Chapter 15

47 30 1
                                    

" Dami!"

Tawag ko kay Damian nang magkita kami. Nakangiti ako sa habang papalapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya nang magkasalubong kami.

" Stop calling me that, I hate it." Madiin na sambit niya. Umiling ako, at mapang asar ko siyang tinignan. Tumatawa ako habang tinitignan ang namumula niyang mukha at tainga dahil sa inis dahil sa pang aasar ko.

" Saan pala tayo pupunta? Akala ko ay isasama mo ako sa kung saan?" Tanong ko. Tumango siya at saka nag seryoso.

Tumingin ako sa kaniya ng mataman, umiwas naman siya ng tingin sa akin.

" Gusto ko lang na kumain tayong dalawa sa labas, o kaya naman ay pumunta tayo sa Mall?" Nag isip ako. Wala akong panahon sa mga ganiyong mga bagay, pero gusto ko ding maranasan na makapunta ulit ng Mall at makapamili ng mga gamit ko. Matagal akong mag shopping, kaya baka mainip din siya, nag isip ako ng bagong pupuntahan naming dalawa.

Hindi pa kami nakakaalis ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Keily.

" Ma'am, si Bianca at Alfred, patay na!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya sa akin. Nabitawan ko ang aking bag at saka ako napaupo sa upuang narito.

Agad akong inalalayan ni Damian, nakatingin lang siya sa akin.

" Kailan? Saan nila nahanap? Sinong pumatay? Paano?" Sunod sunod na tanong ko, dinig ko ang buntong hininga niya sa telepono. Kagat kagat ko ang aking labi habang naghihintay ng sagot niya.

" Nasa Ospital na po sila, naroon din po ang Pulisya, mas delikado po kung sa pinangyarihan ng krimen kayo pupunta, itetext ko po ang pangalan ng Ospital." Malungkot ang boses ni Keily. Pinatay na niya ang tawag. Hinintay kong tumunog ang cellphone ko para sa mensahe ni Keily sa akin.

Napasabunot ako sa aking buhok. Bumuntong hininga ako. Bakit? Sino ang pumatay? May espiya ba sa loob ng Opisina kaya nila nalaman na nagsalita sila Alfred at Bianca sa akin kahapon? Dapat ngayon ay kasama na nila ang mga Guwardiya nila, bakit patay na sila kaagad? Saan sila pinatay?

Shit! 

Hindi ko kaya.

" Kailangan kong pumunta ng Ospital, alam kong takot ka doon, kaya ako nalang ang pupunta, pahatid nalang ako doon." Nagmamadali kong sambit kay Damian, kinuha ko agad ang aking bag at saka ang telepono ko. Hinigit ni Damian ang palapulsuhan ko.

Tinignan ko ito.

" Bakit ka nagmamadali? You are wearing some heels. Baka masugat ka."

" Namatay iyong mga taong kasama ko sa Board kahapon, tinanong ko lang naman sila tungkol sa alam nila sa Pamilya Fuenmayor." Halos mapapadyak na ako sa aking kinatatayuan. Tumango lang si Damian.

Inayos niya din ang kaniyang damit, at saka hinawakan ang kamay ko.

" I'll come with you."

Iyakan ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa Morgue. Naroon ang mga Pamilya nila Bianca at Alfred.

" Sino ba kasi ang nagtanong ng ganoon sa Anak ko para patayin siya ng ganito at pahirapan!" Sigaw ng isang Babae, siguro ay Nanay ng isa sa kanila. Naroon din si Mr. Madrigal, sinalubong niya ako, pati si Keily naroon din.

Nang makita ng mga Pamilya ni Bianca at Alfred na naroon ako sa likuran nila ay agad akong sinunggaban ng isang Babae. Mabuti nalang ay mabilis ang kilos ni Mr. Madrigal at Damian. Iniharang ni Mr. Madrigal ang kamay niya sa Babae at humarang naman si Damian sa harapan ko, hindi din lang gumana dahil nagkaroon ako ng sugat sa aking kaliwang braso, dahil ito sa kuko ng Babae.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon