" Ma'am, nahanap na po namin ang Business ni Fuenmayor."
Magandang balita ang sumalubong sa akin kinaumagahan. Mas lalo akong ginanahang maghanap ng impormasyon tungkol sa kaso ni Papa.
" Ano?" Excited na tanong ko sa kanila.
Nagtinginan muna silang dalawa ni Keily bago sila sumagot saakin.
" Business Man din po siya, Ma'am. At tama po ang nakita ninyong Papeles, may kasunduan nga po sila ng Papa mo." Nagtaas ako ng kilay. Umayos ako ng upo sa aking upuan at saka ko sila tinignan isa isa.
Mas lalo silang lumapit sa akin.
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Matilda.
" Ma'am, nakahanap kami ng kasulatan ni Keily, nakasulat doon kung ilan at magkano ang utang ng Fuenmayor na iyon sa Papa mo." Pambibitin ni Keily sa akin. Agad nag init ang ulo ko, bakit kailangan nila akong bitinin?
" Sabihin niyo na ng buo." Madiin kong sambit.
" Nagsisimula palang noon ang Bussiness ni Fuenmayor, umutang siya sa Papa mo ng mahigit dalawang bilyon, para magtayo ng Building, ang Building kung saan nagta trabaho at nagtatago si Lorenzo. Gaya ng nakita mong isa pang kasulatan, naroon nga ang petsa kung kailan dapat magbabayad si Fuenmayor kay Sir Gideon, kaya lang, nagkaroon sila ng Alitan, kaya naman, naisipan ng Fuenmayor na iyon na ipapatay ang Papa mo." Laglag ang panga ko habang nakikinig sa kanila.
Ano naman kayang alitan ang nangyari sa pagitan nila?
" Hindi niyo ba nabasa dito sa sulat kung anong alitan nila? Walang nakalagay?" Atat na tanong ko, pareho silang umiling. Napakamot ako sa uluhan ko. Kinuha ko ang envelope at itinabi ko ito sa bag ko.
" Salamat dito, magpahinga na muna kayo, ako na siguro ang hahanap ng paraan para makapunta sa Building ni Fuenmayor at hanapin kung ano ang naging alitan nila." Sambit ko. Tumango sila sa akin at saka yumuko bago nagpaalam.
" Salamat, Ma'am." Sinara nila ang pintuan ng opisina ko. Naiwan ako ditong mag isa. Nagikot ikot ako, nag iisip, hindi kaya dahil pinapatay nila si Papa ay hindi nila kayang bayaran ang ganoong halaga? O baka naman ayaw talaga nilang bayaran? May nalaman ba si Papa tungkol kay Fuenmayor na hindi dapat malaman kaya pinapatay nila si Papa para hindi siya makapagsalita? O makapagsumbong sa mga awtoridad?
Saan naman kaya nakalagay ang Building na iyon. May anak kaya ang Business Man na iyon?
" Ah!" Napahawak ako sa aking dibdib ng sumulpot si Damian sa aking harapan. Binato ko siya ng ballpen. Agad naman itong nakaiwas.
" What's the matter? Bakit gulat na gulat ka diyan? Kanina ka pa paikot ikot." Sambit niya. Umupo ako sa upuan ko, at saka ko tinitigan ang kasulatan na nasa loob ng envelope.
Tumingin ako kay Damian.
" Nakahanap ako ulit ng ebidensiya. Siguro mamaya ay babalik ako sa presinto o kaya naman ipapatawag ko nalang sila dito." Tumingin ako kay Damian, agad siyang umiwas ng tingin, nagtaka naman ako sa reaksiyon niya.
Tumayo ako at saka ako umupo sa sofa na kaharap niya.
" Bakit ka pala nandito? Hindi ka man lang nagtext sa akin, nagulat tuloy ako." Umayos siya ng upo.
Tinignan niya ako.
" May sasabihin sana ako, at saka aayain sana kitang lumabas." Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. Itinali ko muna ang buhok ko, wala namang tao, naiinitan din kasi ako.
" Saan naman?"
" I'll fetch you here later. Itetext kita kung malapit na ako dito." Tumango ako. Agad siyang umalis sa harapan ko. Agad akong napaisip. Saan kami pupunta?
![](https://img.wattpad.com/cover/280076410-288-k990849.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...