ISAM.10

394 18 2
                                    

Inalis ko yung braso ni Darren sa pagkakayakap sakin at kinuha yung phone ko. Sinearch ko sa facebook yung pangalan nilang dalawa, totoong tao sila, yung Axon at Xenon sa panaginip ko eh at yung nasa facebook ay pareho base sa display picture. Una kong chineck yung account ni Xenon. Hindi na active yung account, pero may mga post sa wall niya na ‘condolence’, ‘rest in peace’, at ‘sana magkasama na kayo ni Axon’, so meaning patay na siya? Patay na sila ni Axon? Hindi ko magets bakit randomly lumabas sila sa imagination at panaginip ko, wala naman kaming mutual friend na pwedeng maging dahilan para maging konektado kamii. Weird. May isang friend si Xenon na madalas magpost sa wall niya hanggang ngayon, lagi niyang sinasabi na miss na miss na niya si Xenon, yung Nestea. In-add ko siya, nahihiwagaan talaga ako kung anong meron kay Axon at Xenon, gusto ko silang makilala, gusto kong malaman kung bakit sila lumitaw sa panaginip ko, yung lovers ba sila or what? Basta ang dami kong tanong.

In-accept agad ni Nestea yung friend request ko, nagsend agad ako ng message sa kanya.

Thalia: Hi, Nestea. Are you Xenon’s friend or relative?

Nestea: Bakit mo tinatanong? Poser ka ni Thalia Villanueva ‘no?

I forgot, hindi nga pala public yung facebook account ko, pero di bale na.

Thalia: I’m the real Thalia, believe me.

Nestea: Wag mo nga akong ginagago.

Thalia: Please. May gusto lang akong malaman tungkol kay Xenon at Axon, may alam ko for sure

Nestea: Bakit mo sila kilala? Stalker ka ‘no?

Thalia: No. I dreamt of them. Really. Are they couple? Ang weird na hindi ko sila kilala personally pero bigla silang lumabas sa panaginip ko. Believe me, please. Nagsasabi ako ng totoo.

Nestea: Okay sige, kunwari naniniwala ako sayo. Ano namang napanaginipan mo tungkol sa kanila?

Thalia: Nasa isang magandang lugar sila, tapos sinagot ni Xenon si Axon. At naalala ko yung last line bago ako magising, “Finally, tears and sacrifices have ended. Pwede na tayong maging masaya. It’s all over now.” Tandang-tanda ko pa yung buong pangyayari kasi parang totoo.

Nestea: Kung frank ‘to, please itigil mo na. Wag mong gawing joke yung mga kaibigan ko, nanahimik na sila.

Thalia: Please, Nestea, believe me. Hindi ako nagbibiro. And I forgot, nung unang beses na pinarinig sakin ng boyfriend ko yung kantang Magic ng Coldplay bigla ko silang nakita sa imagination ko, hindi ko alam kung bakit, sobrang random. Konektado ba sa kanila yung kanta?

Oh sorry, hindi ko nga pala boyfriend, mutual lang yung feelings namin pero walang label.

Okay sorry, I know you don’t care.

Nestea: Oh my God. Totoo ba yang sinasabi mo? Yung Magic, sobrang meaningful sa kanila nung kantang yun.

Thalia: Please Nestea. I need your help, kailangan ko silang makilala.

Nestea: Kahit walang kasiguraduhan ‘to, pagkakatiwalaan kita. Meet me sa 5th Avenue LRT station, tomorrow 5pm.

Thalia: Sige sige. Salamat Nestea.

“Sobrang weird kung paano nagkakilala si Axon at Xenon…” panimula ni Nestea. Nasa harap kami ng puntod ni Xenon na katabi ng puntod ni Axon. “…may sakit na nun si Axon nung magkakilala sila, nakalimutan ko kung anong stage na yung cancer niya nun, pero loka-loka tong kaibigan kong si Xenon na nagvolunteer na aalagaan daw niya si Axon hanggang sa gumaling ‘to. Sobrang hopeless na kasi ni Axon, hindi na siya nagpapagamot nun, hinihintay na lang niya na mamatay siya, pero dahil siguro pinilit siya ni Xenon kaya nagpagamot na rin siya. Hanggang sa magka-in love-an sila. Naalala ko nga sila nung sabi mo na yung boyfriend mo eh hindi mo boyfriend, mutual lang yung nararamdaman nyo pero walang label, ganun din kasi sila, saying lang na hindi na sila naging official.”

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon