“WALA NA BA AKONG IBANG LUGAR NA PUWEDENG PAG-STAY-AN? Or wala ka bang condo around here?” Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kuwarto.
Hinahawi ko ang kurtina para masilip ang modern house sa kabilang banda. Iyon ang itinuro ni Salatiel kanina na tinitirhan niya raw. Hindi ko naman masabi na nagbibiro lang siya dahil may posibilidad na totoo.
Narinig ko ang buntong hininga ni Luke sa kabilang linya. “Iyan lamang ang nag-iisang lungga ko, Cereal. Bakit, may problema ba? Hindi ka komportable riyan? Malayo ang bahay ko sa iba kaya naisip kong diyan ka muna patirahin habang inaasikaso ko ang dito.”
Alam kong stress na siya sa kinakaharap namin ngayon. Naisip ko talaga na dagdagan pa iyon? Kanina pa ako hindi mapakali rito, pabalik-balik na naglalakad at tila walang maisip na matino.
Tinawagan ko siya dahil gusto ko sanang ilipat niya ako. But then, I suddenly got to realized na hindi ito ang tamang oras para dagdagan ang nararamdamang stress ni Luke.
Hindi dapat ako maging makasarili. Hindi lamang naman ako ang mayroong damdamin dito.
Sumandal ako sa gilid ng bintana. Halos isang oras na rin ang nakalipas simula nang nakaharap ko si Salatiel. Kumalma na ako but still, may kaunti pa rin gulat at kaba sa aking dibdib.
Hindi ko lubos akalain na magkikita kami rito ngayong araw. Siya agad ang bumungad sa umaga ko. Kung may isa man akong bagay na hindi inaasahan na mangyari, ito na ‘yon.
Hindi ko na siya inasahan pa na makikita ko ulit. Pero parang pinaglalaruan naman ako ng tadhana.
“Ayos lang ako rito, Luke. Kasama ko naman si Inna. Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko kanina. Kulang lang ako sa tulog kaya medyo worried.” Napalabi ako. “Sana maging maayos na ang lahat.”
“Right, Cereal. I told Inna na huwag kang palalabasin. Hindi natin alam kung ano ang posibleng mangyari kapag may nakakilala sa ‘yo riyan. Mag-iingat kayo, lalo ka na.”
Tumango ako kahit imposible namang makita niya. Inangat ko ang palad papunta sa ibabaw ng dibdib. May kung anong kumakabog pa rin doon, hindi naalis simula nang umalis si Salatiel kanina.
Naisip kong magtanong kay Luke. Hindi naman siguro bawal iyon, hindi ba? Curious ako at may gustong malaman. But then, ayaw kong maisip niya na may iba akong pakay.
Kailangan mag-mukhang natural ang lahat, iyong hindi niya mahahalata.
“Gumagana naman siguro lahat ng appliances mo rito, hindii ba?” Bahagyang tumaas ang kilay ko sa dahan-dahang pagsasalita. Masyado akong naging maingat.
“Oo naman. May katiwala ako, Cereal. Sinisiguro ko na hindi matatambakan ng alikabok iyang bahay ko. Gumagana naman siguro. Check ninyo pa rin. Sinabi ko na kay Ate Delz na magdala ng agahan diyan. Ako na ang bahala. Isipin mo na lang na pahinga mo ito.”
“What about the water, Luke? May sariling supply ba itong bahay mo?”
“Iyan ang problema. Nakalimutan ko nga palang sabihin na wala akong sariling metro. But you don’t have to worry anymore dahil nag-usap na kami ng kapitbahay ko riyan. Magsu-supply siya ng water diyan sa bahay kaya medyo magtipid kayo ni Inna dahil maghapon siyang nasa farm,” dire-diretso niyang sinabi. “Hindi ko sigurado ang oras ng uwi niya kaya magtipid kayo.”
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Kung ganoon ay talaga ngang nag-usap na sila. Thanks a lot to Luke, kahit malaki na ang inaasikaso sa Maynila ay inuuna niya pa rin akong intindihin.
“May specific schedule ba ang delivery niya ng tubig?”
“Every morning. Maaga iyang nagigising kaya maaga rin siyang magsu-supply. Nakiusap lang ako sa kaniya na gawin iyan, Cereal. Mabuti na lamang at mukhang nadala sa pagpapaawa ko.”
![](https://img.wattpad.com/cover/268481666-288-k204651.jpg)
BINABASA MO ANG
Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)
Fiction généraleALIMENTATION SERIES #4 Cereal is sure of how she really feels for Salatiel. She loved his every naughty smiles and manly laugh. She could feel pure attraction for him but was she willing to fight for the man recognized by many as a criminal who kill...