Chapter 14

42 31 1
                                    

" Salamat sa pagaalaga sa Anak ko, Mr. Madrigal at Damian."

Pagpapasalamat ni Mama nang makarating siya sa bahay at naabutan niya sina Damian at Mr. Madrigal. Ngumiti naman silang dalawa kay Mama.

" Kailangan ko na pong umalis, at may lakad pa kami ni Azariah bukas." Pagpapaalam ni Damian kay Mama. Umiwas naman ako ng tingin, iba din ang tingin ni Mama kay Damian, kaya naman hinila ko na siya at saka hinatid hanggang sa may pintuan. Si Mr. Madrigal naman ay kausap pa ni Mama.

Hila ko ang laylayan ng damit ni Damian habang papalapit kami sa pintuan ng bahay.

" Aalis ka na?" Busangot ko sa harap niya. Tumango siya. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti kaya tumitingala ako kapag titignan siya.

Nagpameywang siya sa aking harapan.

" Yeah, hindi ba pupuntahan pa natin kung saan ang pabrika nila? You have to rest, iiwan ko na din ang mga pinasunod kong Guwardiya kanina, para may bantay kayo dito." Sambit niya. Tinignan ko sa labas at marami ngang mga nakabantay sa amin. Ngumiti ako, maganda naman siguro ang tulog ko kahit na ganiyan sila karami diyan.

Niyakap ko si Damian, inilayo niya naman ang kamay niya para hindi mahawakan ang likuran ko.

" Thank you, Dami." Tumawa ako sa asar ko dito. Agad siyang kumalas at saka tinignan ako ng masama.

" What did you say?"

" Dami, that's your nickname for me. No one should call you that, only me, okay? Or maybe pang asar lang." Tumawa ako sa sinabi ko. Tumawa din naman siya.

Lumabas na siya ng pintuan, at saka na kumaway kina Mama. Tumingin siya sa akin bago niya halikan ang pisngi ko.

" Goodnight, hon."

Simple lang ang damit ko nang umalis ako sa bahay. Si Damian na mismo ang nagsundo sa akin, at saka siya na ang naging Driver ko, may nakasunod lang sa amin na bantay para daw sigurado.

" Bakit mo pala alam ang lugar kung nasaan ang Pabrika nila? Matagal mo na bang nakikita iyon?" Tanong ko. Lumingon siya sa akin, at saka siya nagsalita.

Sumandal ako sa upuan ko.

" May kilala akong nagta trabaho doon, kaya alam ko." Tumango naman ako.

Nang makarating kami doon ay halos walang katao sa labas. At walang pintura ang Pabrika nila. May mga sasakyan, pero baka sasakyan ng mga tauhan nila dito.

" Pwede ba tayong makapasok dito? Kahit na wala tayong letter ng may air?" Tanong ko. Sinisilip ko ang Guard na kanina pa nakatingin sa amin. Pawisan na din ako, dahil nakasilong lang kami sa lilim na narito, hindi pa kami makapasok.

Tinitignan ako ni Damian na nagpupunas ng pawis sa aking noo.

" You're sweating, let's go inside. Wear some mask, maalikabok doon sa loob dahil sa mga tela." Binigyan niya ako ng Mask ko. Isinuot ko ito, at saka kami pumasok, hindi kami sinita ng Guwardiya, tumango lang ang Guwardiya kay Damian at saka kami hinayaang pumasok.

Baka iyong Guard ang kakilala niya dito, kaya pwede siyang pumasok.

" Ito na ba iyon?" Malawak ang loob nito, marami ding nagta trabaho, naka mask silang lahat, ang iba naman ay nagaayos ng tela, nagbabalot ng damit na natapos na, at kung ano ano pa.

Hindi naman kami napapansin ng mga tauhan dito dahil masyado silang focus sa ginagawa nila.

" May Opisina dito, iyon ang Opisina ng Asawa ni Mr. Fuenmayor, kung wala siya sa loob ay pwede tayong pumasok." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kinuhanan ko ng litrato ang loob ng Pabrika, at ang iba pang sulok sulok na pwedeng gawing ebidensiya. Hindi naman kami napapansin ng mga tauhan kaya pwede kaming makapunta sa Opisina niya.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon