SANTI SIXTO Part 15

3 0 0
                                    

Lalong humanga si Arabella kay Marissa. “Kung makikita lang sana ni Santi Sixto ang kadakilaan mo, iha.”

“Wala tayong magagawa, Tita Ara. I’m not needed in his life. Na nabulabog ko ang kanyang buhay is already too much of a trouble for him. Tita, if he contacts you, please tell him na nangangako na ako na hindi na lalapit sa kanya, para mabalik sa kanya ang dating peaceful life.

“Time will make the press forget the things between us. Mula ngayon, sisikapin ko na wala nang ibang mailathala tungkol sa akin kundi ang mga charities ko. Hindi ko na idadamay si Santi Sixto sa anumang paraan sa buhay ko.”

“Marissa, ang anak ko ang nawawalan ng malaki sa pasya mong iyan.” Nanghihinayang si Ara, dahil alam niya, kaysarap mahalin ni Marissa ng isang lalaking kagaya ng kanyang binata.

“Ssshhh, Tita Ara, don’t say that. Your son is entitled to the life that he wants. Ako ay panggulo lamang para sa kanya, hindi natin maaring sabihin na mali siya ngayon o kailanman tungkol diyan.”

“Goobye, Marissa. Gusto sana kitang maging kaibigan man lang pero imposible.”

“I will always be your friend, Tita Ara, kahit hindi tayo magkikita at magkakausap,” buong katapatan na deklarasyon ni Marissa.

ALAM naman ni Marissa kung ano ang dapat na gawin para paunti-unting mamatay ang isyu sa kanila ni Santi Sixto.

Isang PR o Public Relation company ang kanyang kinontrata. Ang PR agency na ito ang mamamahala sa kanyang publicity.

Under strict instructions niya ang PR agency na ang susulatin lamang ng mga PR writers tungkol sa kanya ay ang kanyang mga projects sa charity foundation na itinatag niya sa Pilipinas.

Naging sunud-sunod ang write-ups tungkol sa mga pagtulong ni Marissa. Hanggang sa nakasanayan na ng publiko na basahin na lamang ang mga balita tungkol sa kanyang mga kawanggawa.

At huwag nang umasa na may maisusulat tungkol kay Marissa at kay Santi Sixto.

Ang very private na binata sa Santiara ay paunti-unti na ring nabubura sa kamalayan ng publiko, dahil nga wala na talagang balita tungkol dito.

HALOS anim na buwan nang nawala sa Santiara si Santi Sixto. Kahit isang tawag o isang sulat sa pamilya ay wala.

Pumanglaw ang Santiara sa pagkawala ng guwapong binata sa tahanan nilang iyon.

Ang natutuwa sa kalungkutan ngayon ng Santiara ay ang anak ng namatay na si Bernardo Sr., si Bernardo II or Bernie Jr.

Napapaismid siya tuwing nakikita ang Santiara na lagi pa ring maraming ilaw sa arko nito.

Sa tuwing dumadaan siyang nakakotse sa bukana ng Santiara at nakikita niya ang arko ay bumababa si Bernardo II at dumudura sa lupang katapat ng arko.

Galit na galit talaga siya sa mga tao sa Santiara. Hindi kasi dapat sumikat at magkaroon ng magandang reputasyon ang mga ito, e.

Ano ba ang ina ng tahanan, si Arabella Delos Santos? Hindi ba para na rin itong isang puta na pumatol ng isang gabi sa kanyang ama, mabawi lang noon ang Santiara na pag-aari na sana ng kanilang pamilya?

Ang lihim na ito ay marami ang nakakaalam sa Santiara. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi lantarang laitin ng mga tao ang mga taga-Santiara.

Para bang iginagalang pa rin sa kabila ng lahat.

Dahil ba ang mga anak nina Santi at Ara ay maraming napapatunayan? Si Santi Abraham ay isang henyong sumikat sa buong mundo. Si Santi Gabriel naman ay Olympic gold medalist at isa sa mga importanteng tauhan sa kompanya ng Microsoft.

At ang nawalang si Santi Sixto, hindi ba sumikat din? Ang attic ng kanilang bahay ay halos puno pa ng mga inside pages ng mga magazines na kanyang pinakyaw, na si Santi Sixto ang cover.

Dapat pala ay sunugin na niya ang mga inside pages na iyon. Dapat ay madilaan na ng mga apoy ang mga iyon.

Siya mismo ang magsusunog ng mga papel na iyon para talagang masiyahan siya.

Para na rin siyang nagtatagumpay ngayon. Sa pag-alis ni Santi Sixto sa Santiara ay hindi na kumpleto ang mag-anak.

Hindi na kumpleto ang kaligayahan ng mga ito. At iyon naman talaga ang gusto niya, e.

Nag-utos kaagad si Bernardo II na hakutin ng kanilang mga katulong ang mga papel sa attic.

Ipinalagay niya ito sa bakanteng lote na nasa labas ng kanilang napakalawak din na bakuran.

Nagmistulang maliit na bundok ang mga papel. Na mga inside pages nga ng napakaraming kopya ng magazine na si Santi Sixto ang cover, ang Global Weekly.

SANTI SIXTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon