Chapter 5

61 44 2
                                    

" May kilala ba kayong Fuenmayor ang apelyido?"

Sambit ko sa mga tauhan ko sa opisina. Agad naman na nagbulungan sila. Nang ilang minuto ay hinarap nila akong lahat.


" Wala po kaming kilalang Fuenmayor, Ma'am, sorry po." Bumuntong hininga ako. Paano ko hahanapin ang Fuenmayor na iyon?

Baka nasa mga papeles ni Papa noon?

" Ayos lang, maiwan ko na kayo." Tumakbo ako papasok sa opisina ko. Tinignan ko lahat ng drawer ni Papa, lahat ng papel na narito sa opisina niya na nakatago ay tinignan ko, hindi naman namin pinaalis ni Mama ang mga papel dito sa opisina kahit na wala na si Papa, baka magagamit namin ito kaya naman hindi namin itinapon.


May mga kahon pa na itinapon kami ni Mama noon, pero nasa bodega pa, hindi naman iyon importante wala din lang akong mahahanap doon. Siguro ay nandito lang iyon, o kaya naman ay kilala siya ng mga kasamahan ko sa Proyekto.


" Keily, tawagan mo ang mga kasamahan ko sa project na ginagawa ko ngayon, pakisabi na Urgent Meeting ito." Utos ko kay Keily.


" Sige po, Ma'am." Sagot niya.

Habang hinihintay silang dumating ay nagkalkal muna ako ng mga papel, mahigit isang oras akong naghahanap pero wala pa rin. Kaya naisipan kong doon ako sa bodega maghanap, baka makita ko sila sa mga naka kahon na mga papel na itinapon namin ni Mama.

Pumasok ako sa bodega. May isang tao dito, siya ang naglilinis at nag aayos dito, para mapanatiling maayos at hindi maalikabok ang bodega ko, kahit na tambakan lang ito at madalang magamit. Sa aking paghahanap, nakakita ako ng isang envelope na kulay gold ang kulay. Agad ko itong kinuha, at saka dahan dahan ko itong binuksan.

Nang buksan ko ito, isang kasulatan ang nakalagay dito. Binasa ko ng mabuti ang papel, halos malaglag ang panga ko sa nakita.

" 1.5 Billion?" Sambit ko sa aking sarili. Isa at kahalating Bilyon ang ipinautang ni Papa noon? Kanino? Paano?  Kailan? Napakalaking halaga nito, kaya bakit magpapautang si Papa ng ganito kalaking pera?

Nakita ko sa pinakadulong bahagi ng sulat ang pirma ni Papa. At sa kasunod nito.

Fuenmayor nga.

Lorenzo Santiago Fuenmayor.

At ang sulat na ito ay nilagdaan pa 15 years ago.


" What are you doing here?" Napabalikwas ako sa aking kinatatayuan dahil sa boses na narinig ko. Itinago ko ang papel sa aking likuran, nahanap ko na ang pangalan ng Fuenmayor na iyon. Ngayon, kailangan kong hanapin kung saan sila nagtatago.

Tinignan ko ang nagsalita, si Damian pala. Bakit laging sumusulpot ang lalaking ito dito? Hindi niya naman sabihin kung papasyal dito. Nagugulat ako sa kaniya.


" Damian! Bakit nanggugulat ka? Paano mo nalaman ang bodegang ito?" Sambit ko. Tumingin siya sa kung saan. At nakita ko si Matilda. Kumaway siya bago siya umalis. Isinara na ng lalaki kanina sa loob ang bodega nang makaalis ako. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakuha ko na kung sino ang ipapakulong ko, pero papaimbestigahan ko muna ang lalaking ito.

" Bakit naroon ka? May hinanap ka ba? Pawisan ka na." Hinawakan ko ang noo ko at leeg, basa na nga ako ng pawis, baka kailangan ko ng magpalit, at saka may Urgent Meeting nga pala akong ipinatawag. Baka naroon na sila.

Naglakad ako ng mabilis.

" Oo, may hinanap ako, mabuti nahanap ko kaagad, may meeting ako, saan ka na pala ngayon maghihintay saakin? Doon na ba sa opisina ko? O sa labas ng meeting room?" Tanong ko dito habang papasok kami ng opisina ko. Ibinaba ko muna ang papel na nakuha ko, nag ayos ako ng aking damit, nagpunas ako ng pawis, naglagay ako ulit ng make up sa mukha, at saka ko kinuha ang papel na hawak ko kanina.


Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon