." Patuloy pa rin ako sa pagdepensa sa sarili ko kahit nasa loob na kami ng sasakyan.

"Manahimik ka na lang, Miss. Malapit na tayo sa presinto."

"Bakit nyo ako dadalhin sa presinto e wala nga akong kinalaman  dito, ni hindi ko nga kilala tong lalaking to e." Sabay turo sa lalaking nambibintang sakin. At ang gago ang sarap ng tulog sa tabi ko.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa pinakamalapit na presinto. Punyeta anong gagawin ko nito?!
"Sandali nga lang ho, hindi nyo naman po ako pwedeng ikulong!" Sigaw ko dun sa mga pulis.

"Pakawalan nyo na siya, boss, hindi ko talaga siya kasama." Sabi nung lalaki na nambintang sakin. At take note para wala lang sa kanya nung sinabi nya yun.

Ay putangina! Ako ba ginagago ng isang to?! Pagkatapos ng pambibintang na  ginawa niya at dalhin ako dito sa presinto nang wala naman akong kinalaman sa kashitan niya! Tangina talaga!

Sa sobrang inis ko, tumayo ako sa kinauupuan ko at kinwelyuhan siya habang prenteng nakaupo sa tabi ko. "Putang ina mo! Hayop ka! Baliw ka ba?! Ano bang kashitan yang pumasok dyan sa utak mo at pinagbintangan ako!! Arghh!"

"Tama na, miss." Awat sakin nung isang  pulis. "Ano ba talaga, boy? Kasama mo ba talaga tong babaeng to?"

"Hindi ho. Pakawalan nyo na siya." Sagot nung lalaki na nambintang sakin.

"Urgh tangina talaga!"

Lumabas naman ang isa pang pulis mula sa kung saan. "O Villalobos nandito ka na naman. Ano na naman kaso mo?" Sabi nung pulis na kakalabas lang.

"Shoplifting, boss." Yung isang pulis ang sumagot.

"Sino naman tong babaeng to? Kasabwat mo?" Sabay tingin sakin nung pulis na sa tingin ko ay mataas ang posisyon.

"Kanina sabi nitong lalaki kasama raw niya tong babae, boss, tapos ngayon sabi pakawalan na raw tong babae." Paliwanag nung isang pulis.

"Sige na pakawalan mo na yang babae. Baka naka-droga na naman tong si Villalobos."

"Sige na, miss, pwede ka nang umalis." Sabi nung pulis sakin.

"Pasensyan ka na, miss kung nadamay ka pa nitong ni Villalobos." Sabi nung pulis na mukhang mataas ang posisyon.

Walang sabi-sabi, tumayo ako at lumabas sa presinto. Punyeta kaya naman pala e! Nakadrugs pala yung lalaking yun.

Sumakay ako ng taxi pabalik ng ospital. Wala si Axon sa kwarto niya nang dumating ako.

"Si Axon po?" Si mama lang kasi ang naiwan doon.

"Nasa garden yata, kasama si Auxin."

"Sige po." Pumunta ako sa garden, nakita ko silang magkapatid na nakaupo sa bench, nakayakap si Axon kay Auxin. Pinagmasdan ko sila mula sa pwesto ko. Nakakatuwang sobrang lapit nila sa isa't-isa, sigurado kapag gumaling tong Axon mas madalas ko pa silang makikita na ganito. Sana lumakas na si Axon at tuluyan nang gumaling, hindi lang para magkasama kami kundi para mas tumagal pa yung pagsasama nilang magkapatid.

"Ate Xenon! Kanina ka pa po ba dyan? Lapitan mo na po si kuya kanina ka pa po niya hinahanap." Sabi ni Auxin na nasa harapan ko na pala.

Lumapit ako kay Axon. "Kumusta pakiramdam mo?" Umupo ako sa tabi niya.

"Saan ka nagpunta bakit ang tagal mo?"

Kinwento sa kanya yung nangyari sakin kanina. Lahat-lahat. Detailed.

"Ayos ka lang ba? Wala ba silang ginawa sayo?" Nagaalalang tanong ni Axon. "Alam mo ba yan yung mismong nasa panaginip ko kagabi, kaya lang ang kaibahan, ako yung lalaki na nag-shoplift at nagbintang sayo. Hindi ko nga alam bakit ang odd ng panaginip ko."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon