" Baby.."
Napalingon ako sa pintuan. Agad akong napahawak sa aking dibdib at saka tumayo ng makita si Damian na nakatayo sa pintuan ng opisina ko. Madilim ang mga mata at nag iigting ang panga.
Kinabahan ako.
" Damian? What are you doing here? Gabing gabi na, pauwi na din ako-"
" Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? May araw palang, tumatawag na ako sa iyo." Madiin at malamig na sambit niya sa akin. Kinuha ko ang bag ko, tapos ko na lahat, mamaya ko nalang ipapaalam kay Matilda na maayos na ang lahat.
Itinulak ko ang upuan ko paatras para maayos na ang lamesa.
" Tumatawag ka ba? Hindi ko hawak ang telepono ko mula kaninang umaga kasi kasama ko si Mama." Umiwas siya ng tingin sa akin. Tinignan ko ang telepono ko. Kahit naman alam kong tumatawag siya kanina, talagang ayaw ko lang sagutin. Akala ko siya na kanina ang kumakatok, kaya naman excited ako.
Ipinakita ko sa kaniya ang telepono ko. 100+ missed calls.
" Hindi mo ba narinig ang balita? Akala ng mga tao patay ka na." Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Kinuha niya ang telepono ko at saka may ipinakita doon, kinuha ko pabalik ang telepono ko at binasa isa isa ang mga balita at article na narito.
" Isang Bussiness Woman ang natagpuang patay, inaakala ng sangkatauhan na ito ang Anak ni Mr. Glissando na si Celestine Azariah Glissando na isa ding Bussiness Woman at nagmamay ari na ngayon ng Kompanya ng kaniyang Ama."
Napatawa ako sa nabasa. Pinatay ko ang telepono ko at saka tinignan si Damian.
" Damian? I am alive. I am happy today. Bakit naman ako mamamatay? At saka paano ako mapupunta sa lugar na iyon?" Tawa ko. Umiiling iling pa ako at hinahawakan ko pa ang aking tiyan sa lakas ng tawa ko. Tumigil lang ako ng makita kong masama ang tingin sa akin ni Damian at nagiigting parin ang panga niya.
Tinaasan ko siya ng kilay.
" What? Bakit ganiyan ka makatingin?" Tanong ko.
" I am fucking worried, Celestine Azariah, and you're just laughing at me? Unbelievable." Sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Hinawakan ko ang braso nito, at saka ko kinuha ang kamay niya para hawakan ang akin.
Nagtaka naman ang mukha niya.
" I am fine, Damian. You don't have to worry about me-"
" Paanong hindi ako magaalala sa iyo? Buong araw, buong oras, ikaw ang laman ng isip ko. Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag, pero hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita. Mas lalo akong kinabahan kanina ng nalaman ko ang balitang iyon at hindi kita matawagan, akala ko wala ka na." Ramdam ko ang galit niya, ngunit malumanay parin ang boses nito, iyong hindi niya ako kayang pagtaasan ng boses.
" Damian, I am safe. Alam kong tumatawag ka kanina. Pero hindi ko sinagot. Alam mo ba kung gaano ako ka excited kanina noong may kumatok? At alam kong ikaw iyon, kaya lang ay si Mama ang pumasok, nawala lahat ng nararamdaman kong tuwa, kaya nagtatampo ako sa iyo!" Sambit ko. Tumingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang mga siko ko, maingat at magaan ang mga kamay niya.
Tumingin ako doon. Bago nagtama ang mga mata naming dalawa.
" May inasikaso ako. Kaya hindi ako nakapunta at nakatawag sa iyo." Paliwanag niya. Tumango lang ako sa sinabi niya.
Tumingin ako sa pintuan at saka ako lumingon kay Damian.
" Gusto ko ng umuwi, kanina pa ako nagpipirma-"
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...