Chapter 18

54 5 0
                                    

“YOU SHOULD WEAR THIS, CEREAL! BAGAY ITO SA ‘YO” Masayang ipinakita ni Nierva sa akin ang isang damit.

Nanatili akong nakaupo, halos walang galaw. Narito kami ngayon sa condo niya. Kaninang alas dos ako sinundo ni Salatiel at dito niya ako dinala kay Nierva. Napag-usapan naman na namin na sa condo niya muna ako tatambay habang abala pa si Salatiel sa pag-aayos ng party niya.

Si Nierva pa lang naman kasi talaga ang masasabi kong malapit sa akin. Magaan ang loob ko sa kaniya kaya panatag akong mag-stay rito kasama siya.

Ibinuladlad niya ang damit sa harapan ko. Ang totoo, nakita ko kung saan niya iyon kinuha. Sa isang box na may ribbon pa. Alam ko na agad na bago pa ang damit na iyon dahil may price tag pang nakalagay.

“Hindi naman bagay sa akin ang mga ganyang damit, Nierva.” Napakapit ako sa batok nang makita ang itsura niyon. 

Dress. Scarlet red dress na maikli. Nakikita ko na agad ang sarili kong suot iyon at sigurado akong hindi ako magiging komportable dahil masyadong maikli.

Hinawakan ni Nierva ang kamay ko saka ako pinatayo. Sumunod naman ang katawan ko sa gusto niyang gawin. Tumayo kaming dalawa sa harapan ng malaking salamin. Kitang-kita ko ang sarili namin doon. 

Pantalon na kupas at itim na baby t-shirt ang suot ko samantalang siya ay maong shorts at crop top. Malinaw ang pagkakaiba namin ni Nierva. Mas mataas lamang ako rito ng kaunti at mas payat din ako kaysa sa kaniya. Si Nierva, sexy. Maputi ang balat niya at walang kahit na anong peklat. Maganda ang kutis niya at lahat ng isinusuot niya ay bagay na bagay sa kaniya.

“Can’t you see yourself? How come you have the audacity to say that this dress doesn’t suit you when it is obviously made for someone like you?”

Uminit ang pisngi ko. “Nierva, okay lang naman itong suot ko, e. Saka… mas komportable ako rito.” 

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Aaminin ko na walang espesyal sa suot ko. Kung tutuusin ay plain nga lang ito. Kumpara sa mga isinusuot niya, walang-wala itong sa akin.

Pero sa ganito ako komportable. Bagay naman siguro ang pantalon sa birthday party. Kapag kasi nagbibirthday si Pelli, pantalon ang isinusuot namin ni Nora kapag pumupunta kami sa kanila para makikain sa handa niya. Iyon na ang pinakang pormal na damit namin. 

“Cereal, you are better than this,” nakangiting sabi ni Nierva, kinukumbinsi pa rin ako para mapapayag niya. “This dress is perfectly made for you. Bagay ito sa ‘yo, believe me!”

“Hindi, ayos lang ito,” ayaw ko talagang magpapilit sa kaniya. Nahihiya rin naman ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tatanggap ako ng galing sa iba.

“Please, Cereal…” Ngumuso siya nang siguro ay napagtanto na wala akong balak pumayag sa gusto niya.

Nakangiting hinawakan ko ang mga kamay niya. “Maraming salamat, Nierva. Totoo, na-appreciate ko itong mga ginawa mo para sa akin. Sobrang thankful ako dahil mabait ka sa akin. Pero pasensya ka na, mas gusto kong isuot itong mga damit ko.”

Sumimangot siya. “Cereal… it’s Salatiel’s party we’re going to attend,” aniya na para bang sinasabi na dapat alam ko na iyon.

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman. Ngayong araw ang birthday ni Salatiel. Ipinagluto ko pa nga siya ng nirequest niyang sisig sa akin. Hindi ko lang alam kung mainit pa, pero madali lang naman iyon gawan ng paraan mamaya.

Ang sabi ko kay Mama ay gagawa ako ng project ngayon kasama ang mga kaklase ko. Nasa bahay kasi siya ngayon, walang labada na nakuha. Alam kong hindi ako basta makakaalis kaya nagsinungaling na lang ako para payagan niya akong lumabas.

Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon