PARA kay Santi Sixto na isang gentleman farmer, o isang magsasaka na nagtatrabaho sa kanyang taniman hindi para kumita nang husto kundi para magkaroon ng kasiyahan, ang buhay ay isang masayang paglalakbay.
Ang guwapong binatang ito na taga-Santiara ay hindi nahiniwalang dapat siyang tumulad sa mga kapatid na kilala sa buong mundo.
Ayaw niyang maging kagaya ng kuya niyang si Abraham, na kinilalang henyo ng mundo dahil sa katalinuhan, na ngayo’y sa New York na nakabase at mayaman na.
Lalong ayaw din ni Sixto na maging kapareho ng nakababata niyang kapatid na si Gabriel, na gaya ni Abraham ay tanyag naman sa global community bilang Olympic-medalist swimmer at kabilang na rin sa staff ni Barack Obama dahil sa galing sa computer.
Sapat na kay Santi Sixto na pagyamanin an kanyang munting taniman sa paraang kasiyasiya sa kanya; segundaryo na lang ang kanyan pagkita.
Ang katabing lote ng Santiara ang pinagkakaabalahan ngayon ni Sixto.
Ito ay bukod sa pagyayaman niya sa bahaging taniman ng Santiara.
May dalawa siyang tauhang tagasaka na siya ang namamahala sa tamang pagtatanim.
Tapos ng agriculture sa UP Los Banos si Santi Sixto, scientific farming ang kanyang ginagawa sa mga lupang kanyang tinatamnan.
Low-profile siya, ayaw na ayaw matulad kina Abraham at Gabriel na laging pinagkakaguluhan ng mga tagahanga at kababayan kapag umuuwi sa San Simon.
“Santi Sixtooo!”
Napatigil sa pag-aararo si Sixto, ihininto ang traktora.
Padating ang kanyang ina mula sa bakuran ng Santiara, papasok na sa lupang nabili ni Sixto.
Pinatay muna ng binata ang makina ng traktora.
“Mommy! What’s up?”
“Sixto, dinalhan kita ng mainit pang spaghetti at pizza! Ako ang nagluto, masarap!”
“Mommy, sana po ay hinintay n’yo na lang ako sa bahay. Napagod pa kayo.” Nakababa na sa traktora ang guwapong binata, sinalubong na ang butihing ina.
ainit ang araw pero napuprotektahan naman ng payong si Arabella.
Si Sixto naman ay protected din sa nakaka-damage na sikat ng araw, naka-long-sleeved shirt siya at sumbrerong balanggot.
“Kung hihintayin kitang umuwi, Sixto, lalamig na ang pizza. Sayang naman, bagong concoction ko ito na kagagaling lang sa oven.”
Inamoy ni Sixto ang spaghetti lalo na ang pizza. “Smells good, wow!”
“Pinaghalong ground beef, chicken meat and pork na may pineapple tidbits and mozzarella cheese ang toppings, sabi ng mga kapatid mo ay super-sarap.”
Kinagat agad ng binata ang mainit pa ngang pizza.
Two-thumbs up siya sa ina nang malasahan. “Greaattt! Masarap po talaga, Mommy!”
Sumungaw ang ngiti sa mga labi ng ina, mababaw ang kanyang kaligayahan. “Kainin mo rin ‘tong spaghetti bago ka magtrabaho.”
“Okay,” sagot ni Sixto habang napapangiting pinakikiramdaman ang susunod na sasabihin ng ina.
Alam naman kasi niyang bukod sa dinalhan siya ng pagkain ng ina ay may iba pa itong kailangan sa kanya.
Na halos alam na naman niya.
Pero ang mommy niya ay halatang ayaw pang magsalita, siya naman yata ang tinatantiya.
Inubos naman niya ang pagkain nang hindi nabulunan. Hinayaan niya ang ina na sinusuri ang kanyang taniman.
“Mommy, tapos na po ako!” Tinawag-kinawayan na niya ang ina.
Masiglang lumapit na si Arabella.
“Inumin mo ‘yung fresh buko juice, Sixto.”
“Tapos na po, inubos ko na.”
“Very well… now for the main event…”
“May sasabihin ka, Mommy?” Ano kayang main event, naitanong ni Sixto sa sarili. Tama kaya ang hula niya?
“26 ka na, Sixto. Ni wala ka pang nobya. At nakukuntento ka rito sa Santiara at San Simon.”
“I knew it,” nakangising nasambit ng binata. “Mommy, akala ko pa naman ay ibang main event…”
“Kung ayaw mong tumulad kina Gabriel at Abraham sa pag-conquer sa mundo, at least conquer your fear, Santi Sixto.”
“Mommy?… M-May fear ako?”
“Takot ka sa babae, iyan ang obserbasyon namin sa iyo ng ama mo.”
“Bejezuz, that’s ridiculous! Kung ayaw ko mang manligaw at magkanobya, iyon ho ay dahil hindi naman ako nagmamadali, Mommy!”
“Pero, anak, you are not getting any younger. Naunahan ka pa nga ni Santi Gabriel sa paglagay sa tahimik.”
ANG ALAM ni Sixto ay sinabi niya sa mommy niya na hindi siya tatandang binata.
Na bago siya mag-28 ay may asawa at anak na siya. That is 2 years from now.
Pero sabi lang niya iyon sa kanyang mommy. Wala pa talaga sa bokabularyo ng guwapong si Sixto ang paghahanap man lang ng babaing iibigin.
Gaya ng nakagawian ay nilakad niya ang tabing dagat sa huling oras ng hapon, habang ang sikat ng araw ay hindi na masakit sa balat.
Walang kaalam-alam si Santi Sixto na nakatakda nang mabago ang takbo ng mabagal niyang buhay.
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...