Chapter 3

71 52 2
                                    

" Gusto kong hanapin ninyo ang lalaki kahapon, Keily, iba ang kutob ko."

Halos hindi ako makatulog kagabi. Hindi maalis sa utak ko ang lalaking nakita ko kahapon. Masyadong iba ang dating niya sa akin. Hindi ako mapakali.

Damon Alistair?

" Ano po bang kailangan ninyo sa lalaking iyon, Ma'am?" Sinamaan ko sila ng tingin.

" Basta hanapin niyo, okay? Gusto ko mamaya ay narito na siya, kapag hindi ninyo siya mahanap, ako na mismo ang babalik sa lugar na iyon." Nagpaalam sila na aalis na. Naiwan ako sa loob ng opisina ko ng mag isa.

Inaliw ko ang sarili ko sa pagpipirma ng mga papeles. Marami sila kaya lang, masyado akong naaliw sa pagpipirma kaya naman natapos ko sila ng ilang oras lang. Tinignan ko na din ang opisina ni Mama, maayos naman na ang lahat, bukas ay babalik na si Mama dito. Tuwang tuwa nga siya kagabi nang ibalita ko sa kaniya na makakapag trabaho na siya ulit.

" Good Morning everyone. Pag pasensiyahan niyo na at hindi ako nakasama sa meeting kahapon, may kailangan akong tapusin." Sambit ko. Binati naman nila ako isa isa at saka sila bumalik sa mga upuan nila.

Hawak ko ang Laptop ko, ako na lang ang magpe presinta at makikinig. Wala naman ang mga Sekretarya ko dito.

" Hello, Ms. Azariah, as I was saying sa susunod na buwan na nga ang Launch ng ating bagong proyekto, bago, I'm sorry-- mawala si Mr. Glissando ay naayos naman na ang lahat kaya ang kailangan nalang natin gawing lahat ay paghandaan ang ilalabas nating bagong produkto." Tumango ako sa sinabi ng isang Board Member at kasama namin sa proyektong ito.

Halos ang lahat naman ay nakikinig at walang may balak magsalita o kaya naman ay magreklamo tungkol sa ginagawa naming proyekto. Mabuti naman kung ganoon.

" Sa susunod na buwan ay tiyak na maraming tatangkilik ng bago natin produkto. Nakikita ko nga sa mga komento ng tao sa ating mga social media sites na hindi sila makapag hintay sa ilalabas nating produkto na talaga namang pinaghandaan ng bawat isa." Nag ngitian kami sa isat isa. Maganda naman talaga ang produkto na ginawa namin, at higit sa lahat, hindi tinipid ang mga materyales na ginamit namin dito. Ilang buwan namin itong pinaghandaan at alam kong hindi kami papalpak dito.

" Sa mga susunod na linggo na ulit natin pagusapan kung anong klaseng pagbubukas at paghahanda para sa bago nating ila- launch na proyekto tayo mag usap usap, sa ngayon, kailangan nating lahat ng pahinga at tulog dahil sa hirap na dinanas natin para dito." Tumawa sila sa sinabi ko. Tumayo na ako, kailangan ko pang bumalik sa lugar kung saan ko nakita ang lalaki, ito na ang huling araw kung kailan ako babalik doon, kahapon ay pangalawang beses na akong kamuntik muntikang mamatay, kaya hindi ko na hahayaang pumangatlo pa sa mga susunod na araw at ngayon.

" Mag iingat po kayo, Ms. Glissando."

" Maraming Salamat."

Kinuha ko agad ang gamit ko, iniwan ko naman ang Laptop ko sa opisina, bago ako nagdiretso sa labas para sumakay na sa Van, susunod ako doon ng hindi alam ng mga Sekretarya ko.

" Lumabas ka na! Mapapatay kami ng Amo namin kapag hindi ka nagpakita!" Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit sa narinig kong sinabi ni Matilda at Keily. Bakit hindi nalang sila magsalita ng maayos at hanapin nalang ng tahimik?

" Matilda! Keily! Anong klaseng pagtatawag yan!" Sigaw ko sa kanila habang pababa ako ng sasakyan, pumalibot nanaman at nagkalat ang mga guwardiya ko na may mga dalang armas. Nagulat ata sila sa pagdating ko, kaya naman nanlalaki ang mata nila.

Lumapit ako sa kanila.

" Ma'am, hindi naman po kasi lumalabas, ikaw ata ang kailangan, tsaka malayo layo ang mga bahay dito, hindi namin siya mahanap, nalibot na namin ang bawat bahay dito, walang may pangalan na Damon." Reklamo ni Matilda. Tumango nalang ako.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon