ARAW-ARAW KAMING NAGKIKITA NI SALATIEL. Walang araw na hindi kami magkasama at nagkakausap. Lagi kaming pumupunta sa tahimik at hindi masyadong mataong lugar. Mas komportable akong gumalaw kapag walang tao dahil ibig sabihin ay walang nakamasid sa amin.
Wala naman kaming ibang pinag-uusapan bukod sa kung anong nangyari sa maghapon ko. Para kasing curious na curious si Salatiel sa mga nangyari sa akin. Nakikinig naman siya sa mga sinasabi ko. Isang beses nga ay na-kwento ko sa kaniya ‘yong isa kong kaklase na itinago ang bag ko. Nakakunot ang noo ni Salatiel.
“Tarantado ba ‘yon? Bakit naman niya ginawa ‘yon?”
Namilog ang mga mata ko. “Masamang mag-mura…”
Ang nangyari kasi ay malapit na mag-uwian noon. Lumabas lang ako sandali para mag-CR. Pero pagbalik ko ay wala na sa upuan ko ang bag ko. Hindi ko na mahanap. Pinagtanong ko sa mga kaklase ko pero wala silang alam. Mga abala naman kasi sila sa kani-kanilang mundo kapag malapit na ang uwian.
Iyon naman pala ay si Donald ang nagtago. Nafu-frustrate na kasi ako sa paghahanap dahil naglabasan na ng classroom ang mga kaklase ko habang ako ay hindi pa rin nahahanap ang bag ko. Tapos bigla akong tinawag ni Donald na nasa labas na ng room namin. Nakatayo siya sa pinto, nakasabit sa kanang balikat ang bag ko at tumatawa.
“Halika na, Cereal. Ako na magdadala nitong bag mo,” sabi niya sa nakakalokong boses.
Naiiritang umismid si Salatiel. “Sorry, ha? Pero tarantado talaga siya. Papansin,” aniya. “Hindi ganoon magpapansin. Ang engot ng paraan niya. Obviously, he wants to get your attention by doing that shitty prank on you.”
“Hinayaan ko na lang,” sagot ko.
Para namang hindi makapaniwala si Salatiel. Tiningnan niya ako na para bang ako na ang pinaka nakakatawang tao na nakilala niya. Ngumuso ako.
“Hindi ka man lang nainis o nagalit sa kaniya?”
“Pinagsabihan ko naman siya na huwag na niyang uulitin dahil hindi nakakatawa ang ginawa niya.”
“That’s still not enough,” wika niya at bumuntong hininga. Hinawakan ko na lang ang kamay niya para hindi na siya madismaya sa akin.
Nakakatakas ako sa problema sa bahay dahil kay Salatiel. Si Salatiel ang naging dahilan para mawala ang stress ko. Sa kaniya ako nakakahinga dahil habang lumilipas ang mga araw at linggo, mas nagiging malala ang problema namin sa bahay pero wala akong mapagsabihan.
Ayaw ko namang sabihin sa kaniya dahil nahihiya ako. Saka… sapat na rin sa akin na nakakasama ko siya. Iyon lang naman talaga ang gusto ko. Ang makasama siya ang pinakang importante sa akin.
Pero minsan habang nakatitig ako kay Salatiel, napapaisip ako kung ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang siya ang higit na nakakatulong sa akin – na sa kaniya ako humihinga at nagpapahinga. Na siya iyong nag-iisang tao na nagpapaganda ng kalooban ko. Na siya iyong nagtatanggal ng lungkot sa puso ko. Dahil sa kaniya, nakakaya ko pa rin maging masaya.
Apat na buwan na akong nililigawan ni Salatiel. Aaminin ko na hindi ako makapaniwala na tatagal siya ng ganoon. Para kasing siya iyong tipo ng tao na hindi mag-aaksaya ng mahabang panahon sa isang babae dahil marami naman siyang makikilala pang iba.
Pero tumagal siya. Sa mga nakalipas na buwan, hindi niya man lang natanong sa akin kung kailan ko siya sasagutin o kung may dapat ba siyang asahan. Ako pa tuloy itong hindi alam kung ano ang dapat gawin o sabihin sa kaniya.
Wala namang nagbabago sa kung paano niya ako i-trato. Mabait pa rin siya sa akin at patuloy na ginagawa ang mga gusto niya. Hanggang sa nasasanay na nga ako sa kaniyang presensya at laging siya na lang ang laman ng isip ko.
BINABASA MO ANG
Promise of a New Tomorrow (Alimentation Series #4)
Ficción GeneralALIMENTATION SERIES #4 Cereal is sure of how she really feels for Salatiel. She loved his every naughty smiles and manly laugh. She could feel pure attraction for him but was she willing to fight for the man recognized by many as a criminal who kill...