KAHIT PA nais sana ni Marissa na maging low-profile ang kanyang pagdating sa Pilipinas, ang matutunog na members ng media ay inabangan na siya paglapag pa lang ng eroplano niya sa international airport.
Natuwa sa kanya ang mga reporters at photographers dahil sa bukod sa magandang-maganda ay marunong din palang mag-Tagalog ang anak ng pilantropong multi-milyonaryo ng Amerika.
Inambush interview nila si Marissa.
“Miss Marissa, why did you choose the Philippines for your charity works?” tanong ng isang Ingleserang Pinay reporter.
“Why not?” tanong-sagot ni Marissa, nakangiti, “dapat lang naman na lawakan ko ang aking pananaw sa pagtulong. Hindi lang sa mahihirap sa Africa dapat concentrated ang charities namin ng papa ko.”
“Wow! Hindi ka pala garil mag-Tagalog! Saan ka natuto, Miss Marissa?” tanong naman ng isa pang babaing reporter habang palabas na ng airport ang dalaga.
Nakangiting itinuro ni Marissa ang katabi niyang si Manay Caridad. “This is the person, guys. My dear Filipina nanny who taught me Tagalog.”
“Hello to you all, my friends and kapwa Pilipino!” masiglang bati naman ni Manay Caridad. Akalain ba niyang kahit gabi na sila dumating sa Pilipinas ay may naghihintay pa palang media?
“Miss Marissa, where will you go next?”
“Saang hotel ka mag-i-stay, Miss Johnson?”
“Hindi ka ba takot mamasyal sa Pilipinas, you know you may get kidnapped?”
Pero bago pa muling nakasagot si Marissa ay hinadlangan na ng tatlong bodyguards ng dalaga ang mga taga-media. “No more interview, okay? Miss Johnson is very tired.”
Nasupladuhan sa mga bodyguards ang media pero walang nagawa. Hindi naman kasi nagpa-schedule ng press conference si Marissa Carrera Johnson.
Dapat din naman kasing maging low-profile ang mayamang dalaga na ang tanging pakay sa bansa ay makatulong sa mahihirap, naunawaan ng mga mamamahayag.
Ah, kung mababasa lang nila ang nasa puso at damdamin ni Marissa. I’m here in the Philippines. Pareho na kami ng hangin na nalalanghap ng guwapong binata ng San Simon, na carbon copy na yata ng aking si Jonathan…
Habang nagpapalit ng damit ay napaluha na naman ang dalagang nangungulila sa yumaong nobyo.
I’ll make believe na ikaw ang binatang iyon, Jonathan. Pero hindi ko ililipat sa kanya ang pagmamahal ko sa iyo, I promise…
“Yaya.”
“Marissa, bakit?” Nasa loob sila ng isang hotel suite. Ang tatlong bodyguards ay nasa karatig-silid, laging nakabantay naman sa mayamang dalaga.
“Manay Caridad, alamin mo na agad kung nasaan ang San Simon. We are in Manila, right? Baka malapit lang dito…”
“Kinokontak ko na nga sa long distance ang pamangkin ko sa Pangasinan, Marissa. You just wait by and by.”
“Yaya, that is awkward English.”
“Oo na. E kahit naman kasi ako tumanda na sa Amerika sa piling mo, talagang mahina ako sa tamang Ingles, iha.” Nagda-dial na sa telepono si Manay Caridad, long distance.
“May beach sa San Simon, therefore nasa tabing dagat ang pakay nating place, yaya.”
“I know, Marissa, relax ka lang diyan.”
“I suddenly realized na baka hindi naman pala taga-San Simon ang kahawig na iyon ni Jonathan, yaya…” Lumarawan ang pangamba sa magandang mukha ni Marissa.
“Don’t be a pessimist, Marissa,” sagot ng yaya, “ang isipin mo ay magkita agad kayo.”
SA KABARET sa karatig-bayan ng San Simon, si Sixto ay may binobola nang dalaga.
“May masarap na pagkain sa aking private cottage, Rosy. At nag-iisa ako, nalulungkot.”
“Handa naman akong sumama sa iyo, kung tama ang presyo, Roger.”
Roger ang pakilala ni Sixto sa dalagang taga-kabaret. Siyempre ay tinatago niya ang tunay na katauhan.
Dumukot ng pera sa bulsa ang binatang taga-Santiara. “Tama na ba ito, Rosy?”
Nanlaki ang mga mata ng belyas sa dami ng pera ni Sixto na akala nga niya ay si Roger. Kumawit agad ito sa braso ng guwapong kostumer.
Saglit pa ay sakay na ng van ni Sixto ang babaing magbibigay sa kanya ng kaligayahan sa gabing ito.
Nagi-guilty ba siya sa gagawin? Ito ang lesser evil. Mabuti na ito kaysa mag-asawa na ako at magkaroon agad ng responsibilidad. Sa ayoko pa ngang mag-asawa, e…
BINABASA MO ANG
SANTI SIXTO
RomanceAng gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Sant...