Chapter 12

71 4 0
                                    

PATULOY ANG NAGING ROUTINE NAMIN NI SALATIEL. Araw-araw, pinupuntahan niya ako sa Benides para sabay kaming magla-lunch. Hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko rin naman siyang makasama... at parang nakasanayan na rin na umaalis ako sa school kapag tanghali dahil sinusundo niya.

Pumupunta kami sa restaurant, iyong mas mura lang na ako ang nagsabi dahil ayaw kong lumaki ang gastos niya. Nakakahiya na nga ng sobra kahit pa parang wala lang naman sa kaniya ang lahat dahil mas gusto niyang ngumiti-ngiti lang na para bang ang saya-saya niya sa tuwing magkasama kaming dalawa.

Batak na raw sila sa practice kaya hindi na kami nagkikita sa Billiard House pagkatapos ng klase ko dahil minsan ay gabi na siyang nakakaalis sa Chowden. Ayos lang naman sa akin, hindi ko na rin naman pa muna gustong umuwi ng gabi dahil pakiramdam ko mas mapapagod siya kung ihahatid niya ako lagi.

Nakakahiyang aminin, pero sobrang grateful ako kay Salatiel. Hindi dahil sa nililibre niya ako. Kung hindi dahil sa pamamagitan ng presensya niya, nakakayanan kong kalimutan ang mga pinagdadaanan ko sa bahay. Kahit hindi ako magsabi, tila niya napapansin kapag malungkot ako dahil bigla na lang siyang dadaldal nang dadaldal bukod pa sa parati naman siyang madaldal talaga.

Mabait pala talaga siya. Siyempre, noong una ay may pagdududa sa puso ko dahil baka pakitang tao lang 'yon para mahuli ang loob ko. Pero sa tatlong buwan na hinayaan ko ang sarili kong mas makilala siya, saka ko na-realize na masyado lang pala akong nagpapaapekto sa mga nabasa ko noon tungkol sa kaniya.

Parang... hinayaan ko ang sarili kong pag-isipan siya ng hindi maganda dahil iyon naman ang iniisip sa kaniya ng ibang tao. Kahit hindi ko pa naman talaga siya kilala, binase ko na lang ang pagkatao niya sa kung paano nila siya nakita.

Pero... wala naman sigurong masama kung nagduda ako at nag-isip ng hindi maganda sa kaniya dahil gusto ko lang naman protektahan ang sarili ko. Wala namang nakakapagsisi sa bagay na iyon. Ang magandang nangyari lang ay nang binigyan ko ng pagkakataon ang sarili kong hayaan na kilalanin pa siya.

"Bakit napapadalas yata ang pagkausap ni Denie Villacarte sa 'yo?" Puno ng pagtatakang nakatingin si Pelli sa papalayong imahe ng babae. Pinaalalahanan kasi ako nito tungkol doon sa project niya sa Mathematics na pinangako kong bukas ko na ibibigay sa kaniya.

Nagkibit ako nang balikat. "May pinagawa lang siya sa akin." Ayaw ko nang dugtungan dahil iyon lang naman talaga ang dahilan. Kinakausap niya lang ako kapag may pinapagawa.

Nitong mga nakaraang linggo at buwan, palaging umaalis sina Nora at Pelli. Napapadalas din ang pagliban nila sa klase. Magugulat na lang ako isang araw na hindi sila lilitaw at kinabukasan ay malalaman kong nakipag-date pala sila. Base sa nakikita ko, maganda naman ang kinalabasan ng pakikipag meet-up nila.

Hindi ako nagtatanong tungkol sa mga lalaking kinahuhumalingan nila. Ang totoo ay wala naman akong pakialam sa mga iyon. Tuwing nagku-kuwento nga si Pelli sa akin ay nakikinig lamang ako pero hindi masyadong iniintindi ang kilig niya.

Wala rin naman kasi talaga akong masabi o gustong sabihin. Halata rin na masaya sila ni Nora sa mga ginagawa nila. Iyon nga lang... nahahalata ko na mayroon silang pagkakaintindihan na parang ayaw nilang ibahagi sa akin. Iyon bang may pinag-uusapan sila at kapag darating ako, awtomatiko silang tatahimik.

May tinginan din sila na napapansin ko pero ayaw kong bigyan ng pansin. Naisip ko na kung may nais silang i-sikreto sa akin, ayos lang. Hindi naman big deal dahil may sikreto rin naman ako sa kanila kaya hindi ako magrereklamo.

"Ikaw lang ang kinakausap niya, Cereal. Siguro magkaibigan na kayo, ano?"

Namimilog ang matang nilingon ko siya, halos hindi makapaniwala na posible niya palang maisip ang bagay na iyon. "Hindi, Pelli. Talagang may pinagawa lang siya. Kinakausap niya lang ako kapag may gustong ipagawa."

Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon