HINDI NA LANG SI SALATIEL ANG NAKAKAUSAP KO. Pati si Nierva ay halos araw-araw na rin akong kinu-kumusta. Friends na rin kaming dalawa sa Facebook dahil nagpa-accept siya sa akin isang araw.
Hindi na nga lang kami ulit nagkita dahil hindi naman siya kasama tuwing lumalabas kami ni Salatiel. Abala raw ito sa mga projects na ginagawa dahil malapit nang mag-periodical exam sa Chowden.
Sa Benides din ay ganoon. Naging abala na rin ako sa pagre-review dahil palapit na ang exam namin. Kaliwa’t kanan na ang pasahan ng proyekto sa iba’t-ibang subject. Kasali pa ang ibang requirements na hinihingi ng teacher kaya mas magastos. Tumatanggap na ako ng mga nagpapagawa ng project o activity sa akin dahil binabayaran naman nila ako.
Noong una ay si Denie lang ang gumagawa ng ganoon. Hanggang sa nagugulat na lang ako kapag may humahanap na estudyante sa akin sa classroom namin. Iyon naman pala ay sinadya pa ako para magpagawa ng aktibidad na hindi nila magawa, lalo na iyong project na tula o kaya’y drawing.
Ang pinaka-mababa na binabayad sa akin ay seventy pesos. Ang pinakamahal na singil ay one hundred fifty depende pa kung gaano kahirap gawin at kung gaano karami ang demand. Si Pelli ang kumukuha sa mga bayad dahil nahihiya akong magsabi ng halaga. Siya na rin ang nagdedesisyon kung magkano ang sisingilin niya.
Pero bawal iyon. Hindi ina-allow sa school at kapag nalaman ng teacher ang ginagawa ko, siguradong mayayari ako. Kaya nga bago magpagawa ang mga estudyante ay ika-klaro muna sa kanila na hindi puwedeng sabihin sa guro dahil pare-pareho kaming malalagot.
Ginamit ko ang pera sa ambagan ng project namin at binibili ko ng kailangan ko sa school. May kalakihan na rin ang ipon ko na kahit gipit ako ay hindi ko talaga ginagalaw. May paglalaanan kasi ako noon kaya kapag may natitira sa baon ko, kahit kuwatro lang, sinasama ko na roon.
Hindi naman ako nagugutom dahil binibigyan ako ni Salatiel ng biscuit at inumin. Nakakahiya nga, e. Pakiramdam ko tuloy ay ang laki kong pabigat sa kaniya. Pinipilit niyang ibigay sa akin kahit pa sinasabi ko naman na hindi ko na iyon kailangan.
Minsan sa gabi, pumupuslit ako palabas ng bahay at nakikipag-usap sa kaniya sa ilalim ng puno. Kahit gabing-gabi na, lumalabas pa rin ako dahil gusto kong marinig ang boses niya. Hindi pa naman ako nahuhuli dahil maagang natutulog ang mga tao sa bahay, pati na rin si Ate Sharmaine.
Araw ng periodical test. Half day lang ang pasok namin dahil dalawang araw ang exam. Wala pang alas siyete pero wala nang estudyante sa hallway. Nakasanayan na kapag ganitong may exam, nasa classroom na lang ang lahat at nagrereview. Payapa ang hallway nang dumaan ako.
“Nag-review ka ba?” Sinalubong ako ng mga kaibigan ko na plakado na ang mga make-up. Kapansin-pansin ang namumuti nilang mga mukha na hindi pumantay sa kulay ng kanilang leeg.
Dire-diretso akong naglakad papasok sa classroom namin na kataka-takang tahimik ngayon. Kadalasan naman ay maingay tuwing dumadating ako. Nagkalat din ang mga notebook sa kani-kanilang desk. Ang iba ay nasa unahan at tinitingnan ang nakapaskil na schedule ng exam namin ngayon hanggang bukas.
Kahapon pa iyon idinikit doon. Subject at kung anong oras. Ang una nga naming iti-test ngayon ay Filipino. Ayos lang, hindi masyadong mentally draining.
“Oo, Nora.”
“Sus, ayan pa hindi mag-review? Kahit nga quiz ay lagi niyang ipinapasa, e!” Malawak ang pagkakangiti ni Pelli.
“Baka naman, Cereal...”
Tiningnan ko si Nora mula sa gilid ng mga mata ko. Napansin ko na nakakulot ang buhok niya, nakataas din ang pilikmata. “Bakit, hindi ka ba nag-review?”
“Hindi.” Humagikhik siya na para bang nakakatawa ang sagot niya. “Nariyan ka naman. Imposible na hindi mo kami pakokopyahin.”
Wala akong naging kibo. Pumunta ako sa upuan ko at nilapag ang bag na wala masyadong laman dahil exam lang naman. Dinala ko lang ang notebook na ipapasa mamaya para sa lecture. Ichi-check din kasi iyon ng mga guro namin. Pagkatapos ng exam ipakukuha dahil gagamitin pa ang notes sa pagre-review.

BINABASA MO ANG
Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)
Ficción GeneralALIMENTATION SERIES #4 Cereal is sure of how she really feels for Salatiel. She loved his every naughty smiles and manly laugh. She could feel pure attraction for him but was she willing to fight for the man recognized by many as a criminal who kill...