ISAM.8

359 15 1
                                    

Premiere night na mamaya, at sa tingin ko wala akong date mamaya. Si Jerome may date na para mamaya, hindi na nga rin kami gaanong nag-uusap, civil na lang kami, baka hanggang ganun na lang talaga kami.

"Thalia, anong oras ka pupunta sa stylist mo?" Tanong sakin ni Phia habang inaayos yung isusuot ko para mamaya.

"Maya-maya na. Oy magkwento ka naman. Kumusta na kayo ni Jerome?"

"Ha? Wala kalimutan mo na lang yun."

"Ayaw mo lang sabihin sakin eh. Sige hindi kita pipilitin."

"Alam ko naman kasing hindi tama yung nararamdaman ko. Langit siya, ilalim ng lupa ako, at tsaka hindi naman uso yung mayamang lalaki na nai-in love sa mahirap na babae."

"Malay mo ikaw yung magpapauso nun sa totoong buhay."

"Hayaan mo na lang yun, Thalia. Ni hindi nga niya ako napapansin eh, makakalimutan ko rin siya. Ano ba yan! Wag na nating pag-usapan yun. Tatawagin ko na yung driver para makapunta na tayo sa stylist mo." Tumayo na si Phia at kinuha yung mga gamit ko.

Inayusan na ako agad nung stylist nung makarating kami. "Wow you look great, Thalia. I'm sure lahat ng guys dun mai-in love sayo."

"Naku niloko mo pa ako, sa inaraw-araw ko ba namang nagme-make up, hanggang ngayon wala pa rin akong lovelife."

"Tinatawagan na ako ng manager mo, Thalia. Nasaan ka na daw."sabi sakin ni Phia nung maibaba yung phone.

"O sige sige, tawagan mo na si kuyang driver."

Pagbaba namin ni Phia sa parking lot, wala dun yung driver, at biglang lumabas ng kotse namin si Darren.

Nandito siya. Naka-tux siya na gray, tapos naka brush up yung buhok, in short ang gwapo niya. At sinalubong niya ako ng isang ngiti. Ewan ko ba pero literal akong natulala nung makita ko siya, para akong matutunaw sa mga ngiti niya.

"Am I that handsome para matulala ka?"

Tsaka lang ako natauhan nung magsalita siya. "Ang hangin ah. I am... just so glad that you're here."

"Naisip ko kasi na kawawa ka kung wala kang date mamaya."

"Naawa ka o gusto mo talaga makita kung gaano ako kaganda ngayon."

"Ang hangin mo rin ah."

"Let's go?"inilahad niya yung braso niya sakin.

"Let's go." I flashed a smile and clinged on his arm.

Pagdating namin sa venue, as expected marami na namang media, at kabilaan na naman yung tanong ng mga reporter tungkol kay Darren.

"Thalia, ano ba ang estado niyo?"

"Boyfriend mo ba siya?"

"Diba siya yung kasama mo noon sa park?"

"Gaano na kayo katagal?" 

Hindi ko na sila sinagot, kagaya ng bilin sakin ni Mommy.Tuloy-tuloy lang kami ni Darren sa cinema nang nakangiti, syempre para sa mga fans na naghintay doon. Paglabas namin ng cinema, nandun pa rin yung media, kabilaan yung flash ng mga camera nila, sabay pa rin kaming maglakad ni Darren hanggang sa parking lot. Pumasok ako sa sasakyan, sumunod naman sakin si Darren.

"Sorry, alam ko namang mangyayari yun, yung tatanungin ng media kung anong meron tayo, pero pinilit pa rin kitang samahan ko sa premiere night."

"It's okay. Pwede naman akong tumanggi pero hindi ko ginawa, so ginusto ko rin." Inistart naniya yung kotse.

“Uuwi na tayo?” tanong ko. Ayaw ko pa kasing umuwi, siguradong tatanungin na naman ako ni Mommy kung bakit si Darren ang kasama ko sa premiere night.

“Bakit? Ayaw mo pa bang umuwi?”

“Ayaw ko pa. Bring me somewhere please.”

“Okay.” Nagdrive lang siya nang nagdrive hanggang sa hindi na ako familiar sa mga dinadaanan namin.

“Saan tayo pupunta?”

“Di ko rin alam. This is my somewhere so I brought you here.” Hininto na niya yung sasakyan, bumaba siya at sumunod ako. Inilahad niya yung kamay ni sakin. “Sayang yung suot natin. Would you dance with me?”

Inabot ko naman yung kamay niya.

Kinuha niya yung phone niya at nagpatugtog. Magic by: Coldplay. Nilapag niya sa may kotse yung phonen iya at hinawakan ako sa baywang, ako naman sa balikat niya. At nagsimula na kaming gumalaw.

“Favorite song mo?”

“No. Hindi ko nga alam kung bakit nyan nagkaroon sa playlist ko.”

“Eh bakit yan yung pinatugtog mo?”

“Upon hearing it, parang nakaramdam ako ng kakaibang koneksyon,ang random kasi bakit ikaw? Hindi ko alam kung anong koneksyon yun, naramdaman ko lang bigla. And I want to confirm it now.”

Ang random nga nung sinasabi niya, pati siya. Pinakinggan ko yung kanta, and I felt something unfamiliar, something I never felt before. Pinikit ko yung mga mata ko, at may nakita akong dalawang tao, base sa observation ko couple sila, ang saya-saya nila, kakaiba yung mga ngiti, kakaiba yung tingin nila sa isa’t-isa parang in love talaga sila, at hindi ko sila kilala. Biglang nagbago yung mga taong nakikita ko, biglang naging kami ni Darren, pero pareho pa rin ng set up, couple, in love happy. Dinilat ko yung mga mata ko, nakatingin sakin si Darren.

“I saw us.” Sabi niya. “Happy and in love.”

“I saw the same thing nung pumikit ako.”

“Anong ibig sabihin nun?”

“Hindi ko alam.”

“Thalia…”

“Why?”

“Nothing.” Nilagay niya yung dalawa niyang kamay sa baywang ko, kaya ako naman nilagya ko yung mga kamay ko sa balikat niya. Hinila niya ako palapit sa kanya. “Hindi ko alam kung anong koneksyon yung nararamdaman ko sayo, maybe we’re connected on our past life, and I want that connection to continue today. I said actresses are not my style, but you’re the exemption to the rule, at kung anumang issue yung kakaharapin mo sa mom mo at sa media sasamahan kita. Thalia, I call it magic, when I'm next to you…”

“And if you were to ask me, after all that we've been through "Still believe in magic?" Well yes, I do. Gusto kong malaman kung anuman yung koneksyon, at hindi rin ako magdadalawang-isip na ipagpatuloy yun.”

“This whole thing between us is magic.”

“Yeah. Magic.”

And it became more magical as our lips met.

 

call it magic :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon