" Ma'am Azariah, tara na po?"
Tanong sa akin ni Matilda. Ngayon ang libing nina Bianca at Alfred, pati ang Nanay nito. Mamaya naman ay pupunta ako sa Ospital para kausapin ang lalaking nakita ko kahapon.
" Where's Dami?" Nagtaas ng kilay si Matilda sa sinabi ko.
Tumawa ako.
" I mean, where's Damian?" Tanong ko. Tumango naman si Matilda sa agarang sagot ko dito. Tinuro niya ang kotseng naka park sa harapan ng Building. Agad akong tumakbo papunta doon, at saka ko kinatok ang pintuan ng sasakyan niya.
" Damian! Let's go-"
Napaatras ako ng makitang nagpapalit siya ng damit. Bumukas naman ang bintana, hindi niya nalang sana ginawa. Nakabukas ang lahat ng butones ng puti niyang polo, siguro ay isasara niya palang ito.
Napahawak pa ako sa aking dibdib.
" I'm sorry, hindi mo naman sinabi na nagpapalit ka! Nakakainis!" Sigaw ko. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya. Sumenyas ako kina Matilda na sumunod sila sa amin. Doon na si Matilda sa Van sasakay kasama ang mga bantay ko, dito na ako kay Damian.
Lagi naman.
" Kumatok ka, edi bubuksan ko. Ayaw kong maghintay ka diyan sa labas, mainit, tapos ganiyan pa ang suot mo." Tinignan ko ang suot ko. Kulay itim na dress. At saka itim ding heels. Naka sunglasses naman ako dahil mainit.
Nagdabog ako nang makapasok ako. Binalibag ko pa ang pintuan. Tumawa naman siya.
" Ganito naman talaga, dapat kapag makikilibing ka, nagpapaganda ka parin."
Maraming tao nang dumating kami. May ibang naka itim, may iba namang nakaputi. Takaw pansin kami ng mga tao, dahil sa mga tauhan din na nakasunod sa likod ko. Isama mo pa ang kasama kong matangkad na lalaking ito, kaaya aya naman talaga ang mukha ni Damian. Agad kaming napansin ng mga kamag anak nila, nasa sementeryo na kami, hindi na ako sumama sa paglalakad papunta sa sementeryo, dineretso na ako dito ni Damian.
" Ma'am, may upuan pong naka reserba para sa inyong dalawa. Mamaya po ay kung may oras kayo, didiretso kayo sa bahay para mag meryenda." Nakipag beso beso ako sa Mama ni Bianca. Nagmano naman ako sa matatandang nakilamay na Pamilya nila.
" Pasensiya na po pero hindi kami makakapunta. Kung narinig ninyo po sa balita kahapon tungkol doon sa lalaking sumugod sa station kung nasaan ako, nakaligtas po siya, kaya naman bibisitahin ko siya sa Ospital kapag natapos ako dito." Tumango sila nang dahan dahan. Inasikaso nila kami, hindi ko alam paano nakarating ang ibang Media dito. Hinayaan ko lang dahil hindi naman nila ako ginagalaw.
" Pasensiya na po, Ma'am. Mainit po dito, magpapadagdag po ba ako ng electric fan?" Umiling ako.
" Ayos lang po ako, maraming salamat po."
Nagpaalam siya na aalis muna dahil sa ibang narito. May mga ibang kamag anak naman sila na naiwan sa harapan namin para tignan kami, hindi ko naman kailangan, pero malaking tulong.
" Damian, sasama ka pa ba mamaya sa akin?" Tanong ko dito. Tinignan niya ang mga mata ko, at saka tumango.
Ngumiti naman ako sa kaniya.
" Mainit ba masyado? Doon ka muna sa kotse, pinagpapawisan ka na-"
" O my god!" Naputol ko ang sasabihin ni Damian nang may lumapit sa aking Bata. Babae siya at mga nasa tatlo ang edad.
Wala pa ang pari kaya hindi pa nag uumpisa ang misa bago sila ilibing. Agad kong ibinaba ang bag ko sa katabing upuan at saka ko kinuha ang kamay ng bata.

BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...