SANTI SIXTO Part 8

6 0 0
                                    

MAGAAN agad ang loob ni Marissa sa magandang ginang, na wala siyang kaalam-alam ay nanay pala ng lalaking kanyang hinahanap. “That is a very beautiful house, madam! Naalala ko tuloy ang bahay ng lola ko sa Mexico.”

Lalo namang nagyabang sa sikat na ari-arian ng pamilya si Arabella. “We call it Santiara, a take-off from my husband’s name Santi and mine which is Arabella, Miss Johnson.”

“Oh, please call me na lang po as Marissa. And I’ll call you Tita Ara. Is that okay?”

Tumangong nakangiti si Arabella. “Okay, Marissa. Now puwede ba kitang anyayahan sa aming bahay, please?”

“Oh, really? Talaga pong nais ninyo akong imbitahan, Tita Ara?”

Pati si Manay Caridad ay isinama nina Arabella at Marissa sa loob ng Santiara.

Ang tatlong bantay ng dalaga ay naiwang nasa paligid lamang, sa tabi ng dalawang sasakyang arkilado.

Si Santi Sixto ay walang kamalay-malay na dumating na ang babaing magpapabago sa kanyang mabagal na buhay.

Abala ang binata sa pag-i-spray ng pesticide sa kanyang mga tanim.

Sina Arabella at Marissa ay nasa living room.

Si Manay Caridad ay inantok, nakaupong nakatulog sa malambot na sofa.

Mahangin sa maluwang na salas dahil maraming French window na nakabukas, malayang pumapasok ang hanging nagmumula pa sa dagat.

Wala ang amang si Santi o Santos Delos Santos, nasa piggery sa Antipolo na ngayo’y dumoble na ang laki at dami ng mga alaga.

Ang mga anak naman liban kay Sixto ay nasa paaralan at trabaho sa mga sandaling ito.

“How many children do you have, Tita Ara?”

“Oh, so many. There are nine of them, some are grown-ups and married, may mga subteener, may mga teenagers at may isang binata na posibleng maging old bachelor na…”

“Meaning he is not planning to get married, Tita? Gusto lang po ba ay strike anywhere?”

Natawa si Arabella. “Hindi naman strike anywhere. He seldom strikes nga e, parang supladong parang takot makipag-seryosohan sa babae. Nauubos ang panahon niya sa farming. Ewan ko ba, naguguluhan ako kay Sixto.”

“Sixto…?”

“Si Sixto ang kontrobersiyal kong binata Marissa. By the way, did you know na anak ko si Abraham Delos Santos?”

Namilog ang mga mata ni Marissa. “The Filipino genius who made a name in the world?”

“Oo, Marissa, siya nga ‘yon!” buong pagmamalaking nasabi ni Arabella.

“Wow naman, Tita, ang galing mong mommy!”

“At alam mo rin bang anak ko rin si Gabriel Delos Santos na Olympic gold medalist sa swimming?”

“No kidding?” Hindi makapaniwala si Marissa.

“No kidding, Marissa! Heto siya sa photo, o! Ipinakita pa ni Arabella sa banyagang dalaga ang litrato ni Gabriel habang sinasabitan ng medalya sa Olympics.

Nagtitili na sa tuwa si Marissa. “And he is also a computer whiz, kabilang na sa tauhan ni Bill Gates, I know!”

“Aba, kilala mo pala ang mga anak ko!” galak na nasabi ni Arabella.

“Pero may kapatid pala sina Gabriel at Abraham who is somewhat a laid-back bachelor, Tita Ara? Hindi mahilig sa kompetisyon ang Sixto na ‘to?”

Nabawasan ang saya ni Arabella. “Oo nga, e. Parang gano’n. Walang planong mag-asawa at lalong walang planong maging sikat na tulad nina Gabriel at Abraham.”

“Pogi ba naman po gaya nina Abraham at Gabriel?”

“Well, bilang nanay ay puro guwapo sa paningin ko ang aking mga anak na lalaki, magaganda naman ang lahat kong anak na babae.

Natawa si Marissa. “I’ll be the one to judge, okay, Tita? Para hindi biased. Sasabihin ko kung super-handsome, moderately handsome or not handsome at all.”

“Nasa kanyang mga tanim sa dulo nitong Santiara. Halika, pasyalan natin ang aking binatang suplado.” Masiglang niyaya na ni Arabella sa backdoor exit ang magandang panauhin.

Mula doon ay maglalakad sila patungo sa kinaroroonan ni Santi Sixto.

Hustong paglabas nila sa backdoor ay muntik pa nilang makabangga ang papasok namang matikas na lalaki.

Na walang iba kundi si… Santi Sixto.

“Ayy! Ginulat mo naman kami, anak! Ikaw ang sadya namin ng panauhin ko.”

Sina Marissa at Sixto ay nakatitig sa isa’t isa.

Alam nilang nakita na nila ang isa’t isa kahit hindi pa sila pormal na magkakilala.

Naalala agad ni Sixto kung saan niya nakita ang magandang banyaga. Siya ‘yung nasa diyaryo a week ago, na anak ng pilantropong si Howard Johnson!

Alam na rin ni Marissa kung sino ang kaharap. Gosh! Kamukhang-kamukha nga siya ni Jonathan! Imagine, I finally found him!

SANTI SIXTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon