PARANG baliw na nakatawa pa si Bernardo II habang sinisindihan ang maliit na bundok ng papel.
Nagsimulang lumaki ang apoy. Matutupok na ang mga papel, kabilang doon ang mga pahina ng artikulo tungkol sa napakagandang beach ng San Simon at tungkol na rin sa unnamed model na ginawang coverboy.
Ngising-ngisi si Bernardo II habang pinagmamasdan ang apoy. Dapat na talaga siyang magdiwang dahil hindi na kumpleto ang mga tao sa Santiara.
May nawawala na.
Kalungkutan na ang naghahari ngayon sa Santiara.
Nagsalita pang parang baliw si Bernardo II m sa apoy. “Sige, kainin ninyo ang kahuli-hulihang souvenir ng maikling pagsikat ni Santi Sixto Delos Santos. Wala na ang mga kopya, wala na rin si Santi Sixto sa Santiara! Hindi na mabubuong muli ang tahanan na iyon!”
Pero napatanga si Bernardo II, para siyang namamalikmata.
Nananaginip ba lamang siya nang masama?
Nanlaki ang kanyang mga mata. Paano ba naman, sa likod ng siga ay klaro niyang nakikita ang pamilyar na guwapong mukha na hindi pa rin nabawasan kahit konti ang appeal.
Nakatingin sa kanya ang mukhang iyon, walang tinag ang matatag na titig nito.
Napalunok si Bernardo II.
Siya pa naman ay minsan nang nasuntok ni Santi Gabriel at siya ay bumulagta at nawalan ng malay-tao.
Ngayon naman ay kaharap niya ang taong akala niya ay nawala na. Sa likod ng apoy, hayun si Santi Sixto at titig na titig sa kanya.
Kinusot ni Bernardo ang kanyang mga mata. “Santi Sixto, ikaw ba iyan? O… guni-guni ko lang?”
Nawala ang image sa likod ng apoy.
Paano ay gumilid pala sa napakalaking siga.
Ngayon ay nasa tabi na ni Bernardo II si Santi Sixto.
“Tutoo ka nga! Hindi lang isang malikmata!”
Parang walang narinig si Santi Sixto. Marami pang kopya ang hindi nadidilaan ng apoy at hindi nakaligtas sa kanyang mga matalas na mata ang mga pahina na pamilyar sa kanya.
Binalingan niya ang namumutlang si Bernardo II. “Pauwi na sana ako sa Santiara nang matawag ang pansin ko sa napakalaking apoy na ito. Akala ko ay nasusunog na ang inyong gate. Nagsisiga ka pala, na tuwang-tuwa. Lahat ba iyan ay Global Weekly na iisa ang issue, noong ako ang coverboy?”
Umilap ang mga mata ni Bernardo II, tumanggi kaagad. “Hindi!”
“Hindi ako tanga.”
“Mga lumang diyaryo at magasin lang iyan!”
“Na ikaw pa mismo ang nagsiga at para kang gagong tuwang-tuwa?”
“Pakialam mo ba?” Nakatagpo ng konting katapangan ngayon si Bernardo II.
Dumilim ang anyo ni Santi Sixto. “Ano ba ang atraso ng mga taga-Santiara sa inyo, ha, Bernie Jr?”
Ngumisi kaagad si Bernardo II. “Hindi mo alam ang kuwento ng tatay ko at ng nanay mo?”
Hindi na nagtaka si Santi Sixto, hindi naguluhan. “Alam ko na.”
Nanlaki na naman ang mga mata ni Bernardo II. “Iyung tungkol sa isang gabing sipingan at pagbawi ng Santiara ng mga magulang mo sa amin?”
“Oo. May teynga ako, may isip. Alam ko na, Bernie Jr.”
Napasmid si Bernardo II. “Dapat ay hindi ka arogante at mayabang. Alam mo pala ang pangit na sikreto ng mother mo. Bakit ba kayong mga taga-Santiara ay habulin ng mga babae?”
Umangat lang nang buong kaaristokratuhan ang dalawang kilay ni Santi Sixto. “Ikaw ang nagsabi niyan, hindi kami.”
“Pati ang anak ng multi-milyonaryong dayuhan ay nabaliw pa sa iyo!”
“Huwag mo siyang idamay dito.” Ngayon gustong manuntok ni Santi Sixto.
Nakatunog naman si Bernardo II na maaring maulit iyung napatulog siya noon ni Santi Gabriel.
Umatras siya kaagad.
Hindi na niya hihintayin na lahat na papel sa maliit na bundok na iyon ay matupok ng apoy.
Bibilisan na niya ang pagpasok sa compound at bahay nila, mahirap na, baka umigkas na ang kamao ni Santi Sixto.
Hindi naman hinabol ni Santi Sixto si Bernardo II.
Napatingin siya sa mga pahina ng magasin na hindi pa natutupok. Pumulot siya ng dalawang pahina na tungkol sa beach ng San Simon.
Ito ang cover article. Nabanggit din dito ang unnamed model sa cover na walang permisong kinunan ng larawan.
Napabuntunghininga si Santi Sixto. This started it all. Dahil sa isyu na ito ng Global Weekly ay kaydaming nangyari sa kanilang buhay.
Pati pala si Bernardo II ay may ginawang milagro tungkol sa isyu na iyon.
“That jerk bought all the copies he can buy dahil sa sobrang inggit. At nagkataon pang sa pagbalik ko dito sa San Simon saka niya sinusunog ang mga inside pages. Ano ba ito, parang lagi na lamang may drama sa buhay ko.” Malungkot na napapailing si Santi Sixto.
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...