ISAM.LAST CHAPTER.

582 23 6
                                    

Nagda-drive si Darren, pabalik na kami sa amin.

“Kanino ka nga pala nakipagkita? Buti walang nakasunod na media sayo kanina.” Tanong niya.

“Ah wala, old friend lang yun. Medyo tago naman yung pinuntahan namin kaya walang media.”

Hinawakan niya yung kamay ko, bale isang kamay na lang yung nakahawak sa manibela.

“Hoy baka mabangga tayo niyan sa ginagawa mo.”

“Hindi yan. Natutuwa kasi ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ikaw? Si Thalia Villanueva, sikat na actress, girlfriend ko.”

“Hindi rin ako makapaniwala eh. Akala ko habangbuhay na lang iikot sa showbiz yung buhay ko, teleserye dito, pelikula doon, pero dumating ka, binigyan mo ng thrill yung buhay ko. Dahil sayo naipaglaban ko yung sarili ko sa Mommy ko na ang tagal ko na gustong gawin pero di ko magawa.”

Humigpit yung hawak ni Darren sa kamay ko, tiningnan niya ako at ngumiti. “Sobrang saya ko. Salamat.”

“Thank you, Darren.” Nagring yung phone ko. Tumatawag si Mommy. “Hello, Mom?”

(Where are you?)

“Mom… kung papauwiin mo ako para pagalitan, mamaya pa po ako uuwi.” Inayos ni Darren yung pagkakahawak sa kamay ko, parang sign na nandun lang siya para sakin.

(No, Thalia. I want to talk to you, pero hindi kita papagalitan. Come home.)

“Dito mo na lang po sabihin yung gusto mong sabihin.”

(Go home, isama mo si Darren.)

“Okay, Mom.”

(See you. I love you, Thalia. I’m sorry. I love you so much.)

“I love you too, Mom.” Tapos binaba ko na yung phone. Huminga ako ng malalim at napangiti. Ngayon na lang ulit kami nag-exchange ng I love you’s ni Mommy, namiss ko yun. Feeling ko okay na kami.

“Okay na kayo ng mommy mo?” tanong ni Darren, siguro dahil nahalata niya na gumaan yung aura ko nung ibaba ko yung phone.

Lalong lumawak yung ngiti ko. “Sa tingin ko. Pinapauwi niya ako, isama raw kita. Ibig sabihin nun okay na diba?”

Ngumiti rin siya. “Yes okay na.”

“Sana magtuloy-tuloy na ‘to ‘no?”

“I love seeing you smile. I want to see you smile often.”

And we are smiling on each other, eye to eye, for I don’t know how long. I am happy, genuinely happy.

BEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEP

Sabay kaming napaharap sa unahan, may truck na babangga sa amin. “Darren! Babangga tayo!”

Pinilit niyang iiwas yung sasakyan namin pero huli na ang lahat.

Unti-unti kong dinilat yung mata ko, una kong nakita si Darren na duguan at walang malay. Wala na rin akong lakas para gumalaw pa, hinigpitan ko na lang yung pagkakahawak sa kamay niya. Dumilat siya. Ngumiti siya nung makita ako.

“Xenon…”

Nginitian ko rin siya kahit mahirap. “Axon…” at tuluyang dumilim yung buong paligid.

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon