Chapter 25

46 29 1
                                    

" Congratulations, Mrs. Glissando, after a month, natapos na ang kaso ni Gideon."

Nakipag kamayan ako kasama si Mama sa mga Abogado namin na narito sa loob ng korte. Ngumiti ako sa kanila.

" Thank you, Mr. Madrigal, Mr. Visitacion, and Mr. Isolde, hindi ko magagawa ito kung wala kayong tatlo." Sambit ko sa kanila. Umiling sila sa sinabi kong iyon.

" Matagal na kaming nagsisilbi sa Papa mo, ngayon pa ba kami bubuwag sa pamilya ninyo?" Niyakap ni Mama ang mga Abogado namin. Nakahawak sila sa mga suitcase nila at saka mga papeles.

Tumingin ako kay Damian na kasama ang Mama niya.

" Nagpahanda ako ng pagkain sa bahay, magkita tayo doon mamaya, mauuna na ako sa sasakyan." Nagpaalam na si Mama sa mga Abogado na kaharap namin. Kasama niya sina Matilda at Keily, naiwan naman ako sa kanilang tatlo.

" You're so brave, Azariah. I really like your attitude. Alam kong masaya ang Papa mo kung nasaan man siya ngayon, ipagpatuloy mo ang pagiging matapang mo." Sambit niya. Ngumiti naman ako sa sinabi nila.

Tinignan ako ng mga guwardiya ko,kaya alam kong nakahanda na ang sasakyan namin paalis sa korte. Hindi ko naman nabibigyan ng atensiyon ang Mama ni Damian. Alam naman niya na may kasalanan talaga ang Asawa niya kaya hindi siya nagsalita mula kanina pa. At saka pinatapos niya lang ang hearing. Akala ko nga ay aatungal siya kanina. Hindi naman.

" Mauuna na po ako, magkita nalang po tayo sa bahay mamaya. Maraming salamat po."

Tumango sila at saka sila ngumiti sa akin. Nadaanan ko sina Damian at ang Mama niya. Gusto sana akong hatakin ni Damian kaya lang ay hindi ko muna siya pinansin.

" Ms. Glissando." Napahinto ako sa babaeng tumawag sa akin. Nanigas ang mga paa ko sa aking kinatatayuan, at saka ako dahan dahang umikot para harapin ang kung sinong tumawag sa akin.

Tinignan ko siya sa mga mata nito. Nakakulay itim siyang damit at saka nakasalamin din.

" What's the matter, Mrs. Fuenmayor?" Tanong ko dito. Tumingin siya kay Damian at saka siya tumingin sa akin.

Nagtaas ako ng kilay.

" I want to talk to you privately-"

" The case is done, and we're done also, Mrs. Fuenmayor. I don't want to see you anymore." Matigas na sambit ko dito. Yumuko siya sa sinabi ko. Hinila niya ang aking braso, wala akong nagawa doon, kaya naman nagpaubaya  ako kung saan niya gustong pumunta para kausapin ako.

Nakasunod naman sa akin ang mga guwardiya ko at naroon din naman si Damian kaya hindi ako natatakot, at saka nasa likod lang kami ng korte kaya alam kong wala siyang masamang balak sa akin.

" I'm really sorry for your-"

" Kailangan nating gumawa ng bagong kasulatan para mabago ang nasa papeles na iyon, kapag natapos na iyon, kung gusto ninyo ay magbibigay ako ng pera sa inyo para tantanan niyo na ang pamilya namin." Sambit ko. Umiiling iling naman siya sa sinasabi ko.

Nakita ko ang tulo ng kaniyang luha sa mata, tinanggal niya ang salamin niya.

" Kung iyan ang gusto mo, papayag ako sa bagong kasulatan, pero hindi ko tatanggapin ang pera-"

Pumalakpak ako.

" See? Don't be shy, Mrs. Fuenmayor, I know it's all about our money, that's why your husband did this to my Father." Sambit ko. Lumapit na si Damian nang tumaas na ang tono ng aking pananalita. Wala akong pakialam, dito ko susubukan kung sino nga ba ang kakampihan at susundin ni Damian sa aming dalawa.

I bet, he'll choose his Mother over me.

" I am really sorry, I think this is not the right time to talk to you, Celestine. But, thank you for approaching me."

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon