Chapter 4

60 46 3
                                    

" Magandang lead yan, kailangan mong alamin ngayon kung sino ang kasama nila dati na ngayon ay bumitaw na sa proyekto nila."

Nabubuhayan ako ng dugo sa tuwing naaalala kong malapit ko ng mahuli ang salarin sa pagkamatay ni Papa sa loob ng ilang buwan. Hindi na din makapaghintay si Mama na malaman ang taong gumawa niyon sa pinakamamahal niya.

" Ano pa ang kailangan kong gawin? Patuloy ang paghahanap ng mga Sekretarya ko sa mga negosyong may kinalaman sa ganitong logo." Sambit ko. Tumango naman sila sa sinabi ko.

Pinarinig ko sa kanila ang recorded na usapan namin ni Damian. At naniwala naman sila kaagad na totoo ang sinasabi ng lalaking kasama ko kahapon. Gusto niya ngang magkita kami ulit at ipupunta naman daw niya ako sa opisina niya. Gusto ko mang pumayag, kaya lang ay masyado akong abala sa pagtatrabaho at paghahanap ng iba pang ebidensiya.

" Patuloy mo lang kausapin ang lalaking iyon, mukhang madami siyang alam, kung saka- sakali ay baka siya pa ang katulong mo para malutas ang kaso ng Papa mo." Nagtaas ako ng kilay at saka ako bumuntong hininga. So kailangan ba ay sasama ako sa lalaking iyon? Para gumaan ang loob niya sa akin at ikwento niya saakin lahat ng nangyari kay Papa bago nangyari ang aksidente at ang nangyari noong mismong aksidente?

Titignan ko.

" Maraming Salamat sa tulong, pasensiya na sa biglaan kong pagtawag, Mr. Madrigal, masyado akong natuwa sa nakuha kong ebidensiya." Tumawa sila sa sinabi ko.

" Makakaasa ka sa amin, Ms. Glissando, tauhan na kami ng Papa mo noon pa man, hindi ka din namin pababayaan."

Sumakay ako sa kotse, at bumalik ako sa opisina, pagbalik ko doon ay naroon na si Damian at nakaupo, naghihintay saakin. Lagi nalang siyang naka Tuxedo, minsan naman ay tinatanggal niya ang coat niya, baka naiinitan siya kung minsan.

Tumayo siya nang makita niya ako. Ibinaba ko naman muna ang bag ko, bago ako lumapit sa kaniya para bumati na din.

" Kanina pa kita hinihintay." Hinapit niya ang beywang ko at saka niya hinalikan ang pisngi ko. Hindi ko alam pero kumportable ako kapag ginagawa niya ang bagay na iyon, tuwing magkikita kami at magpapaalam na sa isa't isa.

Ngumiti ako sa kaniya.

" Bakit pala napaaga ka dito? Ngayon mo na ba ako isasama sa opisina mo?" Sambit ko. Tumango naman siya, nangunot ang noo ko nang hawakan niya ang labi niya habang nakatingin saakin.

" Did you just smile at me?" Sambit niya. Nagtaka ako sa sinabi niya. Naalala kong hindi nga pala ako mahilig magpakita ng ngiti ko, simula nang mawala si Papa, hindi na ako ngumigiti, sa harapan nalang ni Mama at mga tauhan ko.

Kumurap kurap muna ako bago ako sumagot.

" Masaya kasi ako, dahil nakakuha ako ng ebidensiya. Salamat pala, sana iyong iba mo pang alam, sabihin mo na saakin, hindi naman kita pinipilit, handa akong maghintay." Malumanay na sambit ko. Balik ako sa dati, hindi ngingiti.

Talagang hindi lang ako makapaniwala na kakaumpisa ko palang buksan ang kaso ni Papa ay may ebidensiya na ako kaagad. At nakilala ko pa si Damian, baka kaming dalawa talaga ang makakalutas ng problema ko.

" Walang anuman. Sa mga susunod na araw ay sasabihin ko na sa iyo ang iba, gusto ko munang mas makilala ka, hindi maipagkakaila na malakas din ang ugong ng pangalan mo pagdating sa negosyo ninyo." Puri niya saakin. Nagdala sila Matilda ng pagkain namin ni Damian dito sa opisina, maya maya siguro ay aalis na kami, kailangan ko din ng pahinga.

Uminom ako ng juice.

" Handa naman akong makipag kilala sa iyo, pero, katulad mo, hindi lahat kaya kong sabihin, kakakilala lang natin sa isa't isa at ayoko namang ibulgar lahat ng mayroon ako sa iyo." Sambit ko. Ngumisi siya sa sinabi ko. Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya, tanging juice lang ang iniinom niya.

Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon