SA KAHABAAN ng beach ng San Simon naglalakad si Santi Sixto, gaya ng mga nakaraang araw ay suot niya ang kanyang usual get-up na puting cotton shirt na mahaba ang manggas pero nakatupi hanggang siko. Ang pants niyang maong ay hinahayaan niyang mabasa ang laylayan ng salpok ng alon sa dalampasigan.
Bukas ang harapan ng kanyang cotton shirt, kita ang mabalahibo niyang malapad na dibdib.
Ang buhok niyang makapal at malago, na hanggang leeg ang haba at bahagyang tumatakip sa kanyang mga tainga, ay nilalaro ng hanging mula sa dagat.
Ah, he is a sight to behold. Isang guwapong lalaking sunog sa araw ang balat pero parang Greek god sa kakisigan.
Walang kamalay-malay si Sixto na may isang foreign news correspondent na naligaw sa San Simon, na ngayo’y palihim na itinutok sa kanya ang camera.
Ang dayuhan ay medyo nakakubli sa batuhang malapit sa dagat nang siya ay kunan ng larawan.
ANG SUMUNOD na nalaman ni Santi Sixto, siya pala ay naging cover boy na ng international magazine na Global Weekly.
Kundi pa sila pinadalhan ni Abraham ng kopya sa Santiara ay hindi pa sana malalaman ng buong pamilya Delos Santos ang pangyayari.
Nagkakatuwa sina Arabella at Santi pati na rin ang mga kapalid ni Sixto.
Malaki nga namang karangalan na si Sixto ang napagtuunan ng pansin ng foreigner, kahit walang pangalan sa cover si Sixto ay sikat pa rin ito para sa kanila.
At napakaguwapo ni Sixto sa cover, wala silang duda.
Napapabuntunghiningang minasdang muli ni Santi Sixto ang larawan.
There he is, nasa pabalat nga ng Global Weekly, kinunan habang naglalakad sa beach ng San Simon, kita sa background ang kagandahan ng dalampasigan na nalalatagan ng putimputing buhangin.
Gigil na binasa ni Sixto ang sinasabi tungkol sa cover: This is the pristine beach of San Simon, in the Philippines. A handsome Filipino strolls along.
Hindi tulad ng kanyang kapamilya, naiinis nga sa pangyayari si Sixto.
Bakit naman basta may kung sinong dayuhan na nakialam sa kanyang privacy?
Hindi man lang hiningi ang kanyang permiso.
Binasa niya ang pangalan ng photographer. Cover Photo by Alvin Chapman.
“Puwede ko kayang ireklamo sa korte ang Alvin Chapman na ‘to, Daddy?”
“Sixto, bakit naman? Para sa amin ay karangalan ito…”
“Daddy, pinakialaman ng Chapman na ‘to ang aking pananahimik, ang pribadong buhay ko.”
“Anak, wala namang sinabing pangalan. Wala ring sinabing masama tungkol sa iyo,” paliwanag ng ama.
Dumugtong si Arabella. “Sabi pa nga ay ‘handsome Filipino’. Anak, okay lang ‘yon. Aba, ‘yung iba ay babayad pa siguro ma-cover lang sa international magazine!”
“Mommy, ayoko nga hong mapalagay sa magasin in whatever way, dapat ay hiningi muna ng gagong Chapman na ‘yon ang permiso ko.”
“Iho, relax. Anyway, sino lang ba ang nagkakaroon ng ganitong napakamahal na international magazine sa Pilipinas? Mabibilang siguro sa daliri. Baka ‘yung big corporations lamang saka mayayamang businessmen and families. Sa ibang bansa naman ay walang problema kang mapansin. You will just be a nameless handsome man, anak…”
Bumuntunghiningang muli si Sixto, iginala sa mga kapatid ang mga mata, naghahanap ng kakampi.
Pero sina Ara Anna, Ara Carolina at Ara Marcella ay nakangiting natutuwa.
Gayundin sina Santi Augusto at Santi Ignacio, walang tutol sa pagiging cover boy ni Sixto ang dalawa.
Kung gayo’y siya lang pala ang tutol? Lalong nainis nang lihim si Sixto.
Ano ba naman itong mga kaanak niya at gustung-gusto ng katanyagan?
Si Gabriel kaya…? Baka siya ang kakampi ko?
Tinawagan agad niya sa cell ang kapatid na nasa Singapore nang mga sandaling iyon.
“Six, what’s up?” tanong ni Gabriel.
“Gabriel, sabi ni Abraham ay nakita mo na rin ang cover ng Global Weekly, what do you think?”
“Me? Of course, I’m glad! Para kang supladong super-handsome sa cover, Six! Thanks to that Chapman guy!”
“Shit, Gabriel! Ayokong maging cover!” sigaw ni Sixto.
Bago pa nakasagot si Gabriel ay nagpatay na ng cell si Sixto.
Ah, wala nga pala siya kahit isang kakampi sa mga kapamilya naunawaan niya.
SA ISANG bahagi ng San Francisco, California, USA, ang napakagandang dalagang kaytagal nang nagluluksa ay biglang nabuhayan ng loob. Titig na titig siya sa cover ng Global Weekly, sa mismong larawan ng guwapong Pilipinong naroon.
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...