SANTI SIXTO Part 9

7 0 0
                                    

SI SANTI Sixto ang unang nakabawi.

“You are Miss Marissa Carrera Johnson,m I right?” walang ngiting tanong niya sa babaing kasama ng ina.

“Yes, I am. I’m glad to meet you, sir.” Excited at nakangiting inilahad ni Marissa ang kamay pero hindi tinanggap iyon ni Sixto. Tumango lang ito sa dalaga.

“Marissa, siya mismo si Sixto.”

“Yeah, Tita Ara. And he is… unfriendly.” May pagkadismaya sa tinig ni Marissa. Hindi ganito ang kanyang nobyong yumao. Jonathan is a very warm person, hindi gaya ng Sixtong ito na parang bato sa kalamigan!

“Sixto naman, bisita ko si Marissa, huwag mo ngang isnabin.” Sinita ni Arabella ang binatang hindi ngumingiti.

“Mommy, I’m busy, okay?” walang siglang sabi ni Sixto. Bago pa nakapag-sermon ang ina ay naiwan na niya ang dalawang babae.

Nagtuloy na siya sa loob ng malaking bahay, sa bedroom niya roon.

Napapailing na lamang si Arabella sa inasal ng anak. “I’m really sorry dahil rude ang anak kong ‘yon, Marissa. Pasensiya ka na.”

“Tama kayo, Tita, tatandang binata nga ang suplado ninyong anak. Sayang, ang alam ko’y kay daming humanga sa kanya sa cover ng Global Weekly…”

“Alam mong naging unidentified cover si Sixto sa international magazine na ‘yon?” may pagtatakang tanong ni Arabella.

Nataranta si Marissa, nadulas ang bibig niya.

Pero saglit lang naman.

“W-Well… namukhaan ko lang naman po siya, Tita,” pagsisinungaling ng dalagang Mexican-American. “Subscriber po kasi ako ng Global Weekly.”

Never niyang ipaaalam kay Arabella na kaya siya naligaw sa Pilipinas ay dahil sa paghahanap sa lalaking kamukhang-kamukha ng yumaong nobyo.

Kamukhang-kamukha nga ni Jonathan pati sa katawan at tindig, kaso ay napakasuplado at arogante! Kaysarap tirisin ng lalaking ‘yon! gigil na sabi sa sarili ni Marissa.

“At nadismaya ka kay Sixto, ha, Marissa? Naturingang gentleman farmer, na suppose to be ay very kind sa mga tanim, pero wala namang manners sa harap ng panauhin.” Napapailing ang ina.

Hindi malaman ni Marissa kung ano ang sunod na gagawin. Hindi niya matanggap na mabibigo lang pala siya sa lalaking kawangis ni Jonathan.

Pero walang balak sumuko ang dalagang Mexicana-Americana na nagtawid-dagat para lang masilayan ang kamukha ng nobyo.

“Tita Ara…”

“Yes, iha?” Nagbalik na sila sa living room. Tulog pa rin si Manay Caridad, nakanganga.

“Para naman po akong na-snub ng inyong binata, nagagalit po ako…”

“Oo nga, e. Marissa, kung alam mo lang na ako ang hiyang-hiya sa iyo ngayon. You are my guest and yet –”

“Tita Ara, do me a favor. I’m the type of girl who doesn’t get snubbed just like that. I want to talk with your son sa dinner mamayang gabi, sa Terry’s Grill sa bayan, 8 o’clock sharp.” Si Marissa ang tipong hindi tatanggap ng NO bilang sagot.

Si Arabella ay nataranta, napa-oo, nakapangako na rin. “Walang dudang darating si Sixto nang eksakto sa oras, Marissa. Otherwise ay kalimutan na niyang mag-nanay kami.”

Yumakap sa ginang si Marissa. “I’m sorry it has to be like this, Tita, pero sobra naman kasi ang inyong anak…”

“Ako nga ang dapat mag-say sorry, iha. Imagine, ikaw na international personality ay hindi man lang nginitian ng anak kong ‘yon?”

“Baka naman ho sira ang ngipin kaya nako-conscious ngumiti?” Kahit galit ay nagpasubali ang dalagang banyaga.

“Naku, buung-buo ang ngipin ng bruhong si Sixto, puwede ngang modelo ng Colgate! Nagkataon lang na may sumpong, you know… bad mood.”

“Tuturuan ko siya ng lessons in good manners and right conduct mamayang gabi, Tita Arabella. Sige, babay na po.”

Muling naghalikan sa pisngi ang dalawa saka tuluyan nang lumabas ng Santiara si Marissa.

“Naku, may naiwan po, Tita!”

“Ha? Mero’n…?”

“Si Manay Caridad po, ang yaya kong nakatulog sa sofa ninyo.” Napailing-napangiti si Marissa.

Natawa naman si Arabella, nalimutan ang galit sa anak kahit saglit.

SA LOOB ng kotse, si Marissa ay walang kaimik-imik.

Pinansin siya ni Manay Caridad na para na niyang magulang. “Nakatulog talaga ako, ano ba ang nangyari, Marissa? Bakit para kang gigil na hindi ko maintindihan?”

“Nakita ko na ang lalaking kamukha ni Jonathan, yaya.”

“Ha? Talaga? O, bakla ba kaya dismayado ka?”

“Lalaking lalaki pero napakasuplado niya, yaya. Kung maaari nga lang ay I want to kill him.” Nanginginig na yata sa galit si Marissa. Ngayon lang talaga siya nainsulto ng isang lalaki.

“Huwag naman, Marissa. Kalimutan mo na lang, anyway he is not the real macoy.”

“Yaya, please, huwag kang magbiro, mainit ang ulo ko. I will get even with that Sixto!”

“Sixto? Sino si Sixto?” makulit na tanong ng yaya.

“Siya ang pinakaaroganteng lalaking bibigyan ko ng leksiyon tonight!” a.halos sigaw ni Mariss

SANTI SIXTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon