" Look at me, Azariah."
Sambit ni Damian saakin habang nasa byahe kami paalis. Hindi ko ba alam kung paano niya napagsabihan ang mga lalaking iyon at umalis sila sa harapan ko.
" Azariah, I said look at me, mahirap ba iyon?" Hindi parin ako tumitingin sa kaniya. Inihinto niya ang kotse niya sa isang Parking lot. At saka siya humarap sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
" Are you fine? I'm not mad, Azariah, if that's what you think, I am worried." Hinaplos niya ang mga braso ko, tinignan ko naman iyon. Kung hawakan niya ako ay para akong isang mamahalin at babasaging gamit, ni halos hindi ko na maramdaman ang paghaplos ng kamay niya sa akin dahil sa sobrang gaan at ingat niya sa pagkakahawak sa mga braso ko.
Tumingin na ako sa kaniya sa pagkakataong ito.
" Paano mo napasunod ng ganoon ang mga tao kanina?" Diretsahang tanong ko dito. Hinawakan niya ang manibela ng sasakyan, at saka umiwas ng tingin sa akin. Agad akong nagtaka sa ikinilos niya. Kakilala niya kaya ang mga tao kanina?
" Wala akong pinapatos kapag dating sa taong mahal ko, Azariah, kahit kamatayan pa iyan, basta nasasaktan ang taong mahal ko, hindi ko inuurungan." Napaisip ako. May nararamdaman nga ba talaga saakin si Damian? Bakit palagi nalang ganoon ang lumalabas sa bibig niya.
Tinignan ko siya sa mga mata, bigla siyang umiwas.
" Damian, takot na takot ako kanina, akala ko iiwan ko si Mama nang hindi man lang nakakapag paalam." Hinawakan ko ang sentido ko. Umiling iling ako, hindi parin ako makapaniwala at nagtataka ako kung bakit ang bilis niyang dumating doon, at paano niya nalaman na naroon ako.
Basta ang mahalaga, ligtas ako.
" You should have my number. In case, you are in danger, and please, don't go there without me, understood?" Bilin nito saakin. Tumango ako at saka ako ngumiti.
" Anak, ako na mismo ang nagpunta sa meeting mo pa kanina, ipinaliwanag nila sa akin kung ano ang gagawin mo at inirecord ko na din iyon para mas maintindihan mo." Ibinigay sa akin ni Mama ang telepono niya. Agad ko iyong pinakinggan.
Tungkol iyon kanina, nakahanap na sila ng MC, at kung ano pang pinahanap ko kanina, mabuti at naayos na nilang lahat, kailangan ko nalang magpagawa ng damit ko para sa event na iyon, siguro ay magpapasukat na ako bukas.
" Mabuti naman po at naayos na nila. Natakot ko ata sila kanina dahil mainit ang ulo ko, bukas po, magpapa sukat na ako ng damit ko para sa event, kung gusto mong sumama, Ma, sabihin mo po saakin." Ngumiti si Mama sa sinabi kong iyon.
Kinagabihan ay nasa kwarto nalang naman ako maghapon. Naisip ko ngang maghanap pa ng ibang papeles sa dating opisina ni Papa dito sa bahay, mamaya nalang siguro kapag nakatulog na si Mama. Nag ayos muna ako ng sarili ko at saka ako nahiga saglit sa kama ko.
" Hello? Who's this?" Tanong ko sa tumawag sa aking telepono.
Agad naman siyang sumagot.
" This is Damian. Are you alright? You want me to come over?" Malambing ang boses niya ngayon. Agad naman namula ang pisngit ko sa sinabi niya at sa tono ng pananalita niya. Dumiretso na ako sa Opisina ni Papa, gagawin ko muna ito bago ako matutulog.
" I'm fine. You don't have to come here. You should rest also, Damian, thank you for today." Sabi ko. Nag umpisa akong magbuhat ng mga kahon na nasa mga shelf ni Papa, inisa isa ko iyong basahin at baka may mabasa akong Fuenmayor sa mga nakasulat doon.
" Are you sure? I'm so worried earlier. Save my number, okay? I'll see you tomorrow." Ngumiti ako. Namumula ang pisngi ko, at hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Who Killed My Father? ( Published Under Librophile Pub House)
AcciónUnited by the word death yet separated by the word life. With lots of twists and turns in everyday that passes by. This two souls will try to fight each and every obstacles being thrown along their way. Damian Alistair Fuenmayor and Celestine Azari...