SI MANAY Caridad ang nakausap ni Santi Sixto sa telepono. Puno ng hinanakit ang yaya.
“Ano ang kailangan mo? Kung awa lamang ang gusto mong ihatid, hindi na kailangan, marami nang naaawa sa alaga ko. Alam ng lahat na nagpapakahirap siya sa pagtulong sa kapwa pero hindi niya matulungan ang sarili niyang problema.”
“Yaya, I need to see her.” May pakiusap sa baritonong boses ni Sixto.
“Sasabihin ko na lang sa iyo ang itsura niya, Santi Sixto. Naka-dextrose siya, nanlalalim ang mga mata, halos buto’t balat na lang, kasimputi ng papel ang kulay ng katawan.
“Ang alaga ko ay parang… ayaw nang mabuhay. Siguro ay pagod na pagod na sa katutulong sa mga mahihirap pero lalo pang dumadami ang naghihirap sa ngayon, sa halip na nababawasan.
“Sabihin mo nga sa akin, Santi Sixto… paano pa ba makakatulong ang isang taong said na ang lakas? You are killing my baby!” At humagulhol na ng iyak ang yaya.
“I need to see her, Yaya!” sigaw ni Sixto, sigaw na may kasamang pagsinghot.
He is crying.
His heart is bleeding.
Ayaw niyang maging huli na ang lahat. Ang reyalisasyon na mahal pala niya talaga ang babaing ito na ayaw na ayaw niya ang mataas na pagkatao… ay tila isang masarap na trahedyang dagok sa kanya.
Aywan kung bakit ibinigay din naman ni Manay Caridad ang kinaroroonan ng pinakamamahal na alaga. “Nasa Mt. Carmel Hospital siya, Santi Sixto.”
ANG mga tao sa lobby ng hospital, karamihan ay dahil kay Marissa. Ang mga batang yagit na laging pinapakain ng kanyang foundation ay hindi maitaboy ng mga taga-ospital.
Ganoon din naman ang mga taga-media.
Si Santi Sixto ay naka-dark glasses at naka-cap nang dumaan sa lobby, hoping na hindi siya mapansin at makilala.
Nakalusot naman siya. Ang mga personal bodyguards ni Marissa sa ngayon ay very present.
Hindi kagaya noong mga missionary trips ng dalagang dayuhan na talagang sinasadya nang iwan sila ni Marissa.
Nakakasagabal daw kasi sa kilos ng dalaga.
Nagbabantay sa saradong pinto ng private room ni Marissa sa ospital ang tatlong personal bodyguards niya.
Humarang kaagad ito nang lumapit si Santi Sixto.
Nagtatagis ang mga ngipin ni Sixto pero nakikiusap ang mga mata. “Please, I just want to see her.”
Tinantiya siya ng tatlo. Nagkatinginan ang mga ito. Kilala nila ang binatang Pilipino.
Mayamaya ay mahina nang kumatok ang isang bodyguard sa pinto. Ang sumungaw ay si Howard Johnson.
“What is it?” mahinang tanong ng pilantropo.
Isinenyas ng bodyguard si Santi Sixto.
Kumunot ang noo ni Howard Johnson, matagal na tinitigan ang binata.
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...