SULAT na lamang ang iniwan ni Sixto sa Santiara, naka-address sa kanyang mga magulang at kapatid.
Ang sabi niya sa sulat ay babalik lang siya kung wala na ang kaguluhang ito.
Iyak nang iyak si Arabella, naguguluhan si Santi, worried naman ang mga kapatid ni Santi Sixto.
“Hindi niya dapat ginawa ito. Tumatakas naman siya, e.” Himutok ng ina.
“Ara, babalik din naman si Sixto.”
“Nagawa niya tayong iwan nang biglaan, Santi. Sino ang mag-aalaga sa kanyang farm? Kung wala siya, magsisipag pa kaya iyang dalawa niyang tauhan?”
“Ara naman, parang wala ka na sa sarili mo, hindi naman problema iyang pinuproblema mo,”
“Santi, what I mean, hindi pala madaling tanggapin na si Sixto ay basta na lang mawawala. Kahit pinagsasabihan natin siya na masyado siyang simple sa buhay, hindi pala nakakatuwa kung mababago ang lahat. Parang bago na ang lahat, wala na siya, e.”
“Magbabakasyon namang biglaan dito sa Santiara sina Santi Abraham at Santi Gabriel, kasama ang kanilang pamilya. Si Ara Marea at ang pamilya ay naririyan pa rin sa Maynila.
Katuwang natin ang lahat nating anak sa problemang ito, Arabella.”
“Santi, naaawa rin ako kay Marissa.”
“Sa pagkakataong ito, kakampi muna tayo sa ating anak, Ara. Hindi natin puwedeng unahin ang damdamin ng dayuhang dalagang iyon.”
Napabuntung-hininga si Santi.
SI MARISSA ay nagkaroon ng biglaan at hindi inaasahang panauhin sa kanyang nili-lease na condo unit.
“Dad!” Nasa pinto na ng unit si Howard Johnson, halos katabi ang tatlong bantay na Kano ni Marissa.
“This is a tough time for you, baby, that’s why I’m here!” Puno ng simpatiya sa anak ang multi-milyonaryong Amerikano.
Luhaang napayakap si Marissa sa ama. “I’m sorry to give you a problem like this, Dad. This is not my intention.”
“You love this man, baby?”
“I don’t want to know, Dad. But… maybe… I know he is not Jonathan. At first I just wanted to see somebody who looks like my beloved. But… he is very different. And yet, it hurts when he treats me like a dirty rag.”
“Then go home, Marissa. Leave this country. You don’t have to cry like this.”
“And how about my works? How about the children I’m helping? I can’t leave them. The charity foundation I established here will prove that there is another important reason for me to stay in the Philippines. This is a place where my efforts and resources are really needed.” Na-realize na ng magandang dayuhan na dalaga na hindi kailangang kakambal ng pagpapahalaga niya kay Santi Sixto ang napakabuluhang misyon niya dito sa Pilipinas.
“You won’t leave? Can you stand the pain this man is giving you?”
“It will make me strong Daddy. For now, I am not running away from anything.”
Walang nagawa ang ama, tahimik na nagbalik na lang si Howard Johnson sa Amerika.
MAY tumatawag kay Marissa sa telepono. “Yes?”
“Salamat naman at ibinigay ka sa akin n mga bantay mo, iha. Si Tita Ara mo ito. Si Arabella Delos Santos, ang ina ni Santi Sixto.”
“Nakilala ko kaagad ang boses mo, Tita Ara. I’m glad to hear your voice.” Pumiyok ang boses ni Marissa.
“Marissa, I’m sorry for this. Pareho kayo ni Santi Sixto na biktima.”
“Pero mas kasalanan ko ito, Tita Ara. I started it, the problem, I mean. Kung hindi ko na lang sana siya hinanap.”
“No, no. Don’t blame yourself. Marissa, what you did is very normal for a woman who is lonely because of the death of her boyfriend.”
“Sana, Tita Ara, hindi ko na lang ginulo ang buhay ni Santi Sixto. Binago ko ang buhay niya, e. Kumusta na siya ngayon, Tita Ara?”
Hindi kaagad nakasagot si Arabella.
“Tita Ara? What happened?”
“Marissa, wala na si Sixto. Nag-iwan lang ng sulat. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Masyado sigurong naguluhan.”
Nanlumo si Marissa. Lalong nagi-guilty.
“Tita Ara, dapat kang magalit sa akin. My God, what have I done?”
“Iha, hindi ako tumawag para sisihin ka. Nag-aalala rin kasi ako sa iyo dahil mga harsh ang ibang opinyon ng mga reporters sa iyo, e. You’re a very decent woman, hindi ka nila dapat pagsabihan nang kung anu-ano.”
“It’s all right, Tita Ara. If that is their opinion, then I respect it. Mahirap yata nilang maunawaan kung bakit kailangan kong puntahan sa Pilipinas ang isang lalaking hindi ko kilala but looks almost exactly like my dead boyfriend.”
“Ayon sa diyaryo ay dumating daw quietly ang father mo, ano ang sabi niya?”
“Nakaalis na ang daddy ko, Tita Ara. He left because I told him that I can handle this.”
“And can you really?”
“Of course, Tita Ara. Sabi ko nga kay Yaya, ibubuhos ko na lang ang lahat kong panahon at atensiyon sa pagtulong sa mga mahihirap na bata dito sa Pilipinas. Nabigo man ako sa isa ko pang sadya dito, hindi ako kailangang mabigo sa mga charity goals ko dito.”
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...