ISAM.2

552 26 5
                                    

Thalia's POV
"Thalia, Thalia magready ka na daw sabi ni Direk malapit na yung scene nyo ni Jerome." Tumatakbo palapit sakin si Phia. PA ko pala siya kaya lagi siyang nakasunod sakin. At si Jerome yung leading man ko dito sa pelikulang ginagawa ko na entry sa MMFF. Napapagod na ako, isang linggo pa lang yung shooting parang gusto ko nang huminto.

"Sige sige."

"Tatawagin ko lang yung make up artist para maretouch yang make up mo." Sabi ni Phia at tumakbo na naman siya papunta sa van nung mga make up artist.

Lagpas isang linggo pa lang mula nung bumalik ako sa trabaho pero pakiramdam ko sobrang tagal ko nang nagtatrabaho. Ayoko talaga nito. Kahit ba dati nung hindi pa ako nagkakaamnesia ayaw ko na nito? Para kasing nakakaurat, gusto ko ng mas normal na buhay. Gusto kong magkaroon ng simpleng trabaho. Na-in love nga ako sa mga hayop nung nanonood ako ng NatGeo nung isang linggo, gusto kong maging wildlife photographer. It maybe sounds weird, pero mas gusto ko naman yung adventure kaysa maging artista.

Ano kayang gusto kong gawin bago ako magkaamnesia? Nacucurious ako kung ano ako dati. Wala pa rin kasi akong maalala kahit isa, pero parang deep inside me ayaw kong bumalik yung alaala ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang lalim yata ng iniisip mo." Tumingin ako sa nagsalita, si Jerome pala. Tumabi siya sakin. "Is it true na may amnesia ka?"

"Yep." Sabi sakin ni Phia ngayon ko lang to makakatrabaho, sabi pa niya na may rumor daw dati na nagdate kami kasi may gusto nga daw sakin tong si Jerome. Hindi ko alam kung totoo, but well, nasa showbiz ako, malamang na marami talagang rumors na lumalabas.

"Thalia, I like you." Walang pagaalinlangang sabi ni Jerome.

Napatingin ako sa kanya. "Wala kang mapapala sakin, Jerome."

He chuckled. "Nung wala ka pang amnesia nag-confess ako sayo, nireject mo rin ako. Tapos ngayon nireject mo na naman ako. Wala ba talaga akong pag-asa sayo?"

"Masokista ka ba? Gusto mong paulit-ulitin ko pa sayo na wala kang mapapala sakin."

"Okay okay suko na ako. But still I like you. I know one day you'll need me." Ngumiti siya at naglakad na papunta sa make up artist.

Tsk. Over confident.

Habang tinitingnan ko yung mga taong dumadaan, nasa kalsada lang naman yung set namin, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha, yung lalaki sa ospital na dahilan ng abnormality ng puso ko. Sinundan ko siya ng tingin na papasok sa isang eskinita. Nacurious ako kaya sinundan ko siya. Wala ng masyadong tao dun sa may eskinita pero patuloy pa rin siya sa paglalakad, buti nga hindi niya nahahalata na may sumusunod sa kanya. Hanggang sa pumasok siya sa isang maliit na pintuan, medyo natakot na akong sundan siya hanggang sa loob kasi ang mysterious nung aura sa may labas, kaya naupo na lang ako dun sa may gilid.

Maya-maya lumabas yung lalaki, nagulat pa nga siya nung nakita niya ako, bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko nung magtagpo yung mga mata namin, pero sandali lang yun at naglakad na naman siya palabas ng eskinita. Sinundan ko ulit siya, nahalata na yata niya kaya huminto siya sa paglalakad at humarap sakin. "Sinusundan mo ba ako?" Ang sama ng tingin niya sakin.

Hindi ako natakot kahit halos kainin na ako mg mga tingin niya."Nagkita na ba tayo dati?" Walang takot kong tanong.

"Hindi ko alam. Wala akong maalala." Tumalikod na ulit siya at naglakad.

Sinundan ko ulit siya at sinabayan na siya sa paglalakad. "Ay oo nga pala may amnesia ka rin diba?"

"Wala ka nang pakialam dun. Bakit mo ba ako sinusundan?" Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako.

"Ang weird kasi e. Unang beses kitang nakita sa ospital biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Tapos ngayon nakita na naman kita ganun pa rin."

"May sakit ka sa puso magpadoktor ka na."

"Hindi e. Iba to."

"Baliw ka na." Humarap siya sakin at tumingin na naman ng masama. "Pwede ba tigilan mo ako? Hindi ako interesado sayo."

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Bakit? Dapat ba kilala kita?"

"Thalia Villanueva. Hindi mo kilala?"

"Tangina hindi kaya umalis ka sa harapan ko."

Nagring bigla yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag, si Phia. Ay sht! Nakalimutan ko yung shooting. Hindi ko na sinagot yung tawag, nagmadali na akong tumakbo, pero naalala ko na naman yung lalaki kaya huminto ako at hinarap siya kahit medyo malayo na yung distansiya namin. "Hindi kita maalala pero kilala ka ng puso ko!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo na ulit ako pabalik sa set. Lagot ako nito. I'm sure makakarating agad yun kay mommy at papagalitan ako.

DARREN'S POV

Umuwi ako sa bahay para humanap ng makakain pero wala, kaya lumabas ulit ako para pumunta sa bahay ng magulang ko. Nagulat ako nung makita kong nakaupo sa gilid yung isang babae. Kung hindi ako nagkakamali artista to kasi nakita ko na siya sa TV, halata naman kasi ang ganda niya, pati suot niyang damit maganda, hindi bagay dito sa madilim na eskinita.

Napansin ko na parang sinusundan niya ako kaya hinarap ko siya, pero wrong move ako kasi tinanong na niya ako ng tinanong. Para pang baliw kasi bumibilis daw yung tibok ng puso niya pag nakikita ko, tsk abnormal. Buti nga umalis siya agad e, pero nagulat ako sa huli niyang sinabi.  "Hindi kita maalala pero kilala ka ng puso ko!" Dahil sa baliw na babaeng yun napaisip ako bigla. Kilala ko ba siya dati bago ako magkaamnesia? May koneksyon kaya kami nung baliw na artistang yun?

A/n: short update lang :)) naaadik kasi ako sa panonood ng Mix and Match. OT6+Chanwooooo woooo! Okay walang may paki. Try ko ulit mamayq mag-update

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon