" Rainy day?"
Nagulat ako ng buksan ko ang kurtina ng kwarto ko, gusto ko sanang makakita ng araw kaya lang ay hindi ako payagan ng panahon. Maulan sa labas at dinig ko din ang kulog. Huwag lang kikidlat, takot na takot ako doon.
" Magandang umaga po, Ma'am. Pinapunta po ako dito ni Damian dahil hindi po siya makapagluto ng pagkain ninyo." Nagtaka ako sa sinabi ng kasambahay na ito. Lumapit ako sa ginagawa niya, napangiti ako ng makita ang pancake na niluluto niya, my favorite breakfast!
" Bakit daw po?" Magalang na tanong ko.
Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. Maraming pancakes ang niluto niya, bakit nila alam na paborito ko itong almusal?
" Masama po ang pakiramdam ni Sir. Kaya hindi po siya makakalabas ng kwarto niya." Tumango ako nang dahan dahan.
Nagpaalam muna ako na aakyat muna. Tinignan ko ang kwarto ni Damian, kumatok ako bago ako pumasok. Tulog pa ito nang makapasok ako, nakabalot siya ng kumot at saka wala siyang suot na pang itaas. Masama ang pakiramdam pero nakahubad? Ang lamig pa sa kwarto niya. Kinapa ko ang kaniyang noo, mainit nga. Pero hindi naman gaano, baka masakit lang ang ulo niya.
" Damian, bumangon ka na diyan, kumain na tayo." Paggising ko dito. Narinig ko naman ang pag 'hmm' niya. Pero hindi parin niya idinidilat ang kaniyang mga mata.
Mas lalo akong lumapit sa kaniya at saka inaalis ang kumot sa kaniyang katawan.
" Dami, wake up!" Napabalikwas ako ng hatakin niya ako para yakapin. Ramdam ko ang katawan niya sa akin, maging ang mga kamay ko ay hindi ko maidikit dahil wala siyang damit pang itaas.
Dumilat ang mga mata nito, ngumiti siya nang makita ang aking mukha.
" I'm not feeling well. I'm really sorry." Bumusangot ako sa sinabi niya. Kumalas ako sa yakap at saka ko kinapang muli ang kaniyang noo. May sinat pa din siya.
" I'll take care of you, tumayo ka na, I want to eat, that's my favorite breakfast!" Angal ko. Nilibot ko ang tingin sa kwarto niya. May closet akong nakita kaya humanap ako ng damit niya, ibinigay ko iyon sa kaniya.
Kinuha niya naman iyon at saka isinuot, sabay kaming bumaba.
" Sir, ihahatid ko nalang po sana ito doon, sinundo po pala kayo ni Miss Azariah." Ngumiti ako doon sa Ate. Ang daming pancakes, dalawa lang naman kaming kakain ni Damian, baka makakadami ako dito.
Inalalayan kong umupo si Damian sa lamesa. At saka ko siya nilagyan ng pancake at honey sa plato niya, pagkatapos ay kumain na din ako.
" Are you okay? Anong nararamdaman mo? We can't go to the Hospital, Damian. Tell me when you're not feeling well, okay?" Tumango siya. Nauna akong kumain, kahit na paborito ko ito ay dinalian kong kumain para mapakain ko si Damian. Hindi niya kasi kinakain ang pagkain na nasa plato niya.
" I'm not feeling well, kagabi pa. I am worried-"
" Don't worry about me. Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na kasama kita, kaya hindi dapat ako matatakot, hindi ba?" Ngumiti ako sa kaniya. Namumungay ang mga mata nito, at saka namumula ang kaniyang tainga. Nagpakuha ako ng gamot sa kasambahay na nandito, agad naman siyang kumuha at ibinigay sa akin.
Ako na ang nagsubo sa kaniya ng pagkain niya, ilang subo lang ang nagawa niya, at tapos niyon ay uminom siya ng kaniyang gamot.
" You want to go upstairs? Or you want to stay here? Tell me." Sambit ko.
" I want to go upstairs. You eat here first, I know you really love the food." Tumawa siya sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin, tumango naman ako.
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
AzioneUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...