Chapter 16

57 4 16
                                    

NANALO ANG CHOWDEN UNIVERSITY. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay natigil na ang malakas na hiyawan. Pakiramdam ko ay nabingi na ako sa lakas ng tili at hiyaw ni Nierva kanina. Full support siya sa team nila at sobrang lakas niya mag-cheer.

Tahimik na nanonood lang ako. Intense ang naging laban at kahit ako ay kinakabahan dahil natambakan ang Chowden sa first half. Mabuti na lang at nakahabol sila at hindi na hinayaan na makahabol ang kabilang team noong sila naman ang lumamang ng score.

Ang tanging nagagawa ko lang tuwing nakaka-score ang team nila Salatiel ay mahinang palakpak. Napapangiti rin naman ako dahil sa hiyawan, pero hanggang doon lang ang kaya ko dahil hindi ko magawang sumigaw rin at mag-cheer. Nahihiya kasi ako at hindi ko mahanap ang boses ko.

Tumitingin si Salatiel sa banda namin tuwing tumatawag ng time out ang coach nila o ng kabilang team. Nagkakatinginan kaming dalawa at sa ilang beses na tiningnan niya ako, tanging ngiti lang ang kaya kong ipakita sa kaniya. At kapag napapansin ko na lumalalim at tumatagal ang titig ni Salatiel sa akin, nahihiyang umiiwas na ako at kagat ang ibabang labi na kinukutkot na lang ang kuko sa kamay ko dahil aaminin ko na sobra akong kinakabahan.

Malakas na kumakabog ang dibdib ko, lalo na sa tuwing nakikita ko na namumula ang tainga ni Salatiel habang nag-ngingitian kami na para bang kaming dalawa lang ang tao sa lugar na ito.

“Patay na patay talaga sa ‘yo si Salatiel.”

Nilingon ko si Nierva. Nakatingin siya sa akin ng may ngiti sa labi.

“H-huh?”

Nagkibit balikat siya. “Not surprising. Kung naging lalaki lang ako, ikaw rin ang popormahan ko. You are extra beautiful.”

Uminit ang pisngi ko dahil ang random niya bigla at madalas talaga ay hindi ko mahulaan ang susunod na sasabihin niya. “Baliw…”

Mahinang natawa si Nierva. “Hindi mo lang alam kung gaano ka ka-gusto ng kaibigan ko, Cereal. Sobrang gustong-gusto ka niya. Ikaw nga ang laging bukambibig niya at minsan sumasakit na ang tainga ko dahil paulit-ulit siya ng mga sinasabi.”

Totoo kaya iyon? Napakagat labi ako dahil hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. Kung totoo man iyon, parang loko naman si Salatiel. Nakakahiya.

“Hey, do you wanna meet my cousin?” Nagulat ako dahil bigla na lang sumulpot si Salatiel sa harapan ko. Kanina ay nasa court pa siya. Ngayon ay narito na siya sa harapan ko, pawisan at may towel sa batok.

Kumabog ang dibdib ko. Umangat ang sulok ng labi ni Salatiel habang naghihintay sa sagot ko. Kahit pawisan, naaamoy ko pa rin sa kaniya ang pabangong gamit niya. Hindi siya amoy maasim kahit naliligo na siya halos sa sariling pawis.

“S-sige,” sabi ko dahil gusto ko rin naman makilala pa ang ibang tao na malapit sa kaniya.

Tumayo ako at nagpaalam saglit kay Nierva. Nakangiting tumango lang naman siya bago ako sumama kay Salatiel. Dahil masikip ang daan, nauuna siyang maglakad pero halos magkatabi lang din kami.

Kinakabahan ako dahil ramdam kong marami ang nakamasid. Hindi lang isa o dalawang tao ang nakatingin sa amin habang naglalakad kami. Hindi ako komportable sa atensyon na binibigay nila, pero iba ang epekto sa akin ng presensya ni Salatiel. Para bang kaya kong tapangan ang loob ko dahil kasama ko siya at hindi ko kailangan mag-alala.

Nakita ko ang kamay niya. Wala naman siyang dala na kahit ano pero hindi niya man lang ako hinawakan. Dahan-dahan na inabot ko ang palad niya at nang naramdaman ang init niya, mabilis na pinagsalikop ko ang daliri naming dalawa.

Halata naman na nagulat si Salatiel sa ginawa ko dahil alam ko namang alam niyang hindi ako sanay na basta hinahawakan. Hindi ako komportable kapag basta akong hinahawakan ng mga tao. Pero siya naman ito. At… nasanay na ako sa kaniya kaya wala na akong problema kung hahawakan niya ako… o hahawakan ko siya.

Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon