" Logo?"
Kahit ang mga Imbestigador ay nagtataka kung bakit ito ang nakuha namin doon sa lugar na iyon. Ibinigay ko at idiniretso ko sa mga Imbestigador ang metal na bagay na nakuha ko kanina. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, alam kong ito na ang solusyon at ebidensiya sa pagkamatay ni Papa.
" May alam ba kayong logo na ganiyan? Sa pagkakaalam ko ay mga pribadong tao ang may ganiyang mga logo sa sasakyan at damit, karaniwan din nila itong ipinapa- tattoo sa katawan nila para hindi sila makilala ng mga tao kapag nasa publikong lugar sila." Paliwanag ng isang Pulis saakin. Agad akong umiling nang tanungin kung may alam ba akong ganiyang logo.
" Pribado silang mga tao? Ibig sabihin ay katulad sila saamin? May negosyo? Galing sa Gobyerno?" Takang tanong ko. Tumango naman sila kaagad sa akin.
Kailangan kong mahanap ngayon kung kaninong logo ang nahanap namin. Baka sila na nga ang pumatay sa Papa ko.
" Ganoon na nga, Ms. Azariah, baka may negosyo din ang taong gumawa nito sa Papa mo at ganito ang logo nila o pagkakakilanlan nila sa isa't isa." Nag isip ako ng iba't ibang paraan. Kung may negosyo nga sila, ano naman kaya iyon? Kung galing naman sila sa Gobyerno, ano kaya ang pangalan ng Pamilya nila?
Hinarap ko si Keily at saka ko siya tinignan nang mataman sa mga mata niya.
" Keily, gumawa ka ng research tungkol sa logo na ito, humanap ka din ng brand na may logo ng ganito o kahit anong makita mong impormasyon tungkol dito." Sambit ko. Tumango si Keily.
" Noted, Ma'am." Umalis siya sa harapan ko at saka naiwan kami dito ng mga Pulisya, kasama si Mr. Madrigal at ang mga Imbestigador.
" Kukunin ko ang logo na ito, sa tingin ko ay magagamit ko ito sa mga susunod na araw, kuhanan niyo nalang ng litrato at saka ninyo ilagay sa papel." Ngumiti sila. Kinuhanan nga nila ito ng litrato at saka iprinint nila, upang may kopya sila ng logo na ito, maingat ko namang inilagay ang logong metal sa plastic at saka isinilid pabalik sa aking bag.
Magpapaalam na ako, kailangan ko ng bumalik sa opisina at baka masundan ako ng mga Reporter tungkol sa nangyari kanina.
" Aalis na po ako, tatawag nalang ako kapag kailangan ko ng tulong ninyo, maraming salamat sa pagbabantay saakin kanina, Mr. Madrigal." Hinatid nila ako sa pintuan at saka ako sinalubong ng mga guwardiya ko. Sumakay na ako, at sumunod naman ang iba kasama si Keily.
" Mag iingat ka, Ms. Azariah."
" Salamat."
Nang makarating kami sa Building namin ay may mga Reporter na nga na naghihintay saakin. Hindi naman masyadong marami kaya naman handa akong magpa interview sa kanila. Lumabas ako ng sasakyan ko, naroon naman sa labas ang ibang guwardiya at nang makita nila ako ay agad silang lumapit saakin para bantayan ako.
" Ms. Azariah, nabalitaan naming bumalik kayo sa pinangyarihan ng insidente ng Papa mo, may nakuha po ba kayong ebidensiya sa araw na ito?" Tanong saakin ng Reporter. Hindi ako ngumingiti. Tinitignan ko lang sila isa isa sa mga mata nila.
" Sa palagay ko, iyong nakita naming bagay kanina ay masasabi kong ebidensiya at pakiramdam ko ay ito na ang makakapagsabi saakin kung sino ang pumatay sa Papa ko." Lumapit naman ulit saakin ang isa pang Reporter, hawak niya ang kaniyang telepono at saka ang Mic niya, nasa likod niya naman ang CameraMan niya.
" Handa ka po bang buksan ulit ang kaso ng Papa mo, Ms. Glissando?"
" Handang handa akong buksan ulit ang kaso ni Papa, kasama ko ang pinakamagagaling na Abogado ng Pamilya namin kaya alam kong sa oras na buksan ko ulit ang kaso, matutukoy namin kung sino ang salarin." Tumango siya at saka nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
ActionUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...