Chapter 3

100 11 0
                                    

KINUKULIT AKO NG DALAWA HABANG NAGLALAKAD KAMI PAUWI. Tahimik at pangiti-ngiti lamang ako, minsan natatawa dahil ayaw nilang tumigil sa kakatanong.

Nagsasabi naman ako ng totoo, ayaw lang nilang maniwala. Napapanguso pa kapag naririnig ang mga sinasabi nila tungkol sa lalaking nakita na kasama ko kanina.

Kahit ako ay hindi inasahan na lalapitan niya ako o susundan sa labas. Nahuhuli ko siyang nakatingin, naging dahilan pa nga ng pagkailang ko. Mahirap paniwalaan na may isang lalaki ang maglalakas loob na makipag-usap sa akin.

At big deal iyon kanila Nora at Pelli. Ayaw nila akong tigilan ngayon.

“Matagal ko na siyang nakikita at napapansin sa BH, hindi ko lang alam ang pangalan. Laging napapalibutan ng mga lalaki, minsan pumo-porma sa magagandang babae na nakikita niya. Halatang babaero, Cereal,” ani Nora.

Kumunot ang noo ko. “Bakit, ano naman ang pakialam ko kung babaero siya? Nag-usap lang kami kanina.”

Hinawi ni Pelli ang buhok ko. “Iyon nga, nag-usap kayo. Ano sa tingin mo ang dahilan para kausapin ka niya? Siguradong natipuhan ka niya, Nammi. Ang ganda mo kasi, best friend.”

Namilog ang mata ko dahil doon. Natipuhan ako ni Salatiel? Saan naman nila napulot iyan? Kung ganoon ay hindi na pala maaaring makipag-usap sa ibang tao nang walang ibig sabihin?

Lagi nang may meaning kapag kinausap ako ng lalaki, ganoon ba? Napasimangot ako dahil hindi naman iyon ganoon.

“Ano ang sinasabi mong natipuhan, Pelli? Baka bored lang siya sa loob tapos nakita ako sa labas kaya kinausap. Huwag niyo ngang bigyan ng ibang meaning.” Napalabi ako. “Saka… Englishero. Hindi ko tipo ang mga ganoon.”

Aaminin kong nakaka-starstruck nga kapag nakakita ng ganoon ka-guwapong tao sa malapitan, o sa totoong buhay. Masyado pa siyang mabango. Muli ko tuloy naalala ang sinabi niya bago ako lumapit sa mga kaibigan ko.

Nakataas ang kilay nilang dalawa sa akin. “Kung tutuusin jackpot na nga ‘yon. Pangarap lang namin ni Pelli na makapag-jowa ng mayaman. Pero mukhang ikaw pa itong nakahanap ng future boyfriend. Sa Chowden pa nag-aaral.”

“Ano?” Bigla akong natawa. “Nag-usap lang kami, okay? Oo nga at guwapo siya, pero hindi ibig sabihin noon ay magiging boyfriend ko na siya.”

Ang advance naman nila mag-isip.

Masyado talagang sikat ang Chowden. Napapaisip ako minsan kung ang mga estudyante kaya roon ay aware na maraming tao ang nangangarap na makapasok sa paaralan nila? Instant sikat pa kapag doon nag-aaral.

Hindi na ako muli sumama kanila Nora at Pelli sa Billiard House. Naging busy kami sa pagkuha ng clearance. Gusto ko na talagang matapos lahat para makapag-trabaho na rin ako.

Hinihintay ko lang naman mag-bakasyon para makatulong na kay Mama ng buo. Tuwing Sabado at Linggo lang kasi ako nakakasama sa kaniya sa paglalabada dahil buong weekdays ako may pasok.

Clearance na lang ang binabalikan ko sa school. Nagsasaya ang dalawa kong kaibigan habang ako ay nagsusulat ng record. Inutos ng isang teacher kapalit ng pirma niya. Napapagod na ang kamay ko pero hindi naman makapag-reklamo.

Siya na lang ang kulang, then tapos na ako. Makakauwi na ako! May labahin pa na naghihintay sa akin sa bahay kaya minamadali ko na talaga itong lahat.

“Wala nang tumatambay sa BH nitong nakaraang linggo. Bakasyon na rin yata nila,” ani Nora habang nasa ilalim kami ng acacia.

Huminga ako nang malalim saka sinulat ang panghuli sa record. Tiningnan ko pa iyon sandali bago tumayo. Sumunod naman agad ang dalawa sa akin, nagmamadali.

Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon