SANTI SIXTO Part 11

4 0 0
                                    

ILING nang iling si Sixto habang nagsasalita ang mga magulang pero hindi naman niya magawang tumutol.

Nakasalalay na raw kasi ang reputasyon ng mga taga-Santiara sa mga mata ng isang banyaga, bilang sibilisadong tao.

Hindi raw gawain ng isang sibilisadong tao ang pagsusuplado sa isang panauhin, lalo pa nga daw at galing pa sa ibang bansa para gumawa ng kabutihan sa mahihirap na Pilipino.

Kaya the least he could do daw, sabi pa ng ina, ay ang humingi ng paumanhin kay Marissa Carrera Johnson.

Ngayon nga daw gabi, sa Terry’s Grill sa bayan, ganap na alas-otso ng gabi.

Tumango na lang sa mga magulang si Sixto, para na patahimikin siya ng mga ito, huwag nang sermunan.

Pero sa isip ng binata ay ulul lang ang hihingi ng paumanhin kay Marissa Johnson.

Okay, makikipagkita siya rito, sa isang sapilitang dinner-date.

Pero ang humingi ng dispensa kay Marissa, siya na lang muna ang nakakaalam na hindi niya gagawin.

Opo lang siya nang opo sa mga magulang.

Pero nagsiguro sina Santi at Ara, sila mismo ang nakasunod sa kotse ng binata habang patungo ito sa Terry’s Grill.

Nang makita na nila si Sixto na palapit na sa table ni Marissa ay saka na sila umalis sakay naman ng van, gaya ng pangako sa anak na binata.

Ayaw naman nilang parang binabantayan nila si Sixto, hindi na ito bata.

Ang yaya at ang tatlong dayuhang bodyguards ni Marissa ay nakita nina Ara at Santi na nakaupo sa di-kalayuan sa mayamang dalaga..

“Huwag luluku-luko ang binata mo at yari siya sa tatlong bantay ni Marissa,” pabirong sabi ni Santi habang palayo na sila sa Terry’s Grill.

“Hopefully naman ay magpaka-gentleman na ang anak natin,” na-wish ng butihing ina.

SI MARISSA ay naka-black dress na spaghetti strap, hakab sa katawan, lalong nagpalutang sa kaseksihan ng Mexicana-Americana.

Aywan kung dahil huli sa balita ang mga taga-San Simon, hindi naman pinapansin ng mga tao si Marissa, akala siguro ay isa lamang ordinaryong dayuhan na naligaw sa maganda nilang lugar.

Walang kangiti-ngiti si Marissa nang lapitan na ni Sixto.

“Pinatatawag mo raw ako,” sabi ni Sixto. Alam niyang marunong mag-Tagalog ang anak ng pilantropong Kano.

“We have things to settle, sit down.” Utos iyon ng dalaga, hindi mababa ang tono.

“As far as I’m coneerned, wala akong atraso sa iyo, Miss Johnson.”

“As far as my ego is concerned, ininsulto mo ako, Mr. Delos Santos. Sino ka ba para magsuplado sa akin? You are not even great like your two brothers.”

Namula ang mukha ng binata. Siya naman ang labis na nainsulto sa ulos ng kausap na banyaga.

Ano ang karapatan ng babaing ito na itulad siya sa dalawa niyang kapatid na parehong hilig magpasikat sa buong mundo?

Hindi ba alam ng babaing ito na siya ay great din in his own right? Sa sarili niyang paraan ay dakila siya, alam ni Sixto.

Dakila siya dahil hindi siya naging obsessed sa materyal na bagay. Hindi niya ginawang Diyos ang dolyar ng mga Kano, iyon ay kadakilaan.

Dakila ako dahil kaya kong pigilin ang nag-aalpas kong pagnanasa sa babaing ito, sa Marissa Johnson na ito, in favor of my dream of a peaceful life.

Dakila din daw siya, sabi pa ni Sixto sa sarili, dahil siya ay hari ng sarili niyang kagustuhan. Ayaw niyang tumulad kina Gabriel at Abraham, siya ang nasunod.

Gusto niyang gawing model farm ang lupain niya sa tabi ng Santiara, kahit pa halos hindi siya kikita, siya ang masusunod. Iyon parin kadakilaan ko.

“Humingi ka ng tawad sa akin, Mr. Delos Santos, kung ayaw mong sampalin kita.” Pinaiiral ni Marissa ang galit. Hindi niya papansinin ang damdaming naggugumiit sa kanyang puso. Na ang binatang kamukha ni Jonathan ay may mga labing alam niyang masarap ding humalik, gaya ng yumaong nobyo.

“Excuse me?” Kumunot ang noo ng binata. “Gusto mong humingi ako ng sorry, Miss Johnson? You are asking for the moon.”

“Anong klaseng lalaki ka na nanghihiya ng babaing tulad ko? I am suppose to be a distinguished guest in your country,” galit na tanong-sabi ni Marissa. Pero bakit ang tingin niya kay Sixto ay mas masarap ding yumakap, mas masarap gawing nobyo kaysa kay Jonathan?

“Kundi ka sana naligaw sa Santiara, wala namang problema. Pero ayoko na pati sa teritoryo ko ay may mga taong nagbabantang sumira sa katahimikan ng buhay ko, Miss Johnson.” Higit na madiin ang bagsak ng boses ni Sixto Delos Santos.

“Your mother invited me, you bastard!” Kasunod nito ay sinampal ni Marissa nang ubod-lakas si Santi Sixto.

Napabiling ang pisngi ng binatang taga-Santiara.

SANTI SIXTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon