ISAM.5

556 17 4
                                    

Ngayon yung libing ng mommy ni Jerome pero nandito lang siya sa unit niya. Nandito lang din ako para samahan siya kasi nagsimula na naman siyang uminom. Simula nung namatay yung mommy niya halos araw-araw siyang umiinom, at halos araw-araw ko rin siyang sinasamahan, feeling ko kasi kailangan niya yun.

"Hindi mo ba pupuntahan yung mommy mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kaya... hindi ko siya kayang makita..."

"Pero Jerome--"

"Wag mo na akong pilitin Thalia."
Nanginginig yung boses niya.

"Sige."

In the end, hindi ko rin siya napilit. Kaya nagstay lang kami dun sa unit niya. Siya umiinom, ako naman nakabantay lang sa kanya.

Siguro mga two days na hindi lumalabas si Jerome, nandun lang siya sa unit niya nagkukulong. Ako naman pinagpatuloy ko yung pagsho-shoot ng movie namin, tapos sinisilip ko siya sa unit niya pagkatapos ng shooting.

"Okay ka na ba talagang magtrabaho ulit?" Tanong ni direk nung makita niya si Jerome sa set.

"Okay na po. Kailangan ko nang bumalik, marami na akong namiss na scenes." Sagot niya. But unlike before, wala siyang buhay ngayon, walang kasigla-sigla yung katawan niya.

"O sige. Pero kung gusto mong magpahinga sabihin mo lang, okay?" Sabi ni direk. Alam naman kasi ng buong team yung pinagdadaanan nung tao kaya siguro nakikisimpatya sila.

Nagsimula na kaming magtake ng mga scenes. Karamihan mga scene na namiss ni Jerome nung mga nakaraang araw.

"Cut!" Sigaw ni direk. "Jerome, maupo ka muna. Hindi maayos yung delivery mo ng lines."

"Sorry po." Sabi niya at umupo dun sa pinakamalapit naa upuan.

Lumapit ako sa kanya at tumabi. "Hindi ka pa okay. Hindi ka pwedeng bumalik sa trabaho kung ganyan ka."

"Ayokong magpa-VIP, Thalia. Pinipilit ko naman na ayusin yung lines ko."

"The more na pinipilit mo mas lalo mong hindi maide-deliver ng maayos yung lines. Alam mo naman na ganun yung konsepto ng pag-arte diba?"

"So anong gagawin ko?"

"Kailangan mo ng ibang environment. Tara dun sa peryahan. May nadaanan kaming peryahan na bagong bukas dun sa may kabilang barangay. Wait lang magpapaalam ako kay direk." Tumayo ako at lumapit kay direk para magpaalam. Buti na lang pumayag siya basta mag-ingat daw kami kasi public place yun, baka may mangyaring hindi maganda.

Hinila ko si Jerome papunta sa sakayan ng tricycle. Medyo weird lang kasi parang alam na alam ko yung mga dapat gawin samantalang first time ko lang naman gagawin lahat ng to, pati yung pagpunta sa peryahan.

"Ang astig dito 'no? Parang amusement park pero mas mura yung bayad." sabi ko habang inililibot yung paningin ko sa peryahan. Ang daming ilaw, may mga booth,tapos may mga rides din hindi nga lang kasing dami sa mga napuntahan ko ng amusement park before.

Pero tahimik lang si Jerome at hindi nagsasalita.

Hinawakan ko siya sa braso at inilibot sa buong paligid. "Hoy, umayos ka na kasi. Sabi mo gusto mo nang bumalik sa trabaho pero hindi naman halata sayo, para ka nang suicidal."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon