CIM.11

848 29 7
                                    

CIM.11

Leche to si Axon pinapaiyak ako. Nakakainis naman kasi, sinabi na ngang wag na wag magbabanggit ng tungkol sa kamatayan e.

"O bakit namumugto yang mata mo?" Tanong sakin ni Nestea nung makasalubong ko siya sa hallway.

"Wala wala. Si Axon kasi e." Naglalakad na kami papunta sa first class namin.

"Ano namang ginawa sayo nun? May nangyari ba sa kanya?"

"Nakakainis kasi! Nagbanggit na naman ng tungkol sa kamatayan, sinabi na ngang wag magbabanggit ng tungkol dun e."

Nakasalubong namin yung isa naming blockmate na palabas ng room. "Wala raw klase buong araw. May emergency sa Dean's Office."

Punyeta naman kung kailan papasok ako tsaka naman walang pasok, nakakagago rin e.

"Nestea, pupunta na lang ako sa ospital. Ikaw saan ka?"

"Sige punta ka na. Dun na lang ako sa office ng org."

Dumiretso na ako agad sa ospital.

Call it magic~

Bakit naman to tumatawag si Axon? Kinabahan tuloy ako.

"Bakit may nangyari ba sayo?"

(Wala, okay lang ako. May klase ka ba?)

"Wala nga e. Papunta na ako dyan. Bakit ka tumawag?"

(Wala lang, gusto lang kitang makausap, namimiss na agad kita e.)

"Ito na papunta na nga e. Sige na ibaba mo na to. Ano pala gusto mong kainin? Dadaan ako sa convenience store."

(Marami pang pagkain dito. Bilisan mo na pumunta dito.)

"Ito na. Sige na. Bye."

(Bye.)

Minsan nakakakilig din yung pagiging clingy niya, ay madalas pala. Basta ang sarap sa feeling yung may isang tao na gusto ka laging kausap at kasama.

Pagdating ko sa ospital, as usual nadatnan kong nakahiga si Axon, ang bago lang e nandun si Auxin. Madalas ding nandito si yung kapatid na yan ni Axon, pero dahil may pasok siya sa school sandali lang siya magstay dito.

"Auxin." Tawag ko.

Lumingon silang magkapatid sakin. "Ate Xenon, buti nandito ka na."

"Bakit? May nangyari ba?" Kinabahan na naman ako. Kapag mga ganito lagi akong kinakabahan, baka kasi may nangyari nang kung ano kay Axon nung wala ako.

"Wala po. Aalis na po kasi ako, walang magbabantay dito kay Kuya."

"Akala ko naman kung ano na. Sige na ako nang bahala dito."

Lumapit sakin si Auxin at niyakap ako. "Ate, salamat sa lahat a. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Kuya. Gagaling siya, magtiwala lang tayo." At kumalas na siya sa pagkakayakap.

Ngumiti ako. "Oo naman magiging okay siya. Gagaling siya."

"Sige po Ate una na ako, dadalaw na lang po ulit ako bukas."

Naiwan na lang kaming dalawa ni Axon.

"Gusto mong lumabas?" Tanong ko. Ilang araw na rin kasi siyang nakatengga dito sa kwarto.

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon