CIM.6

1K 36 3
                                    

"Xenon, whole week next week hindi ako makakasabay sayo. Alam mo naman Engineering Week na next next week kaya busy yung org sa mga pautot nila, e organizer ako sa event." paalam sakin ni Nestea. Vacant namin at ginagawa namin yung assigment namin sa next class.

"Oo na sanay naman na ako no. Panget rin tong timing ng Eng'g Week e. Nakikisabay pa malapit na yung midterm week natin." reklamo ko.

"Ngayon ka pa nagreklamo e pang-apat na taon na natin yan nararanasan."

Nagawa pa naming magkwentuhan e ilang oras na lang next class na namin at wala pa sa kalahati yung nagagawa namin. Bakit ba kasi ngayon lang namin to ginawa e last week pa to binigay ng prof? Certified crammer talaga kami ni Nestea e.

"Ay nga pala Xenon, pumunta na naman nung isang araw dito yung kaibigan ni Axon, Karl pala pangalan nun. Hinahanap ka na naman, kinukumusta sayo si Axon, ang tagal na raw kasi niyang hindi nakikita. Ako nahihiwagaan na talaga ako kung anong meron sa inyo ng Axon na yan a." hindi ko pa nga pala nakukwento kay Nestea yung tungkol kay Axon. At speaking of Axon, mag-iisang linggo ko na rin siyang hindi nakikita, hindi rin ako tinetext. Ano na kayang nangyari dun? Puntahan ko kaya mamaya sa unit niya. Baka kung ano nang nangyari.

Pagdating ko sa tapat ng pintuan ng unit ni Axon, nag-doorbell agad ako. Walang nagbubukas. Inulit ko pa yun ng mga ilang beses pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kaya nagalala na ako.

"Axon! Nandyan ka ba?" medyo nagpapanic na rin ako. Baka kasi kung ano nang nangyari sa kanya. "Axon!"

Nakailang pindot pa ako sa doorbell nung bumukas yung pinto. Ang tamlay at namumutla yung mukha niya na sumalubong sakin. "Xenon..."

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan yung itsura mo?" tuluyan na talaga akong nagpanic nung makita ko yung itsura niya.

Hindi siya sumagot. Bigla na lang siyang nawalan ng malay sa harap ko, buti nasalo ko siya. Inalalayan ko siya sa loob at hiniga siya sa couch.

Susme kinakabahan na ako! Anong gagawin ko dito? Tatawag na ba ako sa ospital? Anong ba kasing ginawa ng taong to at nagkaganito to?

"Axon! Huy gumising ka! Dadalhin na kita sa ospital a. Ghad magkakasakit ako sa puso sa sobrang kaba sayo!" kinuha ko yung phone sa bulsa ko at dinial yung number nung doktora ni Axon na nakita ko sa planner niya nung nakaraang linggo.

Nagriring na yung phone nung bigla akong hawakan sa braso ni Axon. "Okay na ako..."

"Hindi ka okay. Namumutla ka o." sumagot na rin si Doktora sa kabilang linya.

(Hello?)

"Okay na sabi ako e..." ulit ni Axon. Bigla niya akong hinila kaya natumba ako sa ibabaw niya, yung mukha ko nasa may dibdib niya.

(Hello? This is Doctor Yu. What can I dofor you.) sabi ni doktora sa kabilang linya nung hindi ako nagsalita.

Pero ang awkward talaga ng posisyon namin ni Axon. Aalis na dapat ako pero niyakap niya ako gamit yung dalawa niyang braso kaya hindi na ako nakapalag.

"Dito ka muna. Ganito muna tayo please." sabi niya.

(Hello? Hello?) nasa kabilang line pa rin si doktora.

"Ay sorry po wrong number." and I managed to say something. Binaba ko na rin yung tawag. "Ano bang nangyari sayo? Bakit halos isang linggo mo akong hindi cinontact? Iniinom mo ba yung gamot at vitamins mo? Ano bang mga kinakain mo?" sunod-sunod kong tanong kay Axon habang nakayakap pa rin siya sakin.

"Okay na ako. Wag ka nang magalala."

"E paanong hindi ako magaalala hindi ka man lang nagpakita o nagparamdam sakin ng ilang araw. Tapos yung kaibigan mong si Karl laging pumupunta sa school at kinukumusta ka."

"Okay na nga ako diba? Nakita mo na ako, okay ako, kaya wag ka nang magalala."

Tumayo na ako sa pagkakayakap niya, hindi naman na masyadong mahigpit yung pagkakayakap niya. "Anong okay? Tingnan mo nga namumutla ka. Ano ba kasing ginawa mo?"

Umupo siya ng ayos sa couch habang ako nakatayo sa harap niya. "Nagrereview ako. Exam week namin. Sabay pa nung thesis."

"So nagpupuyat ka?"

Para siyang batang tumango. "Sorry..."

I took a deep breath at tsaka tumabi sa kanya sa couch. "Alagaan mo naman yung sarili mo Axon. Nandito lang ako para tulungan ka, kailangan mo pa rin alagaan yung sarili mo."

"Yes... sorry..."

Inakbayan ko siya. "Wag ka magsorry. Basta next time a."

"Opo..."

Tumayo na ako. "Sige na. Alis na ako. Chineck lang naman kita."

Hinawakan niya ako sa braso. "Dito ka muna please."

"Kailangan kong umuwi. Magrereview din ako. Exam week na rin namin next week."

"Dito ka na lang magreview. Dali na please. Magpaalam ka na lang kay Tita." para na naman siyang baby na nagpapacute.

Sige na nga. Para mabantayan ko rin siya. Pinapabayaan yung sarili e. "Sige na nga."

Tinext ko si Mama na malelate ako ng uwi dahil nandito ako kay Axon. Maiintindihan naman na niya yun kasi alam na niya yung kalagayan ni Axon.

"Yes! Gusto mo kumain muna?" tanong sakin ni Axon. Tumayo siya sa couch.

"Wag mo na akong intindihin. Dito ka na lang. Namumutla ka pa rin, magpahinga ka muna mamaya mo na ituloy yung pagrereview. Masyado kang studious. Ano bang pagkain mo dito? Kumain ka nga." ako naman yung tumayo at pumunta sa kusina niya. Binuksan ko yung ref, buti na lang marami siyang stock na pagkain. At sinunod niya yung bilin ko na damihan yung prutas at gulay. Kumuha ako ng iba't-ibang prutas at nilagay sa plato.

Pabalik na ako sa living area, pero nung pagharap ko tumambad sakin yung mukha ni Axon. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, hindi ko nasukat kung gaano kalapit pero sobrang lapit talaga na nararamdaman na namin sa mukha namin yung hininga ng isa't-isa. At sa sobrang gulat ko hindi ko na nagawang gumalaw.

Niyakap niya ako. "Sorry kung ang clingy ko masyado. Ngayon ko na lang ulit kasi naramdaman na may nagaalaga at nagaalala sakin. Thank you."

Dama ko yung sincerity sa mga sinabi niya. "Aalagaan kita hanggang sa lumakas ka at tuluyang gumaling."

Siya na rin mismo yung kumalas sa pagkakayakap. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "I will forever thank you for this." at hinalikan niya ako sa noo.

Hindi ko alam kung bakit may pahalik-halik pa sa noo, pero iba yung naramdaman ko sa sinabi at ginawa niya.

Free day ko ngayon, saktong free day din ngayon ni Axon kaya magkasama kami. Busy yung mga kaibigan namin kaya kami talaga yung magkasama. Nagyaya siya sa Luneta, hindi pa raw siya nakakatambay dun.

"Magkwenoto ka nga sakin." sabi ni Axon. Nakahiga kami sa may damuhan, habang nakatingin sa mga ulap.

"Ano namang ikukwento ko?"

"Yung tungkol sayo. Yung buhay mo. Hindi pa nga kita masyadong nakikilala."

"Wala namang exciting sa buhay ko na dapat ikwento. Tsaka ikaw din naman di ko pa masyadong nakikilala kaya pareho lang tayo."

"Gusto lang kitang mas makilala para pag gumaling ako makabawi ako sayo. Ako naman yung mag-aalaga sayo."

"Bakit mo naman ako aalagaan e wala naman akong sakit?"

"Hindi lahat ng inaalagaan may sakit, yung iba gusto mong alagaan dahil gusto mo yung tao."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon