CIM.10

866 32 2
                                    

CIM.10

After I've said those words, I never left his side. Ayoko siyang mawala, gusto ko siyang alagaan, at gusto ko pa siyang makasama.

"Hindi ka ba napapagod, Xenon?" Tanong ni Axon habang pinapakain ko siya.

"Hindi pa, at hinding-hindi." I assured.

"Isang linggo na akong nandito sa ospital, isang linggo mo na rin akong inaalagaan."

"Wag kang mag-alala aalagaan kita hanggang sa gumaling ka."

"Paano pag hindi na ako gumaling?"

"Gagaling ka kasi may magic ako." Ayoko nang masyadong pabigatin yung atmosphere namin kaya dinaan ko na lang sa biro.

"Paano mo ako minahal, Xenon?"

Napaisip ako, paano ko nga ba minahal ang isang Axon Diaz?

"Hindi ko rin alam e. Corny man, pero totoo nga yata yung sinasabi nila na magigising ka na lang na mahal mo na yung isang tao."

"Hindi ako naniniwala. Siguro dati pa lang talaga gusto mo na ako 'no? Kaya siguro nakinig ka sa usapan namin nun nila Karl sa may LRT." Nagagawa pa rin niyang magbiro, maybe this is his way to make things easy for the both of us, kasi alam namin na ang hirap ng sitwasyon ngayon.

"Gago. Assuming ka naman masyado. Hindi nga ako nagwapuhan sayo nun."

"Yiee aminin mo na kasi, tayong dalawa lang naman yung nandito e."

"Leche! Tigil-tigilan mo ako Axon a. Kumain ka na nga lang."

"Pero seriously, una pa lang alam ko na ikaw yung babaeng mamahalin ko." And we're serious again.

"Ikaw pala tong may gusto sakin una pa lang e."

"I may be selfish, pero sinabi ko sa sarili ko na mamahalin ko yung babaeng mag-aalaga at magpaparamdam sakin na mahalaga ako, and then you came."

May kumatok na nurse. "Oras na po ng pagtulog Sir Axon." Mino-monitor ng mga nurse lahat ng gagawin ni Axon, sila ang magsasabi kung oras na ng pagkain, pag-inom ng gamot at kahit pagtulog. And we have no other choice kundi sundin lahat ng yun kung gusto pa naming makasama si Axon.

"Sige po. Ako na pong bahala." Sabi ko sa nurse at pagkatapos ay umalis na rin siya.

"Umuwi ka na sa inyo pag nakatulog na ako a. Magpahinga ka rin, baka mamaya magkasakit ka niyan." Sabi ni Axon nung makaalis na yung nurse.

"Nagpahinga na ako kahapon kaya dito ako matutulog ngayon kasama mo." Pagkontra ko sa kanya.

"Dapat araw-araw kang nagpapahinga. Sige na please Xenon magpahinga ka na." I saw that he really cares for me. Tss. Inuuna pa yung iba kaysa sa sarili.

"Oo na sige na magpapahinga na ako. Matulog ka na, magalit pa yung nurse mo."

Umayos na siya ng higa at pinikit yung mga mata niya. "Kantahan mo muna ako para makatulog ako." Sabi niya habang nakapikit.

"Ano namang kakantahin ko?"

"Magic."

"Wala ka bang kasawaan sa kantang yun? Iba na lang."

"Nakilala kita dahil sa kantang yun, minahal kita dahil sa kantang yun. So now, give me a reason bakit kailangan kong magsawa sa kantang yun."

And I blushed. Ghad this guy. Matutulog na lang papakiligin pa ako. How can he do and say such thing that makes my heart beats so fast?

I sang the song. Dinama ko bawat linya, and I realized wala ngang dahilan para pagsawaan tong kantang. Every lyrics describes us.

"I love you, Xenon." He said before he totally fell asleep.

Habang nakasakay ako sa taxi pauwi sa bahay, maya't-maya chinecheck ko yung phone ko, pinagbilinan ko kasi yung isang nurse na bantayan si Axon at itext ako agad kapag may nangyari. Hanggang sa makarating ako sa bahay paranoid na paranoid ako.

"Ate, try mo kayang pumirmi dito." Sabi ni Nickel.

"Oo nga ate para kang bulate dyan na nilagyan ng asin." Gumatong pa si Cobalt.

"Ate, diba sabi ni Kuya Axon magpahinga ka. Bakit hindi mo siya sinusunod?" Pinapagalitan na ako ni Nickel.

"Sige ka ate isusumbong kita kay kuya Axon. Magpahinga ka na kasi. Iniisip lang naman ni Kuya yung kalagayan mo, syempre alam nun na napapagod ka na." Mas matindi pa pala yung sermon ni Cobalt.

"Oo na matutulog na po." At umakyat na ako sa kwarto ko. Habang nakahiga, iniisip ko pa rin si Axon. These past few days parang sa kanya na lang umiikot yung mundo ko, wala na akong pakialam sa acads ko, sa social life ko, basta ang mahalaga sa akin ngayon e yung makasama at maalagaan si Axon.

Call it magic~

Tumatawag si Nestea.

Pati si Nestea hindi ko na rin gaanong nakakausap at nakakasama. Namimiss ko na rin yung babaeng yun.

"Hello, Nestea miss na kita."

(Puro ka kasi Axon e. Pero miss na rin kita.)

"Gaga. Naiintindihan mo naman yung kalagayan ko diba?"

(Oo naman. Wag kang magalala, hindi ako nagseselos kahit puro si Axon na lang iniintindi mo.) Parang may sarcasm nung sinabi niya yun.

"Nestea naman eeee!"

(Oo na wag ka na mag-inarte hindi bagay sayo. Okay lang naman sakin yun ano ka ba.)

"Salamat, Nestea."

(Haay. Grabe naman. Ilang buwan pa lang kayong magkakilala ni Axon pero feeling ko sobrang taas na ng level ng pagmamahal mo sa kanya.)

"Hindi ko rin alam, Nestea. Siguro una pa lang talaga destined na na mamahalin ko siya, kasi naman diba what the fck sino bang matinong taong papayag mag-alaga ng isang stranger."

(Oo nga, akala ko nga nababaliw ka na nung mga time na yun e. But here you are, mahal nyo yung isa't-isa. Sana talaga gumaling na siya.)

"Gagaling siya Nestea. Aalagaan ko siya. Araw-araw ko rin siyang pinagdarasal."

(Oo tiwala lang. Sige na magpahinga ka na.)

"Sige na bye."

Kinabukasan, maaga pa lang nasa ospital na ako. Tulog pa nga si Axon pagdating ko. Papasok na rin ako sa school kasi ilang araw na akong absent.

Maya-maya nagising na siya. "Ang aga mo naman. Nagpahinga ka ba ng maayos?" Bungad niya sakin.

"Oo nagpahinga ako. Ikaw? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?"

"Hindi gaano. Lagi kasi akong naalimpungatan tapos hahanapin kita."

"Sabi ko naman kasi sayo dito na lang ako matutulog e."

"Wag na tapos na e."

"Papasok pala ako sa school ngayon."

"Ilang araw ka na rin palang absent. Sige na pumasok ka na."

"Sige bye. Umayos ka dito a. Sundin mo yung sinasabi ng mga nurse. Pupunta ako dito after ng class ko."

"Bye. I love you. Mamimiss agad kita."

"Ang clingy mo."

"Gusto ko kasi na kasama kita pag namatay ako, at hindi ko alam kung kailan yun, kaya gusto kita laging kasama."

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon