NATUNTON din naman nina Marissa at Manay Caridad ang kinaroroonan ng San Simon. Ito pala ay nasa Southern Tagalog, isang coastal area na nakatanaw na sa dagat ng Batangas.
Hustong nakapag-establish na ng tanggapan sa Manila para sa kanyang charity projects, si Marissa ay isiningit ang pagpunta sa San Simon.
Kasama niya ang tatlong bodyguards, sabihin pa. Sa isang rented car na may kasamang driver nakasakay sina Marissa at Manay Caridad.
Nakasunod naman ang back-up car ng kanyang tatlong bodyguards.
Umiiwas sila sa media, sa kagustuhan ni Marissa na siya ring gusto ng mga bodyguards.
Mas panatag sila kung halos walang nakakakilala kay Marissa habang naggagala sa Pilipinas.
“Marissa, this is it na, ang beach ng San Simon. “Excited na itinuro ng yaya ang putimputing buhangin ng beach.
Sa di-kalayuan, ang Santiara ay natatanaw. Walang kaalam-alam ang mayamang dalaga na pareho na nga sila ng hanging hinihinga ng binatang hinahanap.
Pumarada sa tabi ng unexplored beach ang dalawang sasakyan. Bumaba si Marissa na nakayapak, ang sleeveless dress na maluwag ang palda ay nilalaro ng hangin.
Parang batang nagtatakbo sa kahabaan ng beach si Marissa.
Nakaalerto naman ang tatlong bodyguard, si Manay Caridad ay nakasunod sa alaga pero naglalakad lang.
“Marissa, hintayin mo akooo!” sigaw ng yaya, hinihingal na.
“I love this place, yaya! This is really unspoiled, hindi pa na-commercialized ng tao!” patuloy sa pagtakbo-pagtampisaw sa tubig ng tabing-dagat si Marissa.
But where is he? bulong sa sarili ng dalaga, na ang hinahanap ay ang kamukha nga ng yumaong nobyo. When will I see you?
NANG mga sandaling iyon, si Arabella ay nasa loob ng kanyang dating bahay sa malapit sa beach. Ito ang bahay na naipundar niya noong dalaga pa, na naipagbili para matubos niya ang Santiara sa pagkakasangla.
Pero ngayo’y kanya nang muli ito, binili nilang muli sa mas malaking halaga, pinagyayaman niya minsan isang linggo.
Mahal na mahal ni Arabella ang bahay na bahagi na ng makukulay na sandali nila ni Santi.
Walang nakatira sa bahay na ito, bakasyunan lamang ng pamilya kapag nais namang namnamin ang naging buhay ni Arabella noong ito ay dalaga pa.
Pagkagaling sa bahay ay nag-bike na si Arabella sa kahabaan ng daan na pabalik Santiara.
Si Marissa ay namahinga muna, napagod sa pagtakbo-paglakad sa tabing-dagat. “Yaya, ano kaya kung kunin ko na sa kotse ang copy ng Global Weekly? Ipagtanong mo na lang kaya sa mga tagarito kung kilala nila ‘yung kamukha ni Jonathan?”
“Aba, okay ‘yon, Marissa. Mapapadali ang paghahanap natin sa binatang iyon.”
Sinagilahan na naman ng takot si Marissa. “P-Paano pala kung hindi na siya binata?”
“H-ha?” Natigilan din ang yaya. “O-Oo nga, kung may mataray na asawa, hindi ka makakaporma, Marissa.”
“Or worst, paano pala kung he is… gay?”
“Gay? As in happy and gay?” inosenteng tanong ng yaya.
“No, gay as in… bakla…” nakayukong tugon ni Marissa.
“Tingin ko naman sa nasa cover ay lalaking-lalaki, Marissa.”
“Oo nga, yaya. Tingin ko rin ay 100 percent macho man siya. Wala akong problema kung gayon…”
“Kukunin ko na ba sa kotse ang cover at ipagtatanong ko na…?”
“Naku, huwag pala, yaya,” biglan pagbabago ng isip ni Marissa. “Hindi pala dapat may makaalam man lang na parang front ko lang ang pagbibigay ng tulong sa mahihirap sa Pilipinas, na ang tunay na pakay ko pala ay makita ang lalaking kamukha ni Jonathan…”
“Tama ka rin diyan, Marissa,” sabi ni Manay Caridad.
“Napakasagwa sa isang dalagang tulad mo na siya pang naghahanap sa lalaki.”
“Hindi ko naman ipahahalata, ma-pride din ako when it comes to love, yaya. The most na ay hangaan ko from a distance ang lalaking kahawig ni Jonathan.”
Si Arabella na pasalubong kina Marissa, sakay pa rin ng bike, ay namukhaan ang magandang dalagang banyaga.
Palabasa siya ng diyaryo, palibhasa ay matagal nang guro at ngayo’y prinsipal na.
Hindi siya maaaring magkamali.
“My gosh, you are Miss Marissa Carrera Johnson, right?”
Naaliw naman si Marissa sa may edad na babae na bakas pa rin ang ganda. Kaygaling nitong mag-ingles, perfect pa ang diction.
Saglit lang nag-isip si Marissa kung ikakaila o hindi ang identity.
Pinili niyang huwag magkaila sa babaing ngayo’y nakababa na ng bisikleta. “Yes, I am. But please, keep it a secret, ma’am. Gusto ko lang naman pong mamasyal dito nang matahimik.”
Natuwa at natawa si Arabella.
“Tama pala ang sabi sa diyaryo, nakakapag-Tagalog ka nang maayos. Welcome to San Simon, iha. My name is Arabella at doon kami nakatira ng pamilya ko.”
Itinuro ni Arabella ang Santiara, na kinaroroonan ni Santi Sixto.
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...