Prologue

330 23 2
                                    

“HINDI KO MAINTINDIHAN KUNG BAKIT KAILANGAN NIYANG AKO ANG PALABASIN NA MALI AT MASAMA, LUKE.”

Malungkot akong bumuntong hininga. Hindi ko naalis sa tono ko ang lungkot nang sinabi iyon habang hinahawi ang makapal na kurtinang pumipigil sa liwanag na makapasok sa kuwartong tutuluyan ko ng ilang araw.

Kung mamalasin, baka hindi lang nga isang linggo. It would gonna take longer to cleanse everything. Gusto ko sanang magsalita para sa sarili ko, isisiwalat ang totoo, pero napaka-imposible ngayong binabaha ako ng hate comments.

Siguradong kung may makikinig sa akin, iilan at loyal fans lang. Nakakalungkot at masakit na iyong mga dating pinagtatanggol ako ay siyang dismayado sa akin ngayon. Hindi ko sukat akalain na magiging ganito ang sitwasyon.

“Cereal, listen to me. Ako ang bahala rito at diyan ka lang. You need peace of mind and please, avert yourself from checking your social media accounts. Bashers are now attacking you with their toxic comments,” sinabi ng Manager ko sa kabilang linya.

Para akong maiiyak sa sobrang frustration. Sa ilang taon kong pagiging artista, ngayon lang ako nagkaroon ng ganito kabigat at kalaking issue. Kumakalat ngayon sa social media ang statement na walang katotohanan pero pinaniwalaan ng maraming tao.

Sandali akong tumahimik bago pinikit ang mga mata, problemado at apektado sa mga kaganapan.

“Luke...” I whispered. Hindi ko alam ang isusunod. “Do your best to clean my name, please? If I need to, I could speak for the truth. Iyon naman ang mahalaga, hindi ba?”

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Alam kong mas higit siyang apektado sa akin. It’s his responsibility to look after the issue and speak for me. But for now, wala munang sagot mula sa panig namin.

Noong sumabog ang issue last day, pinapunta kaagad ako rito ni Luke kinagabihan para ilayo sa mga basher na inaatake na ako. Hindi rin mapakali ang press sa labas ng building kung nasaan ang condo ko. Invade na invade ang privacy ko.

Nahirapan kaming takasan ang press kagabi. To make sure na walang probable interaction with bashers and press, by land namin tinunton ang rest house na ito ni Luke. Dito muna kami ni Chynna habang naghihintay sa instructions niya.

“Mahalaga ang katotohanan pero hindi sa mga oras na ito. They want you down, Cereal. Ilang artista na rin ang nag-justify kay Eloisa. Kumampi sa babaitang iyon dahil siguro hindi matanggap na ang on-cam love team nila ay minsan kang tinangkang ligawan. Mga bitter!” aniya pero wala naman sa parteng iyon ang concern ko. “Sa ngayon ay sinabihan ko si Yena na tumahimik, huwag magsalita about sa issue. This is really stressing.”

I could only imagine her annoyed face. Dalawa kaming alaga ni Luke at halos magkadikit na ang bituka namin ni Yena. I’m more than sure that she wants to defend me by now but forcing herself not to. Kailangan pa rin niyang sumunod kay Luke.

“What can I do?”

“Stay ka lang muna riyan, ako na ang bahala rito.”

“Gagawa ba tayo ng official statement?” I was hoping na ganoon nga. Lagi kasing tahimik lang dahil ayaw nang mas lumala ang issue.

“We’ll see pa, Cereal. For now, rest ka na muna. Don’t worry, mas marami ang naniniwala sa ‘yo.”

Na-stress lang ako lalo. Natapos ang usapan namin sa mga instructions niya. Bumaba ako noong marinig na tumunog ang doorbell. Tulog pa yata si Inna, my personal attendant. Dalawa kaming umuwi rito kagabi and according to Luke’s plan, I’ll be living here temporarily with her.

Binuksan ko ang pintuan. Tumambad sa paningin ko ang matangkad na lalaking nakatayo sa harap, nakatalikod at bahagyang tumutulo ang pawis sa patag ngunit maugat na likod.

Awtomatikong gumapang ang mga mata ko sa suot niyang faded jeans at maruming boots. Nakapatong ang isa nitong palad sa bandang leeg, humihimas.

Saka ko lamang napagtanto na bawal nga pala akong magpakita sa kahit na sino! But it was too late.

“Yes? What can I help you?” Tinagilid ko ang mukha upang hindi niya masyadong mapansin. Sana lang ay hindi niya ako makilala.

Dahan-dahan at tila slow motion niyang tinagilid ang ulo para makita ako. Unang latag pa lang ng mga mata niya sa akin ay para na akong bigla hinapo. Mabilis at malakas na kumabog ang puso ko, gulat sa nakita, at hindi makapaniwala.

Hindi makuhang bumuka ng bibig ko dahil talagang nagulat ako matapos masulyapan ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung totoo ba ito o dinadaya ako ng sarili kong mga mata.

Diretsong nanuyo ang lalamunan ko nang tuluyan niyang hinarap ang malaking bulto sa akin. Pakiramdam ko bigla akong nanliit sa kung saan ako kasalukuyang nakatayo. Hindi ako makagalaw, nanigas ang paa sa sahig at ayaw pakawalan.

Hinabol ko ang unti-unting nauubos na hininga, pero parang napaka hirap noon gawin sa mga oras na ito.

“Salatiel...” I swallowed hard.

Kusang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya na gustong-gusto ko nang kalimutan. Tila iyon isang tinta na hindi ko mabura-bura dahil permanente na sa aking alaala.

And suddenly, I was emotional. I feel so emotional seeing his face again, after a long years. Hindi ako makapaniwala. Para akong nananaginip nang gising. Tila iyon isang masama ngunit magandang panaginip.

Tinagilid niya ang ulo, sinuri ang kabuuan ko at bahagyang umatras para ilayo ang sarili sa sikat ng araw. He looked at me like he didn’t know who was I. Wala akong gulat na nakita sa kaniya. Something I haven’t expected to see.

“I went here to deliver the water. Kaya mo bang buhatin o ako na?” Sinulyapan niya ang malaking tatlong water bottle na nasa lapag.

Pinilit kong buuin ang sarili sa kabila ng biglaang panghihina ng mga tuhod. Bahagya akong tumabi para bigyan siya ng daan. Kulang na lang ay literal akong manigas sa pagkakatayo.

“I-ikaw na. Mabigat kasi ‘yan kaya hindi ko kaya-” hindi ko natapos dahil parang hangin niyang binuhat ang tatlo at diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan akong nakatanga sa kanina lang ay tinatayuan niya. Uminit ang dalawang gilid ng mata ko. May kirot sa aking dibdib na hindi ko naman maintindihan kung para saan pa at kung saan nanggaling.

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Tila ako naging isang pipi na hindi makapag-salita. Or maybe, I don’t deserve to speak to him.

“I left them inside the common bathroom. My place is over there, near this house. Call me if you still need water,” nagsalita siya galing sa aking likuran.

Mabilis kong inayos ang aking sarili. Nang hinarap siya ay completely fine na. “Sige. Kailangan ko bang magbayad ngayon?”

Mariin siyang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko sa bagay na iyon walang nagbago. Muling kumirot ang puso ko kaya minabuting huwag na siyang tingnan. I looked away.

“Luke and I already talked about the charge. I’ll be the one to supply this house a water for the meantime. Tawagin mo na lang ako kung kailangan mo pa.”

Tumango ako pero mabilis na siyang tumalikod at umalis. Mabilis kong sinara ang pinto at saka dahan-dahang napaupo sa likod niyon, nanghihina ang mga tuhod.

Hinawakan ko ang nanginginig na tuhod, nangangatal din ang labi. Tears started to pool down my cheeks as realization hit me. He acted like he didn’t know me. Sabagay, pagkatapos ng ginawa ko ay wala nang dahilan para kilalanin niya ako.

But... it wasn’t my idea, Salatiel.

Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon