" Ma, sinabi ko po kina Matilda na dito na dalhin ang mga papeles sa bahay."
Pagpapaalam ko kay Mama, kailangan ko naman talagang pumasok ngayon. Hindi nga maganda ang pakiramdam ko. Siguro ay binabagabag ako ng kung ano. Pero hindi ko nalang pinapansin, mas importante ang mga gagawin ko ngayon.
" Anak, ang mga bilin ko sa iyo, mag iingat ka, hindi biro ang kinakaharap mo ngayon." Alalang sambit ni Mama sa akin. Ngumiti ako sa sinabi niyang iyon. Niyakap ko si Mama at handa ng magpaalam.
" Opo, Ma. Hindi ko naman po nakakalimutan. Aalis na po ako-"
" Kasama mo ba si Damian?" Napalunok ako sa sinabi ni Mama. Well, unang araw pala na hindi ko kasama si Damian na pumasok sa opisina ko.
Umiling ako at saka ngumiti.
" Hindi po."
Van ang sinakyan ko papunta sa opisina. Wala namang nangyaring masama sa akin habang nasa byahe ako, baka kasi alam nilang wala akong kasama tapos saka sila susugod. Doon na siguro ako mamamatay.
" Good morning, Ma'am Azariah, naipasa ko na po ang mga papeles na napirmahan ninyo noong isang araw. Naibigay ko na din po kay Keily ang mga papeles na ibibigay niya kay Ma'am Demetria sa bahay ninyo." Tumango ako. Tinignan ko isa isa ang mga tauhan ko. Hindi sila makatingin sa akin ng diretso. Kung may traydor nga dito sa opisina, sino naman kaya? Ilan sila? Kailan pa sila nakapasok dito, at saan sila nanggaling?
" All of you, I need you in the meeting room, now." Tumingin silang lahat sa akin. Hindi ko sila pinansin, nauna akong naglakad papunta sa meeting room. Kasunod ko si Matilda, kaming dalawa ang nauna dito. Naghihintay kaming pumasok silang lahat.
Umupo ako, ipinabukas ko ang mga bintana, para mas maganda ang view.
" Bakit niyo po sila pinatawag, Ma'am?" Tanong ni Matilda sa akin habang isa isang pumapasok ang mga tauhan ko. Tumingin ako sa kaniya.
" Sinabi sa akin noong lalaki sa ospital kahapon na may espiya daw dito sa opisina, kaya gusto ko silang tanungin kung kilala nila o kung sino iyon."
Nang makarating na sa meeting room ang lahat ng tauhan ko ay saka na ako tumayo para magsalita. Nakatingin naman silang lahat sa akin.
" Ipinatawag ko kayo dahil may nalaman akong impormasyon na may mga tauhan daw akong kasabwat ni Fuenmayor. Gagawin ko itong mabilis. Kung kilala ninyo ang espiya na narito sa loob ng building na ito, sabihin ninyo sa akin." Agad silang nagbulungan. Tinitignan ko ang mga kilos nila. Si Matilda naman ay nasa gilid ko lang at tinitignan din ang mga tauhan kong nagbubulungan at naguusap kung sino nga ba ang taong iyon.
May nagtaas ng kamay.
" Ma'am, mayroon po dati. Umalis na po siya dito sa building na ito, matagal na. Nasa probinsiya na po siya nakatira ngayon at nanahimik na." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi nila sa akin.
" Paano ninyo nasabi na espiya ang lalaking iyon? Saan siya matatagpuan? At ano ang pangalan niya?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
" Si Mr. Glissando po ang nakahuli sa lalaking iyon noon. Alam po ng lalaking iyon kung sino ang pumatay sa Papa mo, at kung ano ang pangalan ng anak nila. Christian po ang pangalan niya."
" Alam niyo ba ang address niya?" Tumango siya. Sinulat niya iyon sa papel at saka iniabot kay Matilda. Kinuha ko iyon sa kamay niya.
" Kung wala na kayong alam tungkol sa tanong ko, makakalis na kayo. Maraming salamat dito."
Umalis sila isa isa. Naiwan ako at si Matilda. Hinawakan ko ang ulo dahil sa biglaang pagsakit nito. Hinawakan naman ni Matilda ang aking likuran.
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...