Prologue

158 61 5
                                    

" Daddy!"

Malamig na bangkay ng aking Ama ang sumalubong saakin sa isang lugar kung saan siya pinahirapan at pinatay. Kanina ay tumatawag pa si Papa saakin, napakalambing pa ng boses niya at nagbibiruan pa kaming dalawa, pero bakit malamig na katawan na niya ngayon ang makikita at sasalubong saakin?

" May limang tama po siya ng baril Ms. Glissando, pati ang mga guwardiya niya ay may mga tama din, siguro po ay sinet-up po ito at inabangan sila sa lugar na ito para patayin." Hindi maubos ubos ang luha sa aking mga mata habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga imbestigador na tinawagan nila Mama. Si Mama naman ay iniuwi nila dahil halos mawalan na siya ng malay kanina nang makita si Papa na wala ng buhay.

Hawak ko ang kamay ni Papa. Malamig na iyon at may bakas pa ng dugo niya, pero wala akong pakialam.

" Kahit na dalhin po natin siya sa Ospital ngayon, dead on arrival parin po ang kalalabasan, tumawag na din po ako ng mag aasikaso sa katawan ng Papa mo, Ms. Azariah." Kahit na tumango ay hindi ko magawa, nakatingin lang ako sa Papa ko na pikit na pikit na ang mga mata, duguan na ang damit niya, at unti unti ng nag iiba ang kulay ng katawan nito.

Sino ang gagawa nito sa Papa ko? Sino ang taong kayang kumuha ng buhay ng iba? Sino sila sa tingin nila at kaya nilang ganituhin ang Ama ko? Anong kasalanan ng Ama ko at kailangan nila siyang bawian ng buhay?

" Tumawag kayo ng Abogado, iyong magagaling, handa akong magbayad kahit magkano, basta malaman natin kung sino ang pumatay sa Papa ko." Matigas na sambit ko, tumango naman ang lalaking kanina pa nasa tabi ko at saka siya umalis para sundin ang iniutos ko dito.

Ilang minuto lang ay may dumating ng mga mag aayos sa katawan ni Papa at sa magiging burol nito, hindi ko pa alam kung saan namin siya ibuburol, siguro ay doon nalang sa simbahan malapit saamin.

" Anak? Nasaan na ang Papa mo? Gusto ko siyang makita." Hagulgol ni Mama sa telepono ang sumalubong saakin nang sagutin ko ang tawag niya. Hindi ko din mapigilang maluha dahil sa naririnig kong hirap ni Mama habang nasa bahay lang at walang magawa kundi ang umiyak at magluksa sa sinapit ng Ama ko.

Pigil ko ang hikbi ko habang nakikipagusap kay Mama.

" Kinuha na po ang bangkay ni Papa, Ma. Sa malapit na simbahan nalang natin siya ibuburol, para narin hindi madumog si Papa doon." Tumingin ako sa sasakyan kung nasaan nila inilagay ang katawan ni Papa. Unti unti silang umalis, naiwan ang mga Pulis na narito kasama ko sa pinangyarihan ng krimen.

" Hindi ko mapapatawad ang gumawa sa Papa mo nito, Anak. Nangako sa akin ang Papa mo hindi niya tayo iiwan, pero bakit ganito ang sinapit niya?" Hagulgol nanaman ni Mama ang kasunod ng mga salita niya. Napailing nalang ako, kailangan kong maging malakas ngayon, dahil wala na si Papa, ako na ang kailangang magbantay kay Mama at sa negosyo namin, ako na ang aako ng responsibilidad na dapat si Papa ang gagawa kung hindi lang nila kinuha ng maaga ang buhay ng Papa ko.

" Ma, tatawag ako kapag pauwi na ako, okay? Baka bukas pa ang dating ni Papa sa paglalagyan ng katawan niya diyan. Kakausapin ko po muna ang mga Pulis na narito." Pagpapaalam ko kay Mama. Umiiyak parin ito sa telepono.

" Mag iingat ka, Anak. Baka nasa tabi tabi pa ang mga taong gumawa sa Papa mo niyan."

" Mag iingat po ako, Ma. Mahal na mahal ko po kayo."

Ibinaba ko ang tawag at saka ako nagpunas ng aking mga luha. Naglakad ako palapit sa mga Pulis na hindi pa tapos imbestigahan ang mga natitirang ebidensiya na narito sa tabi namin.

" Ms. Azariah, mga bala ng baril lang naman po ang nakuha namin, limang tama nga po ang nakuha ng Papa mo, tag iisa naman sa mga guwardiya at driver na kasama ng Papa mo sa sasakyan niya." Tumingin ako sa gilid ng kalsada kung saan bakas parin ang mga dugo ni Papa at mga kasamahan niya sa sahig. May mga bala nga na nagkalat sa sahig at hindi ito ginagalaw ng mga Pulisya.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon