Chapter 9

55 39 1
                                    

" Pasensiya na, hindi ko talaga alam ang Apelyido niya, Glissando na lang ang ilagay mo riyan."

Ngumiti sa akin ang Nurse at saka siya umalis dala ang logbook niya. Mula kagabi ay wala naman na ang init ng katawan ni Damian kaya pwede na daw siyang makauwi ngayon. Nagpalipas lang kami ng gabi dito sa Ospital para makasiguro ako sa kalagayan niya.

" Damian, huwag ka munang magta trabaho, at saka magpahinga ka muna sa bahay mo ng ilang araw." Sambit ko dito. Nakatingin lang siya saakin habang nag aayos ako ng gamit. Maya maya pa ang dating ng mga kasambahay niya, hindi naman pwedeng iasa ko lahat ito sa kanila. Ilang damit lang naman ang nagamit ni Damian.

Ngumiti ako dito.

" Pangalawang beses mo palang ngumingiti saakin, Azariah." Sabi niya. Agad akong nagtaas ng kilay sa sinabi niya. Tumawa naman ako ng mahina dahil doon.

" Simula ng nawala si Papa, hindi na ako masyadong ngumingiti, ayaw ko ng maging mabait sa tao, baka ganoon din ang ikamatay ko katulad kay Papa." Nagtaas siya ng kilay sa sinabi kong iyon. Nakaupo na siya sa kama niya, wala na din ang dextrose sa kaniyang kamay, nagpapahinga nalang siya.

Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya.

" Anong kinalaman ng pagiging mabait ng Papa mo sa pagkamatay niya noon?" Umiling ako. At saka ako tumingin sa bintana na malapit sa kama ni Damian.

Nakatingin lang siya saakin.

" Nakakita ako ng isang sulat doon sa bodega, kasunduan iyon. Nakautang ng malaki iyong Fuenmayor na iyon kay Papa, at nakasulat din doon kung kailan dapat bayaran." Tumango siya. Dumating ang mga kasambahay niya at Guwardiya ko, pero nanatili parin kami dito sa kwarto niya, nauna na ang mga gamit nito sa sasakyan.

Tumayo si Damian.

" Kailan?" Takang tanong niya.

" November 12, 2020, iyon ang petsa kung kailan dapat magbabayad ang Fuenmayor na iyon. November 20, 2020 namatay si Papa. Sa tingin mo, ano ang  iba pang rason bakit nila pinatay si Papa?" Nag init ang ulo ko sa sinabi kong iyon. Nauna na akong umalis sa harapan niya at sumakay sa kotse.

Si Damian naman ay kasama ng mga kasambahay niya. Pumikit ako at inilagay ko ang aking salamin sa mata at saka ako sumandal sa upuan para matulog.

Nang makarating kami sa bahay nila Damian hanggang kaninang pagalis namin sa Ospital ay walang nang istorbo sa akin. Nakatulog nga ako, kahit ata si Damian, dahil dalawa nalang kaming narito sa Van. Wala na ang mga gamit at mga kasama namin dito.

" Are you awake? Aalis na ata kayo." Sambit niya. Agad kong tinanggal ang sunglasses ko at tumingin sa kaniya. Nakasandal din siya sa upuan niya at nakatingin sa akin.

Umayos ako ng upo at saka ko inayos ang tali ng buhok ko.

" Ayos ka bang mag isa diyan? I mean, baka bumalik ang sakit mo." Sambit ko. Hindi ko siya tinitignan. Narinig ko siyang tumikhim, na guilty ako sa ginawa ko.

" I think so, galit ka ata saakin dahil sa tanong ko kanina. Makakaalis ka na." Malamig na boses niya ang sumalubong sa akin. Napalunok ako doon. Nauna akong bumaba ng Van at saka sumunod siya.

Nasa labas ang mga kasambahay ni Damian, kahit na ang mga kasama ko, pagbukas ko ng pinto kanina ay nginitian nila ako. Nang makababa si Damian ay ibinalik ko ang salamin sa mata ko.

" Kayo na po ang bahala kay Damian, aalis na ako." Bumalik at sumakay ako sa sasakyan ko ng hindi tinitignan si Damian, pero ramdam kong nasa akin ang mga tingin niya.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon