ISAM.7

473 18 3
                                    

SCREEEEEEEEEEREECH!!
BEEP!
BEEP!
BEEP!

Hinila ako ni Axon palapit sa kanya, napasubsob ako sa may dibdib niya. Muntik na akong masagasaan ng kotse.

"Pasensya na po." Sabi ni Axon.

"Sa susunod mag-ingat kayo!" Pasigaw na sabi nung driver nung kotse.

"Mag-iingat ka kasi. Hindi na nga ako mawawala para sayo eh, tapos ikaw pinapabayaan mo yung sarili mo, paano pag ikaw yung nawala sakin?"

I flushed. Sino ba namang hindi kikiligin dun? Kahit gaano kawalang emosyon ang babae kikiligin at kikiligin pa rin dun. "Oo na."

"Sa playground tayo mag-overnight." Sabi niya.

"Bakit? Hindi tayo uuwi?"

"Gusto lang kitang makasama. Nung may sakit ako hindi tayo madalas lumabas, sa ospital lang tayo laging nagde-date. This time gusto ko ng totoong date."

"Maga-Avilon na nga tayo bukas diba?"

"Ayaw mo ba akong kasama?" Mukha siyang nagtatampo or baka niloloko lang niya ako.

"Oo na. Tara na nga sabi diba." Ako na yung humila sa kanya papunta sa playground. Pagdating namin dun, may mangilan-ngilan pang tao, mga galing sa simbahan. Umupo kami dun sa may bench, wala lang nakaupo lang kami, walang nagsasalita, magkahawak lang kami ng kamay.

"Xenon, alam ko na hindi tayo magsama palagi, may mga araw na busy tayo at hindi natin maaalala yung isa't-isa, pero I just want you to know that I love you so much, you're a magic spell casted on me na hindi ko magawang takasan at hinding-hindi ko tatakasan. Anumang mangyari satin sa future, tandaan mong mahal na mahal kita."

"Ano ba yang sinasabi mo, Axon? Magaling ka na, nthing to worry about, magkakasama na tayo ng matagal." hindi ko alam kung bakit sinasabi tong mga to. Weird.

"Hindi natin hawak yung oras, Xenon, anytime pwedeng may mangyari, so we better grab every chance of being together."

"You're weird, but you're right."

"Tigilan na nga nating tong drama. Anong gusto mong gawin?" 

"Ikaw naman nagsimula eh! Ikaw? Ano ba gusto mong gawin?" binalik ko yung tanong.

"Hindi ko nga alam eh kaya nga tinatanong kita."

"Ikaw bahala."

"I want to sleep with you."

At binatukan ko siya ng malala. "Gago ka ba?"

"Aray! Sabi mo akong bahala, eh sa yun yung gusto kong gawin natin."

"Para ka kasing gago! Bakit naman yun?"

"Eh ano bang gagawin natin? Gabi na, ayaw mo bang matulog?"

"Gusto. Eh bakit kailangang magkasama tayong matulog?"

"Gusto mo bang iwan kita dito para makatulog ka mag-isa?" At biglang nag-iba yung expression ng mukha niya. "Unless may iba kang iniisip?"

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon