SINAMAHAN pa rin siya ng mga magulang sa pagpunta sa kalapit niyang farm, pagkatapos nilang kumain.
Natuwa si Santi Sixto sa nakita. “My God! Para akong hindi umalis, a! Ang linis ng farm, ang lulusog ng mga tanim!”
“Ang daddy mo ang nagdidisiplina sa dalawa mong tauhan. Alam mo naman ang daddy mo, talagang istrikto, hindi nangingiming magsalita o pumuna, kung may mali.”
“Mabuti na lang, anak… lagi tayong nagkukuwentuhan noon tungkol sa scientific farming mo, kaya nang nawala ka, hindi naman ako gaanong hirap sa pag-apply ng natutunan ko sa iyo, sa farm mo.” Inakbayan ni Santi ang binata.
“My God, Dad! Ang galing n’yo rin pala sa lupa!”
“Iyang ama mo ay mahilig din naman talaga sa tanim! Hindi naman niya lalakihan ang compound ng Santiara kung wala siyang balak na magtanim nang magtanim sa paligid.”
“Marami na naman akong isi-share na knowledge sa iyo, Daddy… mga natutunan ko sa aking pag-alis.”
“Welcome home, Santi Sixto!” At niyakap ni Santi ang anak na binata.
IBANG-IBA na ang buhay ni Marissa ngayon.
Obsessed na yata ang dayuhang dalaga sa kanyang misyon. Overworked na ito. Walang tigil sa pagtatrabaho.
Nagagalit na nga si Manay Caridad, nagrereklamo.
“Ano ka ba naman, Marissa… kagagaling mo lang sa isang linggong food distribution sa Samar, kagabi ka lang umuwi, halata pa ngang kulang ka sa tulog, aalis ka na naman? I’m no longer happy with your kind of life!”
“Yaya, two big typhoons hit Quezon Province. The foundation representatives have to be there to give aids.”
“May mga tauhan ka naman na mapagkatiwalaan. Kahit minsan man lang, iasa mo rin sa kanila ang trabaho mo. You need to rest, Marissa.”
Pero parang walang narinig ang dalaga.
Hindi kasi alam ng kanyang yaya na ang trabaho ang gamot niya sa kanyang pangungulila.
Ang ligayang nakikita niya sa mga taong sagad sa hirap at kanyang tinutulungan ay sapat na pampatibay sa kanyang dibdib.
Kung wala ang sobrang commitment niya ngayon sa pagtulong sa kapwa ay baka maigugupo siya ng pangungulila.
Hindi nga niya alam kung sino ang mas pinangungulilahan niya, e. Ang kanya bang nobyo na matagal nang patay?
O ang kahawig nito na buhay na buhay pa, hindi nga lang niya alam kung nasaan na.
Marahil ay pareho lang. But as long as there is work, she can survive.
Kausap na ni Marissa sa telepono ang coordinator niya sa relief works sa Visayas.
“Don’t worry. There is enough food coming. Padating na ang padala ng mga kompanya ng daddy ko. Kaya maari na nating simutin ang nasa warehouse natin.”
“Ma’am, kagagaling lang po ninyo sa malaking trabaho. If you want to rest, I can manage with the job.”
Umiling kaagad si Marissa. “No, Melita. Kaya ko ito. Don’t worry about me.”
Nang maibaba ni Marissa ang telepono, nagsermon uli si Manay Caridad. “Don’t worry about you? Marissa, kahit iyung pinakamaliit na size na pantalon mo ay para nang mahuhulog sa katawan mo kung suot. You are that thin! I’m so worried!”
“I’m okay, Yaya. I have to hurry up, ang dami pang gagawin! Stop making sermon muna, Yaya… I really have to go.”
“Parang kayang-kaya ka nang ilipad ng hangin, Marissa!” Pahabol na bulyaw ni Manay Caridad.
SI MARISSA ay dating may kutis-porselana. Maputi. Walang blemishes. Flawless talaga.
Pero ngayon ay parang sunog na siya sa araw. Sa layo kasi ng mga pinupuntahan nilang lugar ay walang masakyan, madalas ay naglalakad sila.
Gaya ngayon.
Si Marisssa at ang apat na volunteers sa kanyang foundation na dalawang lalaki at dalawang babae ay limang kilometro na ang nalakad.
May tatlong kilometro pa silang bubunuin.
Ang mga relief goods nila ang nakakarga sa tatlong kabayo na sabay-sabay nang pumapanhik sa bundok
Madalas naman ay ganito.
Pero ramdam na ramdam ngayon ni Marissa na parang hindi na niya kaya, nanghihina siya.
Ang mga tuhod niya ay nanlalamig.
Hanggang sa bumigay na ang kanyang katawan at napaluhod na lamang. Dinaluhan kaagad siya ng mga kasama.
“Are you all right, ma’am?” May concern ang tanong.
“I was just out of balance. I’m okay.” Sinikap ni Marissa na makatayo kaagad. Pero nabigo siya. Walang lakas ang kanyang tuhod. Muntik pa siyang sumubsob.
Maagap ang kanyang mga kasama. “Ma’m dapat kasi ay kasama ninyo ang inyong bodyguards kahit dito sa bundok.”
Kung hindi siguro siya hinahawakan sa dalawang braso ay nasa ground na ang kanyang mukha.
“Pampagulo lang sila sa mga misyon ko. Masyado silang istrikto, e. Kahit mga bata lang ang gustong lumapit sa akin ay sinisita pa rin nila.”
“Hinihingal kayo, ma’am. Bakit ganyan kayo magsalita?” Alarmado na talaga ang isa pang volunteer worker.
“I’m just… out of breath! S-sa pagod!”
“At kaya n’yo pa ba?”
“Hinihintay tayo doon sa itaas! Kakayanin ko!”
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...