Chapter 20

44 27 1
                                    

" Ito ba iyong Building nila, Matilda?"

Tanong ko dito. Tumingin ako sa Building na kaharap namin. Well, malaki nga. Pero mas malaki pa rin ang sa amin. Nakakalula kung tititigan mula sa itaas. At saka panay salamin din, kita ko nga ang logo na nakita ko doon sa lugar na iyon bilang ebidensiya. Kinuhanan ko ng litrato iyon.

" Yes, Ma'am. Nagsimula itong itayo nang malagdaan nila ang kasulatan na nasa iyo. Dito din nagta trabaho ang Anak nila, siya na ngayon ang CEO dito." Naka disguise ako ng damit. Iyong hindi ako magmumukhang CEO, naka outfit lang ako ng pang Sekretarya at saka pinahiram kami ng kakilala dito ni Matilda ng pekeng ID para makapasok. Nagsalamin din ako para hindi makilala ang mukha ko.

Nang makatapak kami sa pwesto ng Guard ay nagpirma kami. Ibang pangalan ang inilagay namin. At saka na kami pumasok, mabuti at hindi ako namukhaan, umiiwas din kasi ako ng tingin sa kanila kaya hindi nila nakikita ang mga mata ko.

" Sa pinakataas na Building po ang Opisina ng Anak nila. Siya nalang ang narito, hindi na tumatapak dito ang Papa niya, matagal na panahon na." Bulong sa akin ni Matilda. Matiwasay kaming naglalakad. Ang mga tauhan ay walang pakialam sa pagdaan namin, mabuti kung ganoon.

Naka focus sila sa mga ginagawa nila. Ang iba naman ay aligaga, at ang iba ay kumakain. Malaki nga ang Building na ito, dahil marami pang espasyo ang hindi okupado sa paligid, at saka maganda ang view nila sa mga bintana.

" Paano pala tayo makakapasok sa opisina niya? Anong ipapakita natin?" Maingat na tanong ko dito. Kailangan ay hindi kami maririnig na nag uusap dahil tahimik ang buong lugar, baka makatunog sila.

" Naroon po sa pinakataas na bahagi ng building na ito nagtatrabaho ang Pinsan ko, bibigyan niya tayo doon ng pekeng papeles." Tumango ako. Nang nakasakay kami sa elevator ay saka lang ako nakahinga ng malalim. Walang ibang tao, kami lang ni Matilda.

Lumabas kami ng elevator ng tumunog ito at bumukas. Sumalubong sa amin ang Pinsan niya at saka kami binigyan ng papeles. Nagtanguan naman kaming dalawa, magkikita kami mamaya sa likod ng building, hindi alam ni Mr. Madrigal na ginagawa ko ito, kahit na si Damian.

Kumatok si Matilda. Kinabahan naman ako, hindi ako pwedeng kumuha ng litrato, kaya paano ko ito ipapakita kay Mr. Madrigal mamaya?

Bumukas  ng kusa ang pintuan, at saka kami pumasok. Malaki ang loob ng opisina. At saka maaliwalas. Nakasara ang mga kurtina sa paligid at madilim ang ibang sulok ng opisina. May sofa din na nakaharap sa pintuan at saka ang upuan sa lamesa ay nakatalikod.

" Sir, may ibibigay po sana kaming papeles-"

" Put it there." Kinuha na din ni Matilda ang sa akin, at saka niya inilapag sa may lamesa nito. Hindi ko mahanap ang pangalan niya sa lamesa. Kailangan kong mahanap iyon.

Karamihan ay may pangalan na nakalagay sa lamesa nito, kaya lang wala ang sa kaniya. Alam ba ng mga tauhan niya ang pangalan niya? Bakit hindi siya nagpapakita?

" You may go." Sambit niya. Naunang lumabas si Matilda. At nang lalabas na din ako ay biglang sumara ang pintuan, kaya naman naiwan ako sa loob kasama ang lalaking ito.

Katapusan ko na ba?

Humarap ako sa lalaking nasa lamesa at hindi parin ipinapakita ang mukha niya. Inalis ko na din ang mga pekeng gamit ko para sa pagpapanggap na ito, narito naman na ako kaya lulubos lubusin ko na ang pagpunta ko dito.

" Matagal na kitang hinahanap, bakit ngayon ka lang nagpakita?" Sambit ko dito. Hindi siya nagbigay ng kahit na anong reaksiyon, nanatili siyang nakatalikod sa akin. Kaya naman mas lalo akong lumapit sa kaniya. Kahit na takot na takot ako, baka kasi may baril siya at bigla akong patayin, wala din lang.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon