CIM.3

1K 45 5
                                    

"Xenon, I'm dying."

Sure ba siya na okay lang sabihin sa isang stranger yung ganitong problema? Diba dapat pamilya niya yung kausap niya tungkol dito? "Huh?" tapos tinungga ko yung beer na hawak ko.

"Nagulat yata kita." he smiled bitterly. "May Leukemia ako, stage 3."

"Alam na ba to ng parents mo?" hindi ko alam kung paano i-handle yung ganitong klase ng topic.

"Wala na akong parents. Namatay sila sa plane crash two years ago. Ako na lang mag-isa."

"Paano ka? Yang sakit mo? Sinong mag-aalaga sayo?"

"Wala. Hihintayin ko na lang yung oras ko." ang casual lang ng pagkakasabi niya na akala mo normal na bagay lang yung kamatayan. Oo normal kasi mamamatay naman talaga lahat ng tao, pero parang tanggap na agad niya na mamamatay na siya.

"Ayaw mo bang mabuhay ng mas matagal?"

"Wala naman na akong rason para mabuhay, wala naman na yung parents ko e."

"Pero ikaw? Wala ka bang plano para sa sarili mo sa future."

"Meron. Madami sana. Kaya lang gumuho lahat ng plano at pangarap na yun nung nalaman ko na may sakit ako." wala man lang karea-reaksyon yung mukha niya habang sinasabi yun, samantalang ako gusto ko nang maiyak sa pinagdadaanan niya ngayon.

"Pwede mo pa naman buuin ulit yung mga plano at pangarap na yun. Ayaw mo bang umasa na gagaling ka pa? Ayaw mo ba panghawakan yung kahit katiting na tsansa na gagaling at mabubuhay ka? Wala masamang umasa, Axon." alam mo yung gusto ko siyang bigyan ng hope. Para kasing ang bilis naman niya sumuko, hindi man lang siya lumaban. Kahit papaano mas relieving yung pakiramdam na kahit natalo ka at least alam mong ginawa mo lahat para lumaban.

"Gaya ng sabi ko wala na akong dahilan para mabuhay. Wala na akong kakapitan, wala akong kasamang lumaban, mahirap lumaban mag-isa, Xenon, mahirap lumaban nang wala ka namang pinaglalaban."

Bakit ba masyado siyang nega? Kahit anong lift up ang gawin ko sa kanya, pinipilit niyang i-down yung sarili niya. "Ako. Sasamahan kitang lumaban. Ipaglaban mo yung buhay mo, yung pangarap mo, yung future mo. Sasamahan kita. Wag kang sumuko nang hindi lumalaban."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, kahit ako e. Nagulat din ako sa sinabi ko. Pero gusto ko siyang bigyan ng pag-asa, gusto kong siyang i-enlighten.

"Ano bang sinasabi mo, Xenon? Kanina nga lang tayo nagkakilala, tapos ngayon sasabihin mo sasamahan mo akong lumaban sa sakit ko." uminom siya ng beer. "I think you should go. Kausap yung kailangan ko, hindi awa." tumayo siya at binuksan yung pintuan ng unit niya.

I have no choice but to leave.

Naglalakad ako sa highway. Hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko alam kung paano ako makakauwi nito. At sa kamalas-malasan ko naman ngayon pa ako nawalan ng load, kaya wala man lang akong matawagan o matext man lang. Ito naman kasing si Axon basta-basta na lang akong pinalayas, e hindi ko nga alam kung saang lupalop ng Maynila yung unit niya kaya hindi ko tuloy alam kung paano makauwi.

Bumalik na lang ako sa tapat ng building ng unit ni Axon, para kung sakaling lumabas siya magpapahatid ako sa pinakamalapit na LRT station, hindi na ako mahihiya siya naman tong nagdala sakin dito e. Naupo ako sa may gilid ng main entrance ng building.

May humintong pulang kotse sa tapat ko. Bakit napapadalas ang paghinto ng mga kotse sa harap ko ngayon. Nung bumaba yung salamin ng bintana, nakilala ko kung sino yung nasa loob ng kotse, ito yung kasama kaninang lalaki ni Axon, si Karl. Bumaba siya sa kotse at lumapit sakin.

"Ikaw si Xenon diba?" tanong niya.

"Paano mo nalaman?"

"Dun sa ID mo. Nabalik na ba sayo ni Axon yung ID mo? Teka bakit nandito ka?"

"Oo nasa akin na. Yung kaibigan mo dinala ako dito tapos bigla akong pinalayas sa unit niya, e hindi ko alam kung paano umuwi."

"Dinala ka ni Axon sa unit niya? Wow. Bihira lang magdala ng ibang tao yun sa unit niya, kahit ako hirap makapunta dun e." tumabi siya sakin. "Bakit ka naman biglang pinalayas?"

Okay lang  naman sabihin to sa kanya diba? Kaibigan naman siya ni Axon e."Binanggit kasi niya sakin yung tungkol sa sakit niya tapos parang okay lang sa kanya na mamatay anytime. Sabi ko tutulungan ko siyang lumaban sa sakit, just fight for his life, ayun parang nagalit yata pinaalis ako."

"Halos ganyan din yung sinabi ko sa kanya kanina nung malaman ko yung tungkol sa sakit niya. Kagabi lang kasi niya nalaman na may sakit pala siya, tapos stage 3 agad. Tapos ayun, bigla na lang siyang naging hopeless. Naaawa nga ako sa kanya e, wala na yung parents niya tapos ganito pa yung nangyayari sa kanya."

"Anong ginagawa nyo dito?"

Sabay kaming napalingon ni Karl sa nagsalita. "Uy Axon." tumayo si Karl kaya tumayo na rin ako.

Tumingin siya sakin. "Bakit nandito ka pa? Bakit di ka pa umuuwi?"

"Tol naman dinala mo dito tong si Xenon e hindi pala alam kung paano umuwi." si Karl na yung sumagot.

"Tss. Tara ihahatid na kita." naglakad siya, sumunod naman ako. Sa parking lot pala ang punta niya.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nagpahatid na lang ako sa pinakamalapit na LRT station. Siguro nabingi siya sa sobrang katahimikan kaya nagpatugtog siya.

Ooooh ooh ooh
Call it magic
Cut me into two
And with all your magic
I disappear from view
And I can't get over
Can't get over you
Still I call it magic
You're such a precious jewel
And I don't, and I don't and I don't, and I don't
No, I don't,It's true
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't want anybody else but you
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't
No, I don't,It's true
I don't, no, I don't, no, I don't, no, I don't want anybody else but you

Nakakita ako ng kapiraso ng papel sa gilid ng inuupan ko, kinuha ko yung papel. Wala pang sulat. Dahil ugali kong magsulat ng mga lyrics ng kantang pinapakinggan ko, kumuha ako ng ballpen sa bag ko at sinulat yung line na naabutan ko.

'And I can't get over
Can't get over you
Still I call it magic
You're such a precious jewel'

Tinupi-tupi ko yung papel at binalik dun sa pinagkuhaan ko.

Maya-maya binaba na ako ni Axon sa Gilmore Station. "Thank you. Sige." sabi ko bago ako bumaba.

"Xenon. Wait."

Nakababa na ako nung tawagin niya ako kaya lumingon na lang ako.

"Kaya mo bang lumaban kasama ko?"

Napangiti lang ako. Baka narealize na niya. "Oo naman kaya ko. Kakayanin natin."

He gave me a weak smile. "Fight with me, please."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon